"Lyca" patungo na ako sa room namin nang may tumawag sa akin dito sa katabi naming room. Nang humarap ako nakita ko ang dalawang mag pinsan at ang isa naming kasamahan sa trabaho na si Khyle.
"Kumusta ka?" Lumapit silang tatlo sa akin na may pag aalala sa mukha at hinawakan ni Jenica ang kamay ko.
"I'm sorry akala ko hindi ka rin nila susungitan dahil nga mag pinsan kayong dalawa ni Shariah. Sorry dahil sa akin napahiya kapa. " Nakita ko naman sa mukha niya guilty siya sa nangyari kagabi.
" Wala naman may gustong mangyari iyon at kilala ko rin si Shariah, kaya wala kang dapat ika hingi ng tawad."
"Buti na lang nandoon si-" siniko naman siya ni Jannice kaya napahinto sa pagsasalita si Jenica at nagka tinginan sila.
"A-ano oo nga pala, Lyca. Sige una na kami see you later" kumaway sila sa akin at ngumiti naman si Khyle kaya tinanguan ko na lang sila.
Pag pasok ko naka tingin silang lahat sa akin at sabay tingin sa cellphone nila at balik ulit sa akin. Ang mga iba nagbubulungan pa habang naka tingin sila sa akin, halata naman na ako ang pinag uusapan nila.
Lumapit naman sa akin ang isa kong ka grupo kaya napa hinto ako sa pag lalakad.
"Is it true?" Sabay pakita niya sa akin ng kaniyang cellphone at may kung anong pinidot siya doon sabay pakita sa akin.
Nandoon ang video kung saan sinabuyan ako ni Shariah at may naka sulat na... Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang mga magulang mo, kaya huwag mong aasahan na may tatanggap pa sa'yo.
Doon nabasa ko ang mga comments ng mga tao dito sa loob na nagsasabing paawa lang daw ako noong isang araw, na ako pala ang may dahilan kung bakit ganito ako ngayon.
May isa akong nabasa na pumukaw sa atensiyon ko.
"Don't judge her, like you are all perfect"
Benedict.
Napa tingin naman ako sa humila sa akin at nakita ko sa harapan ko ang isang tao na hindi ako hinusgahan base sa sinabi ng mga ibang tao.
Natatakot ako na baka mag tuloy tuloy itong sayang nararamdaman ko, dahil sa mga ginagawa niya.
Nakarating kami sa likod ng school kung saan una kaming nagka usap. Dito rin sa lugar na ito una akong nakaramdam ng saya dahil may handang makinig sa problema ko at ngayon... Sa pangalawang pagkakataon nakaramdam ulit ako ng galak na may isang tao na naniniwala sa akin.
"I'm sorry, Lyca" kasabay nito ang pag yakap niya sa akin ng mahigpit na parang sinasabi niya na andito lang siya sa tabi ko kahit anong mangyari.
"H'wag mo silang intindihin ang importante alam mo ang katotohanan at ikaw lang ang paniniwalaan ko" humiwalay siya sa akin at nakita kong seryoso siya sa mga sinasabi niya. Pumikit siya ng mariin at pag dilat niya dahan dahan niya inilapit ang labi niya para mahalikan ang noo ko.
Napapikit din ako dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon ganito kami kalapit at ang pag halik niya sa aking noo.
"Damn! I will never ever forget this day and this place, babe" me too I will never ever forget this new feeling and being secured in your arms, Benedict.
BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
De TodoNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...