That was my memories of him and I still remember those words I exactly said to him, its never been easy but I need to move on and that was my decision and all I can do is to continue my life without him by my side.
Pagka tapos ng libing ni lola noon, may pumunta sa bahay at nagpakilalang attorney. His attorney Galvez my parents close friends at sabi niyang may last will ang mga magulang ko at naka saad doon na makukuha ko nga ang mana ko sa edad na twenty one years old, at nakalagay din na wala na akong kailangan alalahanin sa college ko dahil bayad na lahat kahit saang school ko gusto at kursong kukunin. Pero twenty years old ako nang pumunta ang attorney dahil nalaman niyang wala ng mag aalaga sa akin, na lubos na akong ulila.
That was the darkest happened in my life. To say goodbye to the person you can't afford to lose, but you have to and to gave up to that person whose willing to fight for you. To find yourself so you have to sacrifice the person who truly loves you.
"Handa niyang talikuran ang pangarap niya para sayo, Lyca! At ikaw anong ginawa mo? Bumitaw ka! Binitawan mo ang taong handa kang ipaglaban! Ang swerte mo nga dahil may isang taong kayang gawin iyon, ang swerte swerte mo! Pero sinayang mo!" Galit na sigaw ni Jannice sa akin, alam ko ang kwento nila Khyle at alam kong nasasabi niya lang ito dahil nasasaktan siya. That's why I understand her. I'm trying to understand those people around me dahil iyon na lang ang magagawa ko, trying to understand them even they didn't try to understand me too.
"Ang unfair kung sino 'yung mga taong handang lumaban sila 'yung iniiwan. I don't understand their reason, mahal mo diba? Bakit hindi ka lumaban! Bakit bumitaw ka?" Pagka tapos non umalis na siya, halos isang buwan kaming hindi nag usap pero sa huli nag sorry din siya at nag sorry ako. She's my best friend after all, sila ni Jenica.
Three years since I pushed him and I'm still craving for his touch, his voice. I'm still miss him, pero hanggang doon na lang ako kasi akong bumitaw ako ang sumuko sa aming dalawa na kahit pwede pang ilaban tumigil ako.
Isang linggo ang nakalipas nang umalis siya nabalitaan kong sumunod si Camille sa kaniya and her family. Sobrang sakit dahil doon ko nalaman na naging sila pala noon, hindi lang mag bestfriend kung hindi ex girlfriend niya hindi ko alam bakit tinago niya ang bagay na iyon sa akin pero hindi na mahalaga iyon dahil magkasama na sila.
Nandito kami ngayon sa bar kasama ko ang mag pinsan at si Zach. Yes! He became my boy bestfriend pero hanggang doon na lang, hindi ko kayang ibigay ang pagmamahal ko sa iba dahil alam kong hindi ako ready at may iba akong mahal I don't want to be unfair that's why I told him that its not time. I'm still not yet get over him or hindi ko sinubukan talagang kalimutan siya, hindi ko siya sinubukan alisin sa sistema ko na kahit marinig ko lang 'yung mga kantang kinanta niya sa akin na iimagine ko na nandito siya sa tabi ko. Tuwing may nakikita akong flowers siya agad ang naiisip ko at ang mga ngiti niya sa tuwing binibigay niya sa akin, ultimo pabango niya naamoy ko kahit saan. I really really miss you,babe.
"Whoohh! Finally mag tatapos na tayo lets celebrate" sigaw ni Jannice at nag head bang pa siya at sumabay sa kanta
"Drink it, Ly. This is good and don't worry nandito si Zach may mag babantay at mag aalaga sayo kapag nalasing ka" tumawa silang tatlo pagka tapos ng sinabi ni Jannice.
Uminom kami last time kaming tatlo lang sa bahay nila Jenica syempre I'm broken hearted that's why binuhos ko lahat doon, nang nalasing na ako nag simula na akong umiyak at ang mga gaga kinuhanan pala ako ng video kahit na nang nag susuka na ako kinuha pa nila iyon at naririnig ko ang tawa nila sa back ground. Kaya minsan iniisip ko kung kaibigan ko ba talaga sila o hindi.
"And don't you dare to cry or vomiting here. Eww maraming tao dito" tumawa siya ng nang aasar kaya ngumiti din ako sa kaniya
"KHYLE" pag tawag ko sa taong nasa likod niya, nanlaki naman ang mata ni Jannice at kinuha ang cellphone ko at agad ko siyang kinuhanan ng picture.
"Gotcha! Don't be assuming wala siya sa likod mo, gaga. At alam mo naman na nasa New York na siya kung maka react ka naman diyan" kami naman ang tumawang tatlo kaya sumimangot siya bago inumin ang alak na nasa baso niya.
Nanlaki ulit ang mata niya at naka tingin sa likod ko, kaya tumawa ulit kami. Para kasi siyang nakakita ng multo or ewan dahil namumutla din siya.
"Be-benedict?" Para naman akong nabingi dahil sa pangalang binanggit niya maging ang dalawa ay natahimik din at tumingin kung saan naka tingin si Jannice, ganon din ang reaction ni Jenica pero si Zach ay seryoso niya akong binalingan.
"Ho-hoy wag kang mag biro ng ganiyan, hindi nakakatawa. Ha-ha-ha" kunwaring natatawa ako pero ang totoo kinakabahan na ako.
"Bakit kasi hindi ka lumingon sa likod mo para makita mo kung nag sasabi ba ako ng totoo o hindi" seryosong saad niya pero umiling lang ako sa kanilang tatlo, kung totoo man na nandiyan siya hindi pa ako ready na makita siya ulit.
"Hmm. Excuse me" nag mamadali akong tumayo at para pumunta sa cr, sinundan ako ng dalawa pero natigil si Jannice dahil may kumausap sa kaniya kaya si Jenica na lang ang naka sunod sa akin.
Pag pasok namin ay ang pag buhos ng mga luha ko, kahit ilang tao na pala meron at meron pa rin lalabas na luha sa mata ko at ang naka gago ay sa parehong dahilan.
"Please te-tell me, hindi si Benedict iyon" pero yakap ang natanggap ko kay Jenica na lalong nagpa iyak sa akin.
Hindi ikaw si Lyca, stop crying! Ang Lyca kilala ko hindi nag papakita ng kahinaan niya sa ibang tao, pero ang sakit lang bakit pa siya bumalik? Anong ginagawa niya dito? Bakit pa kung nasaan ako, doon pa siya nandito?
"Shhh. Stop crying hindi pa niya kami nakita, dahil maraming bumabati sa kaniya kanina. Kaya tara na uwi na tayo, habang wala pa siyang alam na isa sa atin ay nandito" tumango naman ako at sabay na lumabas, pero hindi nasa amin ang tadhana ngayon. Dahil pag bukas namin ng pintuan ay siyang pag lapit ni Benedict at kasama si Camille na magka hawak kamay.
Gusto kong umatras pero huli dahil nakita na nila kami, at nakita ko ang pagka gulat sa mukha ni Camille.
"Ly-Lyca" nauutal na saad niya, tumango naman ako at ngumiti kay Camille. Si Benedict naman ay naka iwas ang tingin sa akin naramdaman ko ang pag higpit ng hawak ni Jenica sa kamay ko, kaya huminga ako ng malalim bago mag salita.
"Uh-uhh Nice to meet you, Camille. We have to go. Bye!" Hinila ko na si Jenica para maka alis pero nagulat ako dahil may humawak sa braso ko pag tingin ko ay si Zach na seryosong naka tingin sa akin.
"Lets go home" matigas na pagkakasabi niya na agad kong tinanguan.
"Congrats" mahinang bulong ni Benedict kaya napatigil ako at lilingon na sana kaya lang hinigit na ako ni Zach papalayo doon.
BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
RandomNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...