Chapter 12 TRUST

5 0 0
                                    

"Anak?" Noong gabing iyon gustong gusto kong sabihin sa mga magulang ko ang nanyari, pero natatakot ako.

Lumapit sa akin si mama para halikan ako pero nang si papa na...

"HUWAG!" lumayo ako sa kaniya at nagtago sa likod ni mama habang umiiyak.

"Huwag please! Maawa ka sa akin" nakita ko naman ang pag tataka sa mukha ni papa habang si mama naman pilit niya akong kinukuha sa likod niya pero nagmatigas ako.

"Lyca! Ano na naman bang drama ito!?" Galit na sigaw ni mama, kaya tumakbo ako at umakyat sa kwarto ko.

Natatakot akong malaman ng mga magulang ko, dahil alam ko ang kakayahan nila at alam ko din ang kakayahan ng taong gumawa sa akin nito.

Ilang araw akong nag kulong sa loob ng bahay at kung lalabas man ako sa kwarto ko kapag wala na sila mama at papa.

Alam nila nag aaral ako para sa paparating na school year, but they didn't know... Muntik na! Pumikit ako ng mariin para mawala sa isipan ko ang nangyari pero mukha ng taong muntik ng gumahasa sa akin ang nakikita ko.

Tumulo naman ang luha ko dahil hindi ko alam kailan mawawala itong sakit na ito o kung mawawala pa, dahil sa bawat pag tingin ko sa sarili ko mukha kong walang kalaban laban ang nakikita ko. Sa bawat pag tingin ko sa mga lalaking naka paligid sa akin mukha ng demonyong lalaki ang nakikita ko sa kanila, na kahit ang papa ko ay ganoon din.

I can't forgive him and also I can't forgive myself for trusting that guy so much.

Bigla naman bumukas ang pintuan ko kaya dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko. Pero huli na dahil nasa harapan ko na si mama at papa na may pag aalala sa kanilang mga mukha.

"A-ano ba talagang nangyari sa iyo anak?" Tanong ni mama habang may luha sa mga mata

"Tell us what happened to you? Nandito kami ng papa mo. So please tell me para matulungan ka namin"

Nag simula na naman pumatak ang mga luha ko dahil sa iba't ibang klaseng emosyon na nararamdaman ko. Pero mas nangingibabaw ang takot. Takot para sa mga magulang ko dahil alam kong gagawin nila ang lahat para sa akin. At takot dahil alam ko kung gaano makapangyarihan ang pamilya ng taong gumawa nito sa akin sa lugar namin.

Lumapit din si papa sa akin pero umiiwas agad ako dahil sa trauma.

"A-anak?" Naguguluhang tanong ni papa. Tumingin ako sa mga magulang ko habang umiiyak na umiiling sa kanila.

"Natatakot po ako" nanginginig  ang mga kamay ko kaya hinawakan ito ni mama.

"Saan ka natatakot? Please tell me anak. Ako ng bahala sa'yo nandito kami ng papa mo"

"Mu-muntik na po akong... " Huminga muna ako ng malalim dahil parang mahihimatay na ako sa sobrang pag iyak " magahasa" pabulong ko na lang itong binaggit.

Katahimikan ang bumalot sa aming tatlo at ang kamay ni mama na nakahawak sa akin ay bumitaw. Pero pagka tapos ng ilang minuto narinig ko na lang na nabasag ang salamin dito sa loob ng kwarto.

"Sinong hayop ang gumawa niyan sayo!?" Sigaw ni papa na umiiyak na din at si mama na nakatulala habang naka tingin sa akin.

"TELL US LYCA! SINONG PUTANGINANG GUMAWA NIYAN SAYO!?" buong buhay ko hindi ko nakitang magalit si papa o sumigaw man lang ng ganiyan kalakas.

"Aaron po" sumigaw naman si mama at sabay yakap sa akin.

"I'm sorry! I'm sorry anak hindi ka namin nabantayan ng maayos ng papa mo. Patawarin mo kami" nakisali na rin si papa upang yumakap sa akin.

"I'll make sure that justice will be serve to you, my princess. I'll make him pay" kinalibutan naman ako dahil sa katagang binitawan ni papa, dahil alam ko kapag sinabi niya gagawin niya ang lahat.



My parents are both lawyer they handled many cases and they always won. Ngayon ang unang araw ng pag lilitis sa kaso at natatakot akong hindi ko makuha ang katarungan ko bilang isang babae at bilang isang bata.

Pumasok na kami sa korte kakaibang kaba ang nararamdaman ko lalo ng nakita ko si Aaron. Yes! I will not going to call him 'kuya' the moment that he molested me, nawalan na ako ng respeto sa kanya.

"Hayop ka! Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan" nilayo naman ng mga pulis si papa kay Aaron dahil sa biglaang pag sugod niya.

"Attorney huminahon po kayo" malumanay  na banggit ng Daddy ni Aaron. Ang gobernador sa lugar namin, pero nakakatakot pa rin siya kahit na mahinahon siyang tignan.

"Anong huminahon!? Iyang walang hiya mong anak, muntik na niyang magahasa ang anak ko, tapos sasabihin mong huminahon ako?" Hinihila na ni mama si papa para maupo. Ako naman nakatayo habang pinapanood ko kung paano magalit si papa na to the point nakalimutan niya kung sinong kaharap niya.




"Nag lalaro po kami noon ng mga kaibigan ko ng tagu-taguan nang lumapit sa akin si Aaron sa pinag tataguan ko. Sa-sabi niya tutulungan niya po akong mag tago para hindi ako mahuli kaagad ng mga kala-"

"At bakit sumama ka? Dahil alam mo bang may ganoon na mangyayari?" Tanong ng attorney ni Aaron. Tumayo naman si papa na may galit sa mukha nilang dalawa ni mama.

"Sinasabi mo bang ginusto ng anak ko ang nangyari sa kanya,attorney!?"

"No attorney! Ang gusto kong malaman bakit siya sumama?"

"Be-because I trusted him that much. Kuya ang tawag namin sa kaniya ng mga kalaro ko. I gave my trust to him but in the end..." Umiiyak na ako habang nakayuko dahil ayaw kong alalahanin ang mga nangyari, dahil hangga ngayon hindi ko pa rin tanggap at ang gumawa pa nito ang taong lubos kong pinagka tiwalaan.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon