Chapter 25 BACK

1 0 0
                                    

Benedict enjoyed his party I can see it through his eyes the way he laugh so hard with his friends, the way he talked and I'm happy and contented with that.

"May away ba kayo ni Benedict?" Tanong ni Jenica

"Wala naman" sabay iwas ko ng tingin dahil alam kong may mali, may mali at hindi ko alam kung ano iyon.

"Wala daw halata kayo masyado, alam ko si Benedict hindi mapapanatag ang kalooban niya kapag wala ka sa tabi niya. Pero ngayon tignan mo nagagawa pa niyang makihalubilo at tumawa sa iba, habang ikaw nandito lang sa sulok at hanggang tingin ka lang sa kaniya."

"Birthday niya ngayon kaya okay lang kung mag saya siya ngayon" nakita ko naman na papalapit si Camille kay Benedict at nag sigawan ang mga kaibigan niya dahil doon. Para naman sinaksak ang puso ko dahil sa pag akbay na ginawa ni Benedict sa kaniya.

"Sa wakas matutuloy na ba ang pag ibig na naudlot?" Tawa ng malakas ni Michael, alam nila na nakikinig at nanunuod ako sa kanila kanina pa at kanina pa ako nasasaktan sa mga ginawa't sinasabi nila kay Benedict.

"Why not?"  Malakas na sigaw ni Benedict na nagpa tahimik sa ingay ng mga kaibigan niya at bumaling sila sa akin. Napaawang naman ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwala na nanggaling ito sa taong mahal ko.

"Wh-what the FUCK!?" Galit na sigaw ni Jenica tumayo siya at lumapit kung na saan sila Benedict at  sabay hila sa kwelyo nito.

"GAGO KA BA? Anong pinag sasabi mo? Baka nakakalimutan mong may girlfriend ka, Benedict!"  Hinihila naman siya ng mga kaibigan ni Benedict habang ako ay naka tingin lang sa nangyayari dahil nawalan ako ng lakas dahil sa narinig ko.

"Isa pa kayo mga gago din kayo! Alam niyong may girlfriend ang kaibigan niyo kung ano-anong pinag sasabi niyo! Alam kong nakikita niyo siya kanina pa at alam niyong nandito siya pero anong ginawa niyo!? " Halos sabunutan na ni Jenica ang mga umaawat sa kaniya kaya lumapit na ako para pigilan siya.

"Lets go, Jenica" binitawan siya ng mga umaawat sa kaniya at umiiwas sila ng tingin sa akin, ganon din ang ginawa ni Benedict at Camille.

"Ito ang tandaan mo, Benedict! Sa oras na umiiyak o masaktan ang kaibigan ko dahil sayo, humanda ka sa gagawin ko!" Siya na ang humila sa akin at tinumba pa niya ang isang upuan dahil sa galit niya.

"Babe" mahinang bulong ni Benedict pero binilisan ni Jenica ang lakad niya hangga sa makarating kami sa labas.

Nasasaktan ako ng sobra sobra dahil sa sinabi ni Benedict, pero mas nasaktan ako dahil hindi man niya ako sinundan para mag paliwanag kung bakit sinabi niya iyon habang nandito ako.

Naka uwi na ako sa bahay pero wala man siyang text kahit ni isa sa akin hinatid ako ng mag pinsan at si Khyle. Kinuwento ni Jenica ang nangyari kanina kaya kahit sila ay galit na rin kay Benedict. I refused to talked, because I might cry If I will open my mouth to speak what I'm feeling right now, basta ang alam ko ay nasasaktan ako ng sobra sobra.

Tinitigan ko ang regalo ko na hindi ko naibigay sa kaniya, I will give this kapag okay na kami. Alam kong maayos ito dahil mahal niya ako at mahal ko siya, I will hold on to his love and promises.

Kinabukasan maaga akong nagising umaasa na sana kahit text man lang galing kay Benedict ang matanggap ko, pero isang   hindi kilalang numero ang nag text sa akin.

"Hi this is Benedict's mom, meet me tomorrow after your class we need to talk. I will wait you, Lyca" kagabi pa itong text na ito at kinakabahan ako sa text ng mommy niya at anong pag uusapan namin na kaming dalawa lang?

Nag handa na ako para sa pasok ko at hindi ako umaasa na susunduin niya ako ngayon pagka tapos ng nangyari kagabi. Pag labas ko nakita ko si lola na nag hahanda para sa almusal namin.

"Oh! Apo anong oras kang naka uwi kagabi? Nag enjoy kaba? Kumusta mga magulang niya? Mababait ba?" Naka ngiting tanong ni lola at ayaw kong mawala ang saya kay lola at ang tiwala niya kay Benedict kaya ngumiti na lang ako at tumango.

"Hindi na po ako kakain baka mahuhuli ako sa klase ko maaga ang first subject namin e." Humalik na ako kay lola at dali daling lumabas. Pero pag labas ko nakita ko si Benedict na naka tayo sa harapan ng kotse niya at may dalang bulaklak ulit, parang 'yung kagabi lang na masaya pero sa huli...

"Babe" naka ngiting bati niya pero alam kong pilit na lang ang ngiti niyang pinapakita sa akin. Umiwas ako ng tingin at nag lakad papalapit sa kaniya, binigay niya sa akin ang hawak niyang bulaklak pero umiling ako.

"I don't need your flowers! I need your explanation, Benedict" tuluyan ng nawala ang peke niyang ngiti at ang mga bulaklak ay nilagay niyang sapilitan sa kamay ko. Umiling siya at yumuko sa harapan ko napahawak naman ako sa dibdib ko dahil nahihirapan akong huminga.

"Not now, babe. I'm sorry" lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko pero iniwas ko ito at buong tapang siyang hinarap kahit konting na lang iiyak na ako.

"Masaya ka pa ba? A-ako pa ba, Benedict?" Parang dinurog ang puso ko dahil hindi siya sumagot sa tanong ko at nanatiling nakayuko.

"Sige una na ako, kausapin mo na lang ako kapag ready ka ng sabihin kung ano ba talagang problema natin" tumalikod na ako sa kaniya at sumakay na sa jeep na paparating.

Kayang kaya pa rin kitang tanggapin sa oras na sabihin mo kung ano ba talagang problema mo, dahil ganon kita ka mahal at sana maisip mo nandito lang ako handang mag hintay kung kailan babalik tayo sa dati.

A LIFE OF REGRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon