Chapter 27 CHANGE

5 0 0
                                        

Kung panaginip lang ito, gusto ko ng magising dahil ang sakit sakit na. Pero kahit ilang beses kong sabihin o paniwalaan ang sarili ko na hindi totoong wala na si lola pero sumasampal ang reyalidad na talagang iniwan na niya ako.

Nandito pa kami sa hospital at inaayos ang mga papel na kailangan para mailabas na si lola. Binigay nila ang gamit na dala ni lola bago siya mawala, wallet na may picture naming dalawa at isang sulat pero bago ko pa buksan ito nag salita na si Zach.

"Lets go, maayos na ang lahat" sabay upo ni Zach sa tabi ko kaya tumayo na ako pero dahil sa panghihina napa upo ulit ako. Hinawakan ni Zach ang isa kong kamay habang ang isa niyang kamay ay naka hawak sa bewang ko para tulungan ako.

Nag usap kami ni tita nasa chapel malapit sa amin na lang ang burol ni lola, dahil hindi ko kayang sa bahay siya pinag lalamayan na dapat sana kasama ko siya doon habang masayang nag uusap.

Papasok na sana ako sa kotse ni Zach pero may malakas na humila sa braso ko at sinampal ako ng malakas pag harap ko sa kaniya.

"YOU BITCH! WHAT DID YOU DO?" Akmang sasampalin ulit ako ni Shariah pero humarang si Zach kaya siya ang nasampal

"Umalis ka sa harapan ko! Away naming dalawa ito, kaya tumabi ka!" Pero hindi nakinig si Zach, kaya ako na mismo ang humarap sa kaniya.

"Anong ginawa mo kay lola!?" Nag iiyakan na kaming dalawa dito sa parking lot at marami ng tumitingin sa amin, pero parang walang pakialam si Shariah doon.

"Wa-wala akong kasalanan tina-" sinampal ulit niya ako kaya napatigil ako sa pag sasalita at humagulgol sa harapan niya.

"LIAR! Wag na wag mong sasabihin sa akin na wala kang kasalanan, dahil ikaw ang kasama ni lola sa bahay at sa ayaw at sa gusto mo ikaw ang sisisihin ko sa nangyaring ito. Hinding hindi kita mapapatawad!" Tumalikod na siya sa amin pumikit naman ako habang walang tigil sa pag agos ang luha ko.

Wala na talagang pag asa na maayos pa ang relasyon namin ni Shariah, bulong ko sa sarili ko. Hinatid ako ni Zach sa bahay at gusto pa niyang manatili dito pero pinauwi ko na siya at nagpasalamat na rin sa tulong niya, sa ngayon gusto ko munang mag isa at umiyak ng walang nakakakita.

Pag pasok ka sa bahay ni lola ay parang nakikita ko siya na naka ngiti habang inaalalayan niya ako umupo para kumain na, 'yung tawa niya at boses na naririnig ko sa buong bahay. Hindi ko lubos maisip na wala na si lola, 'yung lola ko na nag mahal at nag alaga sa akin noong halos talikuran na ako ng mga tao, pero ngayon kahit siya tuluyan na niya akong iniwan.

Nagising na lang ako dahil sa lakas ng pagkatok sa pintuan, gusto ko man pag buksan iyon pero masyado na akong pagod. Pagod sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, pagod na akong labanan ang tadhana dahil sa huli ako rin ang nasasaktan at naiiwan luhaan.

"Lyca" boses nila Jannice at hindi ko sila kayang harapin ngayong mahina ako, ayaw kong mag mukhang kawawa sa harapan nila.

"LYCA! Kapag hindi mo binuksan ito sisirain ko ang pintuan niyo!" galit na boses ni Benedict kaya mas lalo kong ayaw buksan iyon dahil naalala ko lang ang sinabi ng mommy niya.

"LYCA" Matagumpay nilang nabuksan ang pintuan at walang buhay ko silang tinignan, humagulgol naman ang mag pinsan at nilapitan nila ako, isang mahigpit na yakap ang binigay nila sa akin.

"Ano bang ginagawa mo? Nag alala kami sayo, akala namin ano ng ginagawa mo sa sarili mo" umiiyak na saad ni Jannice, sa aming tatlo si Jannice ang iyakin habang si Jenica ay mainitin ang ulo at ako naman ay magaling mag tago ng emosyon. Pero ngayon hindi ko kaya, hindi ko kayang ipakita na malakas at hindi ako apektado sa nangyari kay lola.

"Iniwan na ako ni lola" na tahimik sila at tanging iyak at hikbi ko na lang ang naririnig sa aming lima.

"Bakit ang unfair ng mundo sa akin? Una mga magulang ko pero bakit pati si lola? Bakit pati siya kinuha sa akin? Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali in my past life, para maging ganito ka hirap ang buhay ko ngayon" pinaawang ko ang bibig ko dahil hindi na ako maka hinga ng maayos dahil sa pag iyak.

Niyakap ako ni Benedict ng mahigpit na nagpa iyak sa akin ng todo. Namiss ko siya, namiss ko itong yakap na ito dahil dalawang araw na kaming hindi nag uusap at natatakot akong harapin ang problema namin lalo na't ngayon nag luluksa ako.

"Shh I'm here, babe. Umiiyak ka hanggang sa maging maayos ang pakiramdam mo, and I'm always here ready to wipe your tears" hinalikan niya ako sa noo at umupo siya sa tabi ko, sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya at kumakanta siya ng mahina.

"Kumain kana ba?" Tanong ni Khyle pero umiling lang ako, tumayo ang mag pinsan at dumiretso sila sa kusina at alam kong ipagluluto nila ako sumunod naman si Khyle doon kaya naiwan kaming dalawa ni Benedict.

"Pagka tapos mong kumain punta tayo kay lola o baka gusto mo ikaw ang dalawin niya dito?" Tumawa naman siya ng mahina at alam kong pinapagaan niya ang loob ko pero sa ngayon alam kong hindi ko kaya.

"Gusto ni Shariah siya ang pumunta dito, pero hindi ko siya hinayaan dahil alam kong ikaw ang sisisihin nila. Nagka sagutan kami dahil kung ano anong sinasabi niya sayo, hindi ko matatanggap iyon na pagsalitaan ng masama ang taong mahalaga sa akin"

Taong mahalaga. Hindi na taong mahal ko. Pero ano nga ba ang mas maganda mahalaga ka pa pero hindi na mahal? O ang mahal ka pa pero hindi ka na mahalaga sa kaniya?

"Hayaan mo na, nagka sagutan na kami kanina. Pupunta ako doon mamaya, haharapin ko kung ano man ang ibabato nila sa akin" binaliwala ko ang huling sinabi niya, dahil kung mag tatanong ako baka masasaktan lang ako.

Kung ang pag baliwala sa problema naming dalawa ay kapalit para hindi na siya umalis ay hahayaan ko ito at hindi na mag tatanong pa sa kaniya. Dahil kung ipipilit niya o ng mommy niya, natatakot akong pagbibigyan ko sila kahit kapalit nito ay maiiwan ulit ako.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon