"HELLO, Atty. Gonzales?" sinagot ni Chad ang tawag ng family lawyer ng mga Soriano. Naroon siya sa loob ng kotse niya at naghahanda ng umalis sa presinto para pumunta sa mall kung saan na˗kidnapped si Tasia.
May tiwala siya kay Luke, pero naroon sa dibdib niya ang pag˗aalala na baka mawala ang ebidensyang mayroon sila at patunay na may kumuha nga sa dalaga. Kung wala iyon ay maaaring hindi sila bigyan ng command na hanapin ang dalaga dahil kakailanganin pang bumilang ng beinte kuwatro oras bago ideklara ng pulisya na nawawala nga ang babae.
"Mr. Sanchez, do you have the earphone that I gave you the last time we've met?" tanong ng matandang abogado.
Kumunot ang noo ni Chad sa tanong nitong iyon. "Atty. Gonzales, hindi ninyo pa po ba alam na kinidnapped si Tasia?"
"I know already that's why I am asking you if you still have the earphone. That's the only way we can find her easily," malakas ang boses na sabi ng kausap bagaman mahinahon.
Lalong nangunot ang noo ni Chad. Pinatay niya ang makina ng kotse niya at kinuha ang sinasabing earphone ng abogado sa dashboard. Naalala niyang doon niya iyon inilagay. "I still have it. What do you mean?"
"Wear it, Mr. Sanchez. That was an earphone to receive messages from Miss Soriano if this thing happened. Siguradong gagamitin niya iyan ngayon. Let's just hope that she wears her bracelet and she didn't move it away from her."
"Thank you, Atty. Gonzales," aniyang mabilis na inilagay sa tainga niya ang earphone. Pinindot niya ang maliit na button doon at saka pinatay ang cellphone niya na umuugnay sa kanya sa abogado. Ilang minuto ang lumipas nang makarinig siya ng mga boses mula sa earphone. Boses iyon ni Tasia na nakikipag˗usap sa kung sino.
Kaagad na bumaba ng kotse si Chad at mabilis na tumakbo papunta sa presinto. Walang pagdadalawang˗isip na pumasok siya sa loob ng opisina ng superior niya nang hindi kumakatok.
"What's the matter, Sanchez?" tanong ng hepe niya. May kausap itong isa sa mga kasamahan niyang pulis. "I already got the warrant of arrest for Brix─"
"Miss Soriano was kidnapped, Sir."
Kaagad na nagsalubong ang mga kilay ng hepe. "When? How did you know that? Wala pang nag˗re˗report─"
"Sir!" humahangos ang isa pang pulis papunta sa loob ng opisina. "Miss Soriano was kidnapped this morning Sir. Black van. Ang nag˗report ay ang mismong abogadong kasama niya. Na˗checked na rin po ang cctv ng mall kung saan na˗kidnapped si Miss Soriano."
"I have another evidence and way to find her, Sir," he said. Napatingin sa kanya ang mga kasama. Kaagad niyang itinuro sa mga ito ang suot niyang earphone ng mga oras na iyon. "This one is connected to Miss Soriano's bracelet. And she's using it now. I can hear her talking with some guys. And they said they were the rapist of her twin sister."
"Go to the investigation room to detect them now and to record their conversation," their superior said that they all followed his instruction immediately.
Mabilis na kumilos si Chad at ibinigay sa mga kapwa pulis na naka˗assign sa mga gadget at aparato na nasa loob ng isang silid malapit sa investigation room ang earphone niya. Ikinonekta ng mga ito iyon sa laptop at sa speaker para marinig nilang lahat at para ma˗track nila ang location sa pamamagitan ng device na iyon.
Lahat sila ay nakapokus sa pakikinig sa usapan nina Tasia at ng mga lalaking kausap nito. Ilang beses niyang narinig na sumigaw ang dalaga sa galit. Alam niyang naririnig din ng mga kasamahang pulis ang mga salitang lumabas sa bibig ng mga lalaki.
Ilang beses na napatiim˗bagang si Chad kasabay nang pagkuyom niya ng kanyang mga kamay sa magkahalong pag˗aalala sa tuwing naririnig niya ang pagbabanta ng mga lalaking iyon na pakikialaman nila si Tasia.
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
RomansaTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...
