"Ang agang naulila ng anak nila, nakakaawa siya" iyan ang mga naririnig ko noon sa libing nila mama at papa.
Pero binabalewala kulang sila kahit na sobrang sakit na maranig sa ibang tao kung gaano ako ngayon kaulila. Wala akong sinisi sa pagka wala ng mga magulang ko, dahil kahit bata pa lang ako noon naiintindihan kong iniwan na talaga ako nila mama at papa.
Masakit pero hanggang sakit na lang e. Wala na akong magagawa kahit ilang beses pa akong masaktan, dahil tuluyan na nila akong iniwan. I always told to myself na nandiyaan lang sila na ginagabayan nila ako.
"Apo, sa akin ka muna. Ako na ang mag aalaga sa'yo simula ngayon" naka ngiting saad ni lola tumango na lang ako kahit na ayaw kong iwan ang bahay namin kung saan narito ang mga masasayang alaala namin.
"Ano ba 'yan nay! Bakit mo pa kinuha si Lyca, dapat hinayaan mo na lang siya sa mga kamag anak ng papa niya para wala na kayong aalagaan" nandito na ako sa bahay nila lola at iyan ang bumungad sa akin na mga salita ni tita, na kapatid ni mama.
"Ano ka ba Lorein, pamangkin mo 'yan kaya huwag kang mag salita ng ganiyan. Ako din naman ang mag aalaga at hindi naman ikaw" humarap sa akin si lola at hinawakan ang kamay ko papasok sa bahay niya, nakayuko naman akong habang naglalakad dahil alam kong naka tingin ng masama sa akin si tita.
"Heto ang kwarto mo apo may mga laruan diyan, binilhan kita noong isang araw sana magus-"
"La, uwi na lang po ako sa bahay namin kaya po tulad ng sinabi ni tita sa mga kamag anak ko na lang po kay papa" ngumiti naman ako kay lola, kahit na nasasaktan ako sa sinabi ni tita. Dahil na rin siguro sa turo nila mama na kahit nasasaktan ako hindi ako umiiyak sa harapan nila.
"Apo huwag mong isipin ang sinabi ng tita mo, tayong dalawa ang titira dito. May sariling bahay ang tita mo, kaya hindi mo siya araw araw makikita dito. Tsaka ayaw mo ba dito, apo? Maraming bata dito kaya marami ka rin magiging kaibigan" naka ngiting saad ni lola habang hinahaplos ang buhok ko.
"Ahh kawawang bata, wala siyang mama at papa. Tara doon tayo, ayaw namin sa batang walang magulang. Blehh" sa bawat araw na lumalabas ako sa bahay ni lola para makipag laro lagi nila akong inaasar dahil wala na daw akong magulang.
Gusto kong magalit at mag sumbong kay lola, pero alam ko sa sarili ko na totoo ang mga sinabi nila na wala na talaga akong magulang. Kaya hinahayaan ko na lang sila at umuuwi na walang bakas na lungkot sa aking mata.
Hanggang sa tumuntong ako ng high school ni isa wala akong naging kaibigan. Sa tuwing naririnig ko ang mga kwentuhan ng mga kaklase ko kung saan sila gumagala, na iinggit at na aawa ako sa sarili ko and I started to question my life and existence and there's many what ifs in my head but... In the end it end up saying to myself, that's okay Lyca you're strong so its totally okay.

BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
De TodoNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...