That night we enjoyed our vacation. Doon ko din nalaman na may pamilya na pala si Khyle at kasalukuyan silang naninirahan sa New York. Kahit hindi man sabihin ni Jannice sa amin na nasasaktan siya hanggang ngayon, sa pag iyak pa lang niya kagabi noong nalasing na siya sapat na ang luha niya para sabihin may nararamdaman at nasasaktan pa rin ito kay Khyle.
Nagkausap na sila noon pa, pero ang pag uusap na iyon ay para tapusin kung ano man ang naiwan nila noon. Bagay na hindi nangyari sa akin, siguro ganon nga no? May closure man o wala, basta mahal mo pa siya hindi mo pa rin magawang umasa na sana pwede pa.
Ang pagkakaiba namin ni Jannice nagpanggap siya na okay lang sa kaniya ang lahat, tinaggap niya ang mga nangyari sa kanilang dalawa. Habang ako, hindi ko pa lubusang tinaggap kahit dalawang taon na ang lumipas. Ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay palayain siya. Baka sakaling pinalaya ko siya at ang sarili ko, marahil matatanggap ko na hanggang doon na lang ang sa amin.
Walang closure na magaganap, dahil ako mismo sa sarili ko. Ako ang magsasara sa istorya naming dalawa. Kaming dalawa man ang bumuo sa istorya na ito, pero let's face the truth. May isa talagang maiiwan at may isang aalis, sa kaso ko ako ang naiwan at siya ang umalis. Siya ang tumapos at ako ang magsasara sa kabanatang ito.
Masakit. Oo, pero ano nga ba ang magagawa natin? Yakapin natin ang mga sugat sa ating puso, baka marahil siguro sa paglipas ng panahon mawawala din ito. Katulad ng nararamdaman natin sa kanila.
Sana sa mga katulad ko na nasasaktan pa rin hanggang ngayon. Mahanap nila diyan sa puso nila ang salitang patawad. Patawarin mo ang mga nanakit sa iyo, lalong lalo na ang iyong sarili. Hindi mo kasalanan kung bakit ka niya iniwan, kung bakit ka nasasaktan. Nagmahal tayo e, nagmahal tayo sa taong akala natin sila na ang makakasama natin habang buhay. Hindi natin kasalanan kung bakit tayo nasasaktan, pero responsibilidad natin ang maghilom.
"Paano mo tinanggap iyon, Jannice? Na sa kabila ng pagmamahal niyo sa isa't isa pero nagawa ka pa rin niyang iwan, paano mo siya napatawad? Bakit ang dali mong tinanggap ang bagay na iyon, kahit alam mo sa sarili mong masasaktan ka?"
I just want to know. I'm just curious, bakit ako hindi ko magawang tanggapin ang lahat lahat? May kailangan bang formula para matanggap mo ang lahat? Dahil I am damn desperate.I want to stop this pain.
Ngumiti naman siya sa amin, bago siya nakatulalang tumingin sa kawalan.
"Noong nag usap kami, hindi ko naman tinanggap kaagad iyon e. Nag tanong ako sa kaniya kung bakit nagawa niya sa akin iyon. Bakit iniwan niya ako, alam ko naman para sa pangarap niya iyon. Pero hindi ko lang inaasahan na sa pagbalik niya, sasabihin niyang kalimutan ko na siya. Alam mo 'yung ilang minuto bago na proseso ng utak ko ang sinabi niya? Tinanong ko siya kung paano ako? Iyong sa amin? Diba mahal mo ako?Pero alam niyo kung ano pa ang mas masakit?" Nahihirapan siyang alalahanin ang mga pinag usapan nila, kaya sinabi namin na huwag na lang niyang ituloy pero nag pumilit siya. Na baka sakali mabawasan man lang ang sakit na dinadala niya.
"I'm sorry. Mahal kita, Jannice. Mahal na mahal kita, pero hindi ako nangako sa iyo na babalikan kita." Humagulgol na siya sa harapan namin sabay inom sa alak na hawak niya.
"Tangina e! Oo nga naman hindi siya nangako. Wala siyang sinabi sa akin na babalikan niya ako! Pe-pero umasa ako e! Umasa ako, kasi mahal ko siya!" Umiwas naman ako ng tingin dahil ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Jannice, ramdam ko 'yung mga luha niya, ramdam na ramdam ko siya.
"Pero alam mo kung paano ko natanggap ang lahat nang iyon? Noong nakita ko sila, kasama niya ang bago niya at ang anak nila. Iyong inakala ko na ako lang ang makakakita sa magaganda niyang ngiti, inakala kong sa akin niya lang ipapadama ang pag mamahal niya? Mali pala ako, dahil iyon ang araw na nakita ko siya na sobrang saya niya habang nakatingin sa pamilya niya. Bagay na hindi ko pa nakita noon."
"Siguro nga may mga pangako na sabay na binibigkas ng dalawang nagmamahalan. Pero sa huli... May isang umasa at may isang tinupad iyon sa iba."
Mga binitawan na pangako na mag iiwan na labis na sugat sa ating mga puso at maging sa ating pagkatao. Hindi kita iiwan ang salitang kailanman hindi matutupad na kahit sino pa man. Sa ayaw at sa gusto natin may magpapaalam at may maiiwan. May aalis at may luluha.
"Buhatin mo na iyan, Zach. I think hindi na niya kayang mag lakad" paalala ko sa kaniya, tumayo naman siya at walang pag alinlangan na binuhat ito.
Sumunod na kami sa kanila at tahimik na naglalakad papunta sa room namin.
Masyadong mabigat ang mga sinabi ni Jannice. Hindi man siya nagkukwento sa amin, alam namin na nasasaktan siya. Pero iba pa rin ang pakiramdam na siya mismo inamin niya sa amin na nasasaktan pa rin siya, at tanggap na niya hanggang doon na lang talaga sila.
Pumasok na si Shariah sa CR, habang kami naman tatlo ay nakatingin lang kay Jannice. Kahit sa pagtulog niya ramdam pa rin namin ang lungkot niya, ang tanging magagawa na lang namin ay suportahan siya at hindi namin siya iiwan sa laban niyang ito.
Sana maisip niya na nandito lang kaming kaibigan niya at hindi namin siya iiwan.
"She's still hurting. Kahit anong tago niya at sabihin na tanggap na niya, alam kong nasasaktan pa rin ang pinsan ko. Bakit kasi kung mag mahal kayo, bakit hindi kayo nag titira para sa sarili niyo?" Bumaling din ang tingin ni Jenica sa akin, pero nanatili ang tingin ko kay Jannice.
"Hindi ko alam e. Pero siguro gusto lang namin ipakita at iparamdam kung gaano namin sila ka mahal. Baka sakaling hindi nila kami iiwan, na hindi nila kami susumbatan na nag kulang kami."
Tama nga si Vice Ganda. 'Kung iiwan ka, iiwan ka talaga. Wala talagang sagot sa tanong na bakit mo ako iniwan e, kasi kung gusto ka niyang iwan, iiwanan ka niya.'
Iyong mga tanong natin na bakit. Iyong mga what ifs natin. Iyong mga pagba bakasali natin. Wala ng saysay iyon, dahil sa oras na iniwan tayo ng mga taong mahal natin, ang magagawa na lang natin ay umiyak sa isang sulok.

BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
RandomNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...