A/N: Hello readers! Salamat po sa pagbabasa ng Cold Steel. Next week, I 'll try to double the word counts of the updates and also will try to update twice a week. Medyo busy lang po tayo ngayong week but then, sana po ma-enjoy ninyo.
Maraming salamat din po sa comments, I love reading you thoughts po. :)
CHAPTER 9
"SINUSUNDAN mo ba ako, Manang?"
Nanlaki ang mga mata ni Tasia. Hindi siya makapaniwalang ibabalik lang sa kanya ni Chad ang tanong niya sa lalaki.
"Hoy! Huwag kang tumingin sa akin na parang kriminal ako. Baka ikaw ang sumusunod sa akin. Ipapaalala ko lang, ha? Wala na akong utang sa'yo. Saka, teka nga, bakit ba ibinabalik mo lang sa akin ang tanong ko sa'yo?" Sunod-sunod na sabi ni Tasia sa binata.
"Sinabi ko ba na may utang ka pa sa'kin? Masyado lang defensive, Manang," wika naman ni Chad at nginitian siya.
Natigilan na naman si Tasia at napatitig sa ngiting iyon ng binata. Shocks, ang guwapo nga niya talaga.
Pero ipinagtataka niya kung bakit nasa La Paraiso ang binata nang pumasok sa isip niya ang dating kasintahan na si Jude. Bisita kaya ng dating nobyo ang binata?
"Ano'ng ginagawa mo dito, Manang Tasia?" mayamaya ay tanong ni Chad sa kanya. "Kung hindi mo ako sinusundan, bakit nandito ka?"
Masamang tingin ang ipinukol ni Tasia sa binata. Nakakaramdam na siya ng pagkainis sa madalas nitong pagtawag sa kanya ng 'manang' at ngayon ay idinugtong pa talaga ang pangalan niya.
"Wala kang pakialam. At huwag kang mag-alala, lalaking may malamig na titig at tuod, aalis na ako at sana huwag nang magkrus ang mga landas natin," sunod-sunod na sabi niya at nilampasan ang lalaki papunta sa main door ng restaurant para umalis na.
Kuyom-kuyom ng dalaga ang kanyang mga palad at kagat ang kanyang pang-ibabang labi dahil sa pinipigilang pagkainis. Hindi rin naman niya maunawaan kung bakit bigla siyang sobrang naiinis sa binata. Siguro ay dahil may iba siyang inaalala. At hindi na niya makontrol ang sariling emosyon.
Sa labas ng restaurant ay may waiting shed para sa mga naghihintay ng masasakyan kaya naupo muna roon si Tasia at pilit na kinakalma ang sarili. Ilang minuto pa lamang siya roon nang may lumapit sa kanya.
Si Chad na naman.
"Ano na naman ba ang kailangan mo sa akin?" galit nang tanong niya sa binata.
Mataman naman siyang pinagmasdan ni Chad na parang may inaalam ito mula sa kanya sa pamamagitan lang ng pagtingin sa mukha niya. Gayunman ay galit na sinalubong ng dalaga ang mga titig ng binata na simula nang makilala niya ay parang nabuhay ang lahat ng patay na dugong mayroon siya. Binubuhay ng lalaki ang matamlay niyang buhay simula nang maging mag-isa siya.
"Kung may kailangan ka, sabihin mo na. Ayaw kong makita ang mukha mo," malamig niyang sabi.
Nanunuot naman sa kaibuturan niya ang titig ni Chad. May palagay pa si Tasia na hindi nagustuhan ng binata ang huling sinabi niya.
"Why are youso mad of me?" tanong nito.
Kaagad na nag-iwas ng tingin si Tasia sa binata. Hindi na kasi niya matagalan ang mga titig nito. At mas lalong hindi niya rin alam kung ano ang isasagot niya sa naging tanong ng lalaki.
Bakit nga badtrip ako sa kanya? Nag-isip si Tasia nang maisasagot pero sa kasamaang-palad, tila na-blangko ang isip niya.
Ilang sandali pa ang lumipas hanggang sa muling nagsalita ang binata.
"Manang?"
At dahil doon, agad siyang nagkaroon ng ideya.
"Kasi tinatawag mo akong 'manang'," sarkastiko niyang sabi.
Napatango-tango naman si Chad kapagkuwan. "Fine. I'll stop calling you manang from now on. Besides, I like your name Tasia. It's unique and..."
"And what?"
"Never mind."
"Ewan ko sa'yo."
"Pero galit ka pa rin sa'kin," puna ni Chad.
"Dahil pinagbintangan mo akong scammer," sabi niya.
At sa pagkabigla ni Tasia ay hinawakan ni Chad ang dalawa niyang kamay. Agad na tumingin siya sa kamay niyang hawak nito at pagkatapos ay tumingin sa mukha ng lalaki.
Chad's face looks very apologetic and serious as well.
"Bakit mo hinahawakan ang kamay ko? C-chansing 'yan," bahagyang nauutal na sabi niya.
Dahan-dahan namang binitiwan ni Chad ang mga kamay ni Tasia at tumingin ng deretso sa mga mata niya.
"Look, Tasia, I'm sorry with what happened and for calling you scammer," sabi ni Chad. "Actually, I know that you are not one but," tumikhim si Chad, "I find you so cute when you're angry, that's why. And I have no excuse for that. I'm sorry."
Hindi makapaniwalang nakatingin lang si Tasia kay Chad. Sa katunayan ay hindi alam ng dalaga kung matatawa ba siya sa binata sa ginagawa nitong pag-amin sa kanya o maaasar siya sa lalaki dahil sa nalaman.
Iyon ang ikalawang pagkakataon na nakitaan niya ng ibang emosyon ang mukha ng lalaki lalo na ang mga mata nito. At kung hindi lang siya nasaktan dahil sa naging una niyang pag-ibig, tiyak na makikipaglaro siya sa apoy para lang makilala pa si Chad.
But thanks to her ex, she already knew her lesson on love. Hindi niya gagawin. Kahit pa nga nagsisimula na siyang makaramdam ng kakaiba sa kanyang dibdib para sa lalaking bagong kakilala pa lang niya.
Magsasalita na sana si Tasia nang biglang tumunog ang cellphone ni Chad. Kinuha ng huli ang gadget at tinignan ang caller niyon. At dahil malinaw naman ang mga mata ni Tasia sa kabila ng suot niyang eyeglasses na wala namang grado, malinaw rin niyang nakita ang pangalan ng caller.
Si Jude.
At lalong hindi ako puwedeng makipagmabutihan sa isang 'to dahil kaibigan niya si Jude!
Tumingin sa kanya si Chad. "I need to answer this call, it will be short."
Tumango si Tasia bilang tugon. Pero nang lumayo sa kanya si Chad ay agad na pinara ng dalaga ang nagdaraang jeep at sumakay nang hindi nagpapaalam sa lalaki.
Isa lang naman ang dahilan kung bakit siya nagbalik sa La Paraiso, at iyon ay ang impormasyong ibinigay sa kanya ni Manang Rosario. At ngayong alam na niya ang dapat niyang malaman ay kailangan na niyang umalis. Hindi siya maaaring manatili pa sa lugar na iyon para lang mahulog uli sa kasinungalingan ng isang lalaki at pagkatapos ay masaktan gaya nang nangyari sa kanya noong una.
Mayroon pa siyang mas dapat unahin. Kailangan niyang pumunta sa mansyon ng kanilang pamilya at alamin ang katotohanan.
"Kailangan kong malaman kung buhay pa ba talaga si Jamie. At kailangan ko ring malaman kung ano ba talaga ang nangyari nang gabing mamatay ang mga magulang namin," bulong niya sa sarili.
Note: NEXT UPDATE IS ON MONDAY! 😊B L U E F O R T E S
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
RomansaTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...