Chapter 37 SELF LOVE

5 0 0
                                        

Such a beautiful place. After a long drive we're finally here, Nacpan Beach here in El Nido Palawan.

Ang sariwang hangin na nalalanghap ko ay nagbibigay ng kaginhawaan sa isip ko.

"Tara bihis na tayo. OMG! Ang ganda dito, sis" hinila na ako ni Jannice habang naka ngiting nakatanaw sa dagat.

Kinuha ko muna ang cellphone ko para mag picture kaming lahat. Pagkatapos non ay kaniya kaniya na kaming picture kaya natagalan kami sa pag bibihis.

"Wear your bikini, couz. I know you, mara clara e" sigaw ni Shariah sa labas ng banyo. I know right, hahayaan ko munang intindihin ang sarili ko. Sa ngayon gusto ko munang mag focus sa sarili ko pagkatapos ng mga nangyari sa buhay ko. In the past years, lagi na lang ibang tao ang inintindi ko. Nakalimutan ko na ang salitang self love. Sa kagustahan natin maipadama sa ibang tao kung gaano natin sila kamahal, nakakalimutan na nating mahalin ang ating sarili. Sa takot na tayo'y iwanan, nakalimutan na natin na unti unti na natin napapabayaan ang ating sarili. That's the scariest thing about love, ang ibigay ang pagmamahal mo at hindi mag tira para sa sarili mo.

"Wow, couz. Inggit naman ako sa katawan mo. How to be you po?" Umiling naman ako sa kaniya at nilagpasan siya para puntahan ang mag pinsan.

"Let's go" tumingin naman silang dalawa sa akin at para silang sira dahil ilang beses nila akong tinitigan mula ulo hangga paa.

"Shariah? Nasaan si Lyca? Kanina pa natin siya hinihintay bakit hangga ngayon wala pa siya?" What the? Hindi ba nila nakikitang nasa harapan nila ako? Baliw talagang mag pinsan na ito. Hinayaan ko na sila at lumabas na.

"Wait" may humawak sa braso ko at pag harap ko ay si Zach.

"You're showing too much skin, Lyca Mae" I know him. Kapag binabanggit niya ang buong pangalan ko ay hindi niya gusto ang ginagawa ko. Pero ngumiti ako sa kaniya at tinalikuran siya.

"Ano ba! Hayaan mo muna siya, kung gusto mo bantayan mo siya hangga mamaya." Inis na salita ni Shariah. Hinabol niya ako at inakbayan sabay taas ng cellphone niya para sa isang picture.

"Yeah! Kailangan ko nga siyang bantayan" habol sa amin ni Zach. Umakbay din siya sa akin at humarap sa camera.

"Ang daya niyo talaga, sama kami" nag picture muna kami para daw may maipost sila sa facebook and instagram.

Susunod na sana ako sa mag pinsan papunta sa dagat nang bigla may yumakap sa bewang ko at inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.

"Can you take a picture of us?" Napapaos na paki usap niya kay Shariah, sabay bigay ng cellphone niya. Hindi pa rin inaalis ang kamay niya sa bewang ko at ang bibig niya sa tainga ko.

"Smile, couz" ngumiti naman ng nakakaloko si Shariah, at ibinigay na niya ang cellphone pagkatapos.

"You're getting too much attention, Lyca Mae. And I didn't like it, but I'll be watching you. So stay close" hindi lang siya sa akin ka protective, sa mga mag pinsan din at kay Shariah. Pero hindi ko maiwasang isipin na may ibang kahulugan ang ginagawa niya sa akin, lalo na alam kong may nararamdaman pa rin siya sa akin.

Kahit ilang beses kong sabihin sa kaniya na huwag na siyang umasa dahil sa ngayon wala akong maibibigay sa kaniya, dahil naubos ako. Binigay ko ang lahat sa taong hangga ngayon umaasa pa rin na babalikan niya ako. Pero siguro nga ganito ang pag-ibig, nagmamahal tayo sa isang taong may mahal ng iba. Nag hihintay tayo sa isang tao, na hindi natin alam kung masusuklian ba ang pag ibig natin.

Lumusong na kami sa dagat at nag sabuyan ng tubig na para kaming bata. Alam kong may kaniya kaniya kaming problema pero may tiwala kami sa isa't isa na malalampasan din namin ito, kung sama-sama kami.

Nawala man ang mga magulang ko, si lola at si Benedict. Pero ang mga kaibigan ko ay hindi nila ako iniwan at tinalikuran. Noon naiinggit ako sa mga taong maraming kaibigan, dahil sa tuwing nagsama-sama sila ang ingay at ang lakas ng tawanan nila, kwentuhan dito, kwentuhan doon. Ngayon na realize ko na, hindi mo pala kailangan ng maraming kaibigan. Sapat na 'yung isa, dalawa o tatlo basta may damayan hindi lang sa saya pati na rin sa lungkot. Hindi lang sa tawanan pero nandoon sila at handa nilang punasan ang luha mo. Hindi mo kailangan ng maraming kaibigan, ang kailangan lang natin ay 'yung totoo at hindi ka iiwan kahit anong mangyari.

Iniwan ko muna sila doon para ma kapag pahinga kahit sandali lang, ang lakas kasi ni Jenica manulak. Biruin mo hindi pa man ako nakakaakyat sa balikat ni Zach pero tinulak na niya ako, ang daya talaga ng babaeng 'yun. Hindi patas maglaro.

"Lyca, saan ka?" Sinundan ako ni Zach kaya sila na lang tatlo ang naiwan at naririnig ko pa rin ang malakas na tawa ni Jenica.

"Maglalakad muna ako, sama ka?" Tumango na lang siya at tahimik kaming nag lalakad sa tabing dagat. Itong katahimikan na ito ang gustong gusto ko, ang sarap sa pakiramdam. I want to take away all my thoughts, burdens and my pain. Siguro tama na ang dalawang taong pagpapahirap sa sarili ko, this time I want a peace of my mind. Dahil pagod na ang isip ko sa kakaisip kung kailan niya ako babalikan o kung babalikan pa ba niya ako.



"Are you okay, Lyca?" Binasag ni Zach ang katahimikan sa aming dalawa. Tumango naman ako sa kaniya bago umupo sa  buhangin at humarap sa dagat.

"Siguro, oo. Hindi ko alam, but I'm trying to be okay. Two years simula ng mangyari ang trahedyang iyon, hanggang ngayon umaasa pa rin ako na babalikan niya ako. Pero isang araw magigising ka na lang pala na, pagod ka na. Pagod ka ng umasa sa taong hindi mo alam kung may aasahan ka. I love him so much to the point na kahit sinabi nilang patay na siya ay hindi ako naniwala. Kasi dito" turo ko sa dibdib ko. "Dito sa puso ko, buhay na buhay siya. Sa mga alaala ko, buhay na buhay siya."

Pinunasan ko ang luha ko and this is the last time that I will cried because of him. Pagod na akong umiyak, pagod na akong umasa, pagod na akong magmakaawa na balikan niya ako, pagod na ako sa lahat lahat ng nangyayari sa buhay ko. Pagod na akong umasa na balang araw kakatok siya sa labas ng bahay ni lola at sasalubungin niya ako na isang matamis na ngiti at mahigpit na yakap. Pagod na pagod na ako labanan ang lungkot at sakit na nararamdaman ko. Iyong buhay ka pero parang pinapatay ka ng mga sakit nang pagkawala niya. Pero na realize ko na kailangan ko rin isipin ang sarili ko, na ilang taong ko na rin napabayaan.

A LIFE OF REGRETMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon