Chapter 29 SET YOU FREE

5 0 0
                                    

That night natulog kami ni Benedict sa bahay, ito ang unang beses na natulog kaming magka tabi because we know this is the goodbye for the both of us.

"Please babe kayang kong talikuran ang pangarap ko, hayaan mo akong mahalin ka at makasama ka lalo na alam kong kailangan mo ako" akala ko okay na sa kaniya ang usapan namin kanina, pero parang hindi matatapos ito sa kaniya.

Yes I admit that I need him now, but I am not selfish to stop him from reaching his own dream. Minsan may mga bagay na kailangan mong pakawalan para mahanap mo ang mag papasaya sayo, pero hindi ibig sabihin na pinakawalan mo siya ay hindi ka na masaya. May kailangan lang talagang isakripisyo at iyon ang pagmamahalan namin ni Benedict at sa huli maiisip namin na tama ang desisyon namin na palayain ang isa't isa.

Bago ko ipikit ang mata ko naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo

"I love you, babe" bulong niya at tuluyan na akong hinila ng antok.

Pagka gising ko wala si Benedict sa tabi ko kaya tumayo ako kaagad at lumabas sa kwarto, ganon na lang ang saya ko nang nakita ko siya sa sala naka upo habang hawak ang picture namin ni lola. Nag lakad ako papalapit sa kaniya at umupo sa tabi niya


"Tanda ko pa noon 'yung sinabi ni lola sa akin. Kung mawawala man ako ikaw na ang bahala sa apo ko, mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para maging masaya siya. Nakita ko lahat ng hirap na pinagdaanan niya at 'yung mga luha niyang kahit ayaw niyang ipakita sa akin, alam ko lumuluha siya tuwing gabing mag isa na lang siya. Ngayon masasabi ko salamat dahil dumating ka at mga kaibigan niyo sa buhay niya, dahil nakikita ko na siyang masaya sa inyo kaya panatag na ako kung maiiwan ko man siya alam kong may mag aalaga sa kaniya. That's the exact words she said to me, Lyca" tumingin naman siya sa akin at binitawan ang picture frame bago humarap at hawakan ang kamay ko.

"So tell me, how can I leave you? I promised to your lola, to you and also to myself that I will never break your heart and I will never let you go. Kaya please tanggapin mo ulit ako, kaya natin ito, kaya nating ilaban ito. Please babe" tuluyan na siyang umiyak sa harapan ko

"Its okay, Benedict. O-okay lang kahit hindi mo na matupad ang pangako mo sa amin ni lola. May mas malaki pang nag hihintay sa iyo sa labas ng bansa kaya grab this opportunity. I will be okay here, I can do this alone, so please leave" humigpit pa ang hawak niya sa kamay ko at niyakap niya ako

"Bakit ang dali sa iyong ipagtabuyan ako? Wa-wala na ba talagang pag asa na mag bago ang isip mo?"

This is hard for me, Benedict but I would stand by my decision. This is for you and I hope someday you will forgive me because I didn't fight in our relationship.

"Mas nakakabuti ito para sa ating dalawa, Benedict. We need to take different path and we need to learn how to live without each other" bumitaw siya at tinitigan ako

"Pagod ka na bang lumaban para sa ating dalawa? May iba na ba?"

Alam kong pag sisisihan ko ang lahat ng ito, pero kailangan na niyang umalis dahil masyado na siyang nag focus sa akin at nakakalimutan na niya ang sarili niya pati ang sarili niyang pangarap. I love him so much to the point na kaya ko siyang palayain para sa ikabubuti niya o ng lahat.

"I'm so sorry" bulong ko, umiwas siya ng tingin na parang alam na niya kung anong ibig sabihin ko.

"I want  to find myself, naubos ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. I'm sorry walang iba, wala akong ibang mahal. I love you okay, but I want to love myself first. I'm sorry dahil hindi ko na mahanap ang sarili ko sayo, hindi ko na nakikita ang kinabukasan natin dalawa. I'm sorry for not fighting, I'm really really sorry, Benedict. Please palayain mo na ako, magiging masaya ako kapag pinakawalan mo ako at umalis ka para abutin mo ang pangarap mo. Umalis kana parang awa mo na"

Humagulgol na ako sa harapan at alam kong masakit ang mga salitang binitawan ko pero ito na lang ang paraan, ang saktan siya.

"Are you sure? Gusto mo ba talagang umalis ako? Magiging masaya ka ba kapag tuluyan na kitang pinakawalan?" Tumango ako dahil hindi na ako makapag salita ng maayos.

"Say it! And look at me! If you want it all happen then tell me, Lyca! I want to hear from you that we should stop this" tinitigan ko siya sa mata at nakikita ko ang repleksiyon ko sa mga mata niya, kita sa mukha ko na hindi ako masaya sa desisyon ko.

"Lets stop this, Benedict. I-I want you gone, so please tapusin na natin ito at umalis kana. Hindi na kita kailangan! Kaya umalis kana! Iwan mo na ako dahil kaya ko ng mag isa! Umalis kana parang awa mo na iwan mo na ako!" Yumuko siya at tumango bago dahang dahan tumayo.

"I'm leaving you know, Lyca. If this is what you want, thank you and always take care of yourself" tumalikod na siya at dali daling lumabas. Nang nawala na siya sa paningin ko doon ko binuhos lahat ng luha ko ang hinanakit ko sa mundong ito.

I wish I could accept all the pain and sadness that world gave me. I wish I could saved our relationship but I know this time I couldn't saved anything. I-I can't, even myself needs to be saved too. And this is my way of saving myself is to set him free and to continue our life without each other.


I love you and goodbye. Until we meet again, Benedict.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon