Kung ang pag layo na lang tanging paraan, gagawin ko. Pero hindi ko kayang talikuran at iwan ang isang taong nag mahal at nag bigay ng halaga nang mga panahong walang wala ako.
"Simula ngayong apo ako na lang ang kakampi mo. Ako na lang kalaro mo at magiging best friend mo" isang araw noon ng naabutan ako ni lola sa daan na inaaway ng mga bata. Habang pauwi kami sa bahay ni lola sinasabi niya sa akin na hindi ko kailangan ng kaibigan na hindi kayang tanggapin kung anong meron man ako.
Kaya bakit ko nagawang talikuran at umalis na lang ng biglaan? I'm sorry, la. Hintayin niyo po ako babawi ako.
Nasa harap na ako ng bahay ni lola at huminga ng malalim dahil sa pagod. Kumuha ako ng lakas ng loob bago pumasok ng tuluyan.
Pag pasok ko si lola na lang nakita ko sa sala at tahimik na umiiyak, parang sinuntok ako sa dibdib dahil sa nakikita kong kalagayan ni lola.
"Lo-lola" lumapit ako sa kanya at lumuhod para mag pantay ang tingin namin.
"Patawad po. Patawad lola. Paki usap po patawarin niyo po ako sa nagawa kong kasalanan, sorry po dahil hindi ako nakinig sa mga magulang ko. At pa-pasensiya na rin po kung ako ang rason kung bakit nawala sila mama at papa" yumakap ako kay lola habang paulit ulit na binibigkas ang salitang patawad.
"Hindi ko po kaya na wala kayo, la patawad po"
"Mahal na mahal ko po kayo, hindi ko na po alam ang gagawin ko para lang mapatawad niyo ako" yumakap naman sa akin si lola habang umiiyak siya.
"Tama na apo. Ako pa rin ito ang lola mo ang best friend at kalaro mo. Tandaan mo hindi kita sinisisi sa lahat ng mga nangyari, mahal din kita apo kaya tahan na." Pinunasan ko naman ang mga luha kong ayaw tumigil sa pag tulo. Fuck Lyka stop crying! You need to be strong in front of your lola.
Nanatiling kaming tahimik habang nakayakap sa isa't isa, ito ang yakap na hinding hindi ko pag sasawaan.
"Tulog ka na apo. Alam kong pagod ka bukas na lang tayo mag usap" tumayo ako at humarap sa kaniya.
"Pu-puwede po bang tabi tayo ngayon sa pag tulog?" Napatitig naman sa akin si lola at sabay ngiti.
"H'wag please maawa ka sa akin. Tulong!" Sigaw ko, kahit alam kong imposibleng may makakarinig sa akin.
"Kahit anong sigaw mo walang makakarinig sa'yo dito. Kaya huwag kang maingay! Sandali lang ito!" Parang nawawala na sa sarili ang taong pinagka tiwalaan ko, kumuha ako ng buhangin habang naghuhubad ng pang ibaba niya ang walang hiyang lalaking tinuring kong kaibigan.
"Arrggghhh!!" Sigaw niya habang hinawakan ang mga mata niya, kaya dali dali akong tumayo at tumakbo papalayo sa kaniya, pero...
"Arayyy! TULONG!!!" sigaw ko nang nahila niya ang buhok ko, nagpupumiglas naman ako pero mas malakas siya sa akin. Anong kaya ng siyam na taong gulang sa labing siyam na taon?
"Hinding hindi ka makakaalis ng ganon na lang, Lyca" para naman akong nabingi dahil sa lakas ng pagkaka sampal niya sa akin. Papatong na sana siya sa akin, kaya lang narinig ko ang boses ng mga kalaro ko na tinatawag ang pangalan ko.
Dali dali niya akong binuhat at pumunta kami sa isang puno para mag tago at tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya, kaya ang ginawa ko kinagat ko ito.
"Tulong! Tulong!" Tumakbo ako papunta sa mga kalaro ko habang umiiyak.
"Anong nangyari sa'yo Ly?"
"Saan ka galing?"
"Kanina ka pa namin hinahanap"
"Kasama mo ba si Kuya Aaron?"
Nang marinig ko ang pangalan niya, halos manginig ako sa takot. Umiling na lang ako dahil hindi pa rin ako makapag salita dahil sa nangyari kanina.
Umuwi ako sa amin pero wala pa ang mga magulang ko galing sa trabaho. Kaya nag kulong ako sa kwarto at doon ko binuhos lahat ng luha ko.
Muntik na muntik na akong magahasa, kaya pumunta ako sa cr at naligo. Halos masugatan ko na ang balat ko dahil nakikita ko ang kamay ng bumaboy sa akin.
"Maawa ka kuya. Huwag po please" nararamdaman kong may humahawak sa akin kaya pilit kong nilalayo ang sarili ko.
"HUWAG" napabangon ako at sabay hawak sa dibdib ko dahil sa labis na pagod.
Panaginip. Hanggang sa pag tulog ko dinadalaw pa rin ako ng nakaraang pilit kong binabaon sa limot.
BINABASA MO ANG
A LIFE OF REGRET
RandomNatanong mo na rin ba sa sarili mo, kung tama ba ang ginawa mo? Is it okay na ikaw ang nasasaktan at hindi sila? Regrets... this is the hardest feeling that I ever felt when I saw him again and I started to asked myself. Date Started: December 14 20...