Chapter 7 HIDE

6 1 0
                                    

Dala-dala ko na ang mga order nila Shariah, pero bago ako maka punta doon madadaanan ko muna ang table nila Benedict, hindi ako tumitingin sa banda nila kahit alam kong naka tingin siya sa akin.

"He-here's the order, Ma'am" nanginginig ang mga kamay ko, pero maayos ko naman nailapag ang mga oder ng mga kaibigan ni Shariah.

"WHAT THE FUCK" umalingawgaw ang sigaw ni Shariah dito sa loob, dahil natapon sa kaniya ang order niyang milk tea. Kaya dali-dali kong kinuha ang panyo ko sa aking bulsa at ipupunas sana kaya lang hinawi niya ang kamay ko.

"DON'T YOU FUCKING DARE TO TOUCH ME" at kinuha niya ang milktea ng kaibigan niya at binuhos niya sa aking mukha, naririnig ko naman ang tawanan ng kaibigan niya at ng mga ibang estudyante dito sa loob kaya yumuko ako para itago ang namumuong luha.

"Better be, mas bagay pala sa iyo 'yan. Basang sisiw mas nakakaawa kang tignan sa kalagayan mong iyan sa katulad mong uli-"

"Stop it" isang malamig na boses ang nag salita sa likod ko at hinawakan ang kamay ko. Nakayuko ako ngayon sa harapan ni Benedict habang ang mga tao ay biglaang tumahimik kahit sila Shariah at ang grupo niya.

"Wha-what? Benedict?" Usal ni Shariah.

"I said stop! You're making scene here, Shariah and stop acting like a kid" hihilain na niya sana ako paalis pero binawi ko ang kamay ko at umalis na ako doon na nakayuko.

"Lyca" nasa likod ko na si Benedict kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko para hindi niya makita ang mga mata kong puno ng luha.

"Please let me go" sabay yuko ko sa harapan niya nang naabutan niya ako dito sa parking lot.

"No" matigas na pagkakasabi niya.

"Look at me, Lyca" pero hindi ko siya sinunod kaya hinawakan niya ang baba ko at pilit na pinapaharap sa kaniya ang mukha ko.

"I-I can't. So please let me go" nagulat naman ako na kahit nakayuko ako sa harapan niya nagawa pa rin niyang punasan ang mga luha ko, napaatras naman ako sa ginawa niya at galit ko siya tinignan.

"Kung sinundan mo ako dito dahil naaawa ka sa akin, umalis kana!. Dahil hindi ko kailangan ng awa ng kahit sino! Dahil sawang sawa na akong marinig 'yan! So please kung naaawa ka lang sa akin umalis kana. Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit si-" bigla niya akong niyakap kaya natigil ako sa pag sasalita at ikinulong sa mga bisig niya.

"Shhh babe. Sige na ilabas mo na lahat ng hinanakit mo sa mundo, kahit ako 'yung murahin mo sabunutan at saktan. Okay lang, handa kong intindihin lahat ng sakit mo hangga sa mapagod kana" pumikit naman ako at umiyak ng tahimik sa dibdib niya. If crying means you are weak, maybe just this once I will let myself be weak.

"I-I shouldn't cry in front of you" sabay alis ko sa bisig niya at pag punas sa luha ko, tutulungan niya sana ako kaya umatras ako at umiling sa kaniya.

"No its okay, babe. I understand" pumikit naman ako dahil sa pag tawag niya sa akin.

"And stop calling me that" ngumisi naman siya at lalapit sana pero muli akong lumayo sa kaniya.

"What?" Patay malisya niyang tanong kaya inirapan ko siya at tatalikuran na sana siya kaya lang hinawakan niya ang braso ko kaya napahinto ako.

"If you want to cry, then I'm here to wipe your tears. If you want a friend then I'm willing to be your friend. If you want someone who will listen to your problem, I'm ready to listen to your problem whole day." Tuluyan na akong pumasok sa restaurant at iniwan ng hindi man lang nagpa salamat sa kaniya.

Pag pasok ko kinausap agad ako ng supervisor namin at siya na ang humingi ng sorry dahil kilala pala talaga sila Shariah na ganoon dito. Sinabi rin niya na hindi nila mapaalis sila Shariah dito dahil malapit sila sa may ari ng restaurant na pinagta trabauhan ko.

Kahit ayaw kong umuwi ng maaga, pinauwi na ako ng supervisor namin kaya wala na akong nagawa.

Alas dies ng naka uwi na ako sa bahay ni lola at naka sindi pa ang ilaw sa sala, kaya alam kong hinihintay niyang maka uwi ako.

"La, bakit gising pa po kayo?" Sabay mano at yakap kay lola ngumiti naman siya habang dinadala niya ako sa kusina.

"Kain ka muna apo, niluto ko ang paborito mong kare-kare" umupo naman ako habang siya naka upo sa harapan ko na naka ngiti.

"Kain na rin po kayo, la" umiling naman siya at sinabing busog pa.

"Kumusta ang unang araw mo apo?" Umiwas naman ako ng tingin at nagpa tuloy sa pagkain.

"Apo?" Napa tingin naman ako sa kaniya at nawala ang ngiti sa kaniyang mukha kaya lumunok naman ako bago mag salita.

"Okay lang naman po. May mga nakilala na ako sa mga kasama doon at okay lang naman po ang trabaho ko" hindi ko kayang banggitin ang ginawa ni Shariah sa akin, apo rin ni lola si Shariah at kapag nalaman niyang hindi kami magka sundong dalawa niyang apo, alam kong masasaktan siya.

"Akala ko bang madaling araw kang uuwi apo? Alas dies palang, may nangyari ba? " Sabay hawak niya sa kamay ko, ngumiti naman ako at umiling kay lola.

"Wala po maaga nila akong pinauwi dahil bago lang daw ako kaya puwede akong umuwi, kaso po ngayon lang pero bukas hindi na po" naka tingin ako sa mga mata niya para mas kapanipaniwala ang mga sinasabi ko.

Dahil na rin siguro sa mga karanasan ko sa buhay, natuto na ako kung kailan ko kailangan itago ang nararamdaman ko. Saying okay its better than explaining.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon