Anong gagawin ko para matapos na itong sakit na ito? Bakit paulit ulit na nangyayari sa akin ito? Bakit lagi akong iniiwan? Minsan naisip ko baka nabuhay lang ako dito sa mundo para makaramdam ng paulit ulit na sakit, gusto lang ng mundo na iparanas sa akin kung gaano kalupit ito.
Pagpasok ko sa chapel, naka tingin na kaagad sila tita at Shariah sa akin hinanda ko na ang sarili ko sa masasakit na salitang ibabato nila sa akin tumayo si tita para lapitan ako kaya alam kong sa akin ang sisi.
"Tita" mahinang bulong ko
"Ano bang meron sayo bakit napapahamak ang mga taong nakapaligid sayo? At bakit kahit ilang beses naming sabihin kay mama na iwan ka na lang, ay hindi niya ginawa! Ikaw! Ikaw ang pinili niya kaysa sa sarili niyang anak! Kung sanang kinuha ko na si mama, hindi mangyayari ito! Dahil sa muling pagkakataon ikaw na naman ang dahilan kung bakit nawalan ako ng mahal sa buhay! Ikaw na lang parati! Ikaw na lang lahat!" Hinawakan niya ang braso ko at ramdam kong bumaon ang mga kuko niya dito, kaya kahit masakit ay titiisin ko baka sakaling kapag na manhid na ako sa sakit, wala na akong mararamdaman pa.
"Kaya anong ginagawa mo pa dito? Umalis kana! Hindi ka namin kailangan dito!" Kinaladkad niya ako paalis pero binawi ko ang braso kong hawak niya
"Hi-hindi tita. Please maawa po kayo sa akin, hayaan niyo po akong makasama pa siya" pagmamakaawa ko sa harapan niya pero isang malakas na sampal ang na tanggap ko.
"Wala kang karapatan magmakaawa sa akin, Lyca! Umalis ka na lang habang may natitira pa akong pasensiya sa-" lumuhod ako sa harapan niya kahit alam kong maraming taong nakatingin sa amin, natahimik sila at tanging pag sambit ni Benedict sa pangalan ko ang narinig ko.
"Parang awa niyo na po ka-kahit ngayon lang, hayaan niyong makasama ko si lola. Kahit ngayon lang please,tita" pilit akong tinatayo ni Benedict pero nag mamatigas ako, hanggat hindi pumapayag si tita hindi ako aalis dito.
Ilang minutong hindi nag sasalita si tita, kaya baka pumayag siya na makita ko si lola pero laking gulat ko ng umalis siya at iniwan akong naka luhod pa rin dito. Para naman akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa ginawa ni tita pang iiwan sa akin dito.
"Lets go" he forced me to stand up and we walked away, pinasok niya ako sa kotse at pinaandar ito.
"Hindi ka ba nahihiya sa ginawa mong pag luhod? Kaya ko naman paki usapan ang tita mo, pero bakit kailangan mo pang ipahiya ang sarili mo sa maraming tao?" Galit na tanong niya
"My god, Lyca! Nasaan ang utak mo!?"
"Stop the car!" Galit na utos ko, bakit sa akin siya nagagalit? Walang akong ginawang masama, pero kung makapag salita siya parang ang laking kasalanan na lumuhod ako at hingin iyon, para naman ito sa lola ko.
"I SAID STOP THE CAR, BENEDICT! " pagka tapos kong sumigaw ay itinigil niya ito kaya lumabas ako, sinundan niya ako kaya tinignan ko siya ng masama.
"Umalis kana! Hindi kita kailangan dito!" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko, kaya tumawa siya at nakikita ko sa mata niya ang galit.
"Wow! Pag aawayan pa ba natin ito? Sinasabi ko lang naman na sana hindi mo na gina-"
"I don't need your opinion, Benedict at wala kang karapatan para sabihin kung anong gagawin ko-" mabilis siyang humakbang papalapit sa akin, at buong tapang ko siyang hinarap.
"Baka nakakalimutan mong boyfriend mo ako kaya may karapatan akong sabihin kung anong mali mo!" Hinawakan niya ako sa braso pero magaan lang ang hawak niya taliwas sa pinapakita niyang galit ngayon sa akin.
"Boyfriend? Baka nakakalimutan mong dalawang araw mo na akong hindi kinakausap at hinayaan mo ng matulog tayong magkaaway! Kung boyfriend kita, bakit hindi mo man lang ako naipagtanggol kay tita?" I will never ever cry in front of him, dahil pride na lang ang natitira ko pagka tapos ng nangyari kanina.
"Hindi pagkakamali ang ginawa ko kanina dahil ginawa ko iyon para kay lola. Ngayon kung hindi mo gusto ang ginawa ko, sana iniwan mo na lang ako doon. Dahil doon naman tayo aabot, hindi ba? IIWAN MO RIN AKO" binitawan niya ang balikat ko at hindi makapaniwalang tinitigan ako
"Kaya habang hindi pa lumalalim itong sakit, Benedict. Iwan mo na ako, umalis kana, iwan mo na lang ako" nakitang kong umagos ang luha niya kaya umiwas ako ng tingin
"No! Hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Nangako tayo diba? Don't you remember? Walang iwanan? Sabay natin aabutin mga pangarap natin" umiling naman ako sa kaniya
"Paano ang pangarap mong mag aral sa ibang bansa? Tanda ko pa kung gaano ka kasaya kapag kinukwento mo sa akin iyon, ayaw mo bang maabot iyon? " Hinawakan ko ang mukha niya para matitigan ang mukha niya, I'm surely miss him. Ngayon pa lang namiss ko na siya paano pa kapag malayo na talaga siya sa akin?
"A-alam ko naman na ako na lang ang hinihintay mong bumitaw. Kahit na sinasabi mong hindi mo ko iiwan pero taliwas iyon sa sinasabi ng mata mo at mga galaw mo. Ha-handa kitang pakawalan sa oras na sabihin mo na gusto mo ng kumawala sa akin, hindi mo na ako kailangan saktan, hindi mo na kailangan gumamit ng tao para lang lumayo ako sayo ng tuluyan." Pinunasan ko ang luha niya at hinalikan ang mga mata niya.
"Pinapalaya na kita, Benedict" bulong ko sa kaniya, lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko at hinalikan niya ako. Itong halik na alam kong tapos na ang lahat, halik na huli na ang lahat, halik ng pamamaalam. Pagkatapos non ay niyakap niya ako ng mahigpit at alam kong umiiyak pa rin siya, gusto ko rin humagulgol sa balikat niya pero baka hindi na siya aalis kapag nalaman niyang nasasaktan ako sa desisiyon kong ito. Kaya halos hindi na ako maka hinga dahil sa pag pigil at sa higpit ng yakap niya.
"I love you. I love you. I love you, Lyca. Until we meet again" hinalikan niya ang noo ko pababa sa ilong hangga sa labi ko ulit.
Nagkatitigan kami na parang pareho namin sinasaulo ang mukha ng bawat isa. Those brown eyes his pointed nose, his jaw line and his red lips I'm gonna miss everything about him.
"I love you, Benedict" sa huling pagkakataon ngumiti kami sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
RandomNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...