Chapter 5 FIGHTING

5 0 0
                                    

"Have you ever thought of giving up?" Tanong ng aming guro habang tinitignan niya kami isa-isa.

"Minsan ba dumating nasa punto na nasabi niyo sa sarili niyong hindi ko na kaya, dahil pagod na ako? " Nag lakad-lakad siya hanggang sa tumigil siya malapit sa akin.

"Ikaw Lyca? Naisip mo na bang sumuko?" Kumalabog naman ang puso ko dahil sa takot at kaba.

"Ikaw ang napapansin kong madalas, dahil tahimik ka at kung minsan mas gugustuhin mo pang mag-isa. Kaya gusto kong malaman, naisipan mo na bang sumuko? " Tumayo naman ako kahit sobrang nanlalamig na ako, dahil sa atensyong binibigay nila sa akin. Hinawakan naman ni Benedict ang kamay ko kaya napa tingin ako sakaniya. Ngumiti siya na parang sinasabi niya na kaya ko ito. Huminga ako ng malalim bago tinignan isa-isa ang mga kaklase ko at ang aming guro at ang pang huli... Si Benedict na hanggang ngayon naka ngiti pa rin sa akin.

"Yes! Nandoon na ako sa puntong gusto ko na lang sumuko dahil sabay akong iniwan ng mga magulang ko. And I asked myself over and over again kung may mali ba sa akin, may ginawa ba akong masama sa mga magulang ko na bakit... Na bakit iniwan nila akong sabay sa mura kong edad?" Natahimik naman ang mga tao sa loob ng room namin at nakikita ko sa gilid ng aking mata ang pag seseryoso ng katabi ko.

"Kailanman mo ba masasabi sa sarili mong pagod kana? At gusto mo na lang sumuko? Iyon bang ginawa mo naman ang lahat, pero wala pa rin. Paano 'yung mga nag sisimula palang pero sumuko na agad? My point is... Its okay to rest, but never give up."

Ilang beses ko ng sinabi noon sa sarili ko na hindi ko na kaya, na parang wala ng saysay ang buhay ko nang iniwan ako ng mga magulang ko.

"But my lola came, siya 'yung nag alaga sa akin. The thought of giving up and be with my parents, nawala sa akin. Dahil ang pag aalaga at pagmamahal na hindi ko na kailanman mararanasan sakanila, pinunan niya." Yumuko muna ako sa mga tao dito bago umupo at huminga ng malalim.

Nararamdaman ko naman ang mariing titig ni Benedict kaya hindi ko siya nililingon dahil natatakot ako na kapag tumitig ako sa kaniya ng pabalik, kusa na lang tutulo ang mga luha ko.

"I-I'm sorry for your lost, Lyca. So class I'm just trying to say here na don't give up, if you think that giving up is the only solution, think again because life is beautiful. "




May plano na ako ngayong araw ng sabado dahil ngayon ako mag hahanap ng trabaho. Dahil hindi habang buhay kailangan kong umasa kay lola, at gusto ko rin siyang tulungan sa gastusin sa bahay at sa pag aaral ko.

Tirik na tirik na ang araw pero ni isa sa mga pinuntahan ko hindi sila tumatanggap ng isang tulad ko na nag aaral pa lang. Pumikit naman ako at nagdadasal na sana itong huling pupuntahan ko, tatanggapin na ako.

"Miss nag hahanap ka ng trabaho?" Tanong ng guard at hinarangan niya ako.

"O-opo sana, nangangailangan po ba sila?" Ngumiti naman siya at tinaas ang kamay na para bang nanunumpa siya sa harapan ko. Kinuha niya ang kamay ko at pinag-apir niya ang mga ito, hindi ko alam kung nababaliw naba si manong o baliw na talaga.

"Sakto nag hahanap kami ng waitress, kaya mo naman siguro iyon diba?" Ngumiti naman ako dahil sa nakakagaan niya ngiti na pinapakita sa akin.

"Sige pasok kana, sana matanggap ka. Good luck fighting!" Nag act pa siya na parang nanalo sa isang palaro, kaya tumawa na lang ako at kumaway bago pumasok.

"Are you sure kaya mo sa gabi ang trabaho? Marami kaming working students dito at iilan lang ang pang-gabi kasi hindi nila kaya ang puyat. Ikaw puwede naman sa pang-araw tatanggapin naman kita huwag kang mag-alala, ang inaalala ko lang ang katawan mo kasi payat ka."

"Hindi po ako puwede Ma'am lahat po kasi ng klase ko pang-araw at kaya ko naman po, trust me po" naka ngiti ako sa harapan niya, tumango naman siya at may sinulat ng kung ano sa resume ko.

"Okay tatanggapin na kita and you will start tomorrow evening. So I hope you will enjoy working here, Lyca" nilahad niya ang kamay niya sa akin at naka ngiti ko itong tinaggap


"I will, Ma'am!" 

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon