"HMMM," ungol ni Tasia. Maalwan ang pakiramdam niya na para bang wala siyang suot na damit maliban sa malambot at madulas na telang nahahawakan niya.
Nakapikit pa rin ang mga matang kumilos siya higaan at ibinaling ang katawan pakanan at kasunod ay kinapa ang unan sa tabi ng sa kanya. Habang nakapikit ay paulit˗ulit na kinapa ni Tasia ang unan pababa sa kama ngunit hindi niya mahagilap ang mainit na katawan ni Chad na alam niyang kasama niya bago siya nakatulog.
Dahan˗dahang iminulat ni Tasia ang mga mata niya. Masakit pa rin ang katawan niya dahil sa ginawa nila ni Chad pero hindi niya kayang hindi malaman kung nasaan ang binata na dapat ay katabi lang niya.
"Chad?" tawag niya sa binata. Ngunit wala ang binata sa tabi niya sa ibabaw ng kama. "Chad?" tawag niya uli at naupo siya. "Nasaan ka?"
Iniikot ni Tasia ang tingin sa paligid. Pakiramdam niya naulit lang ang pangyayaring iyon sa kanya. Kunsabagay, palagi naman talagang nawawala si Chad kapag nagigising ako. But this time, where is he?
Mayamaya pa ay nahagip ng tingin niya ang side table at may nakapatong doon na puting papel at ballpen. Kilala niya ang mga gamit na iyon, sa kanya. Nagtatakang kinuha niya ang puting papel at binasa ang nakasulat doon.
My innocent Tasia,
Hindi na kita ginising dahil alam kong pagod ka at mahimbing din ang tulog mo and I don't have a heart to disturb you.
I am just going to do my work and find that woman of my friend and then, I'll be back as early as I can.
Don't you dare look on any man, if you do, I'll be in pain. You're man Tasia, remember that. Be safe and stay in that house, and if you can, stay in your room. May mga taong magdadala nang pangangailangan mo. I'll turn off my phone and you can't contact me for days. I a the one one who will contact you, Tasia.
I love you.
Your handsome boyfriend,
Chad
"What?" bulalas niya. "Iniwan niya akong mag˗sa nang hindi nagpapaalam sa akin? He just left with no accurate date when to come back. At hindi ko rin siya makokontakt, ang galing!" Pero matigas ang ulo ni Tasia. Kahit sinabi nan i Chad sa iniwang sulat sa kanya na hindi niya ito makokontakt at ito ang tatawag sa kanya, hinagilap pa rin niya ang cellphone niya sa shoulder bag na nakapatong sa side table at pagkatapos ay tinawagan ang numero ng binata. Hindi nga iyon makontak "Kaasar!"
Padabog na ibinagsak niya ang gadget sa ibabaw ng kama. At pagkatapos ay pagod na nahiga sa kama. Ipinatong niya ang mga kamay sa ibabaw ng kumot na tumatakip sa kanya. Noon lang din niya napagtantong kaya pala maalwan ang pakiramdam niya ay dahil wala siyang suot na kahit ano.
Ilang sandaling tumitig sa kisame si Tasia para pag˗isipan ang mga pagbabagong nangyayari sa buhay niya. Kapagkuwan ay bumangon siya at hinayaang dumulas ang kumot sa katawan niya. Hubo't hubad na naglakad si Tasia sa gitna ng kuwarto at hinanap ang mga damit niya. Nakita nya ang travelling bag sa tabi ng couch kung saan siya inangkin ni Chad nang paulit˗uli bago ito biglang nawala.
Napailing at namula ang magkabilang pisngi ng dalaga.
Galit ako dahil hindi siya nagpaalam sa akin nang maayos at balak pa akong ikulong dito sa kuwarto, pero heto ako at iniisip ang mga ginagawa naming 'pag kaming dalawa na lang. Grabe na talaga 'to!
Kumuha ng damit niya si Tasia sa loob ng travelling bag. Binuksan niya rin ang nakita niyang pinto doon na alam niyang hindi palabas ng kuwarto. Nang mabuksan niya iyon ay nalaman niyang banyo pala iyon.
Napangiti si Tasia sa nakitang kalinisan ng banyo. Naalala tuloy niya ang mansyon at ang sarili niyang kuwarto. May mga pagkakataong nasasabik siyang mahiga sa malaki niyang kama at maligo sa bath tub niya at magbabad doon hangga't gusto niya.
Dala ang damit na pamalit at tuwalya ay pumasok siya sa loob ng banyo at naligo. Namiss niya rin gumamit ng shower. Mga bagay na wala sa buhay na pinili niya nang iwan niya ang mansyon para lumayo at pansamantalang manahimik. Karangyaang gusto niyang balikan pero hindi ang dahilan para gustuhin niyang makabalik kaagad.
Dahil ang pinakauna sa hangarin ni Tasia ay malaman ang katotohanan at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang mga magulang.
Matapos maligo ay binuksan ni Tasia ang bag niya at hinanap ang sulat sa kanya ng kakambal niyang si Jamie. Hindi niya alam kung kailan sila muling magkikita ng kakambal, pero sa sandaling iyon sapat na ang malaman niyang buhay ito at may makakasama pa siya.
Akmang babasahin niya na ang sulat ng kakambal nang makarinig siya nang mga katok sa pinto ng kuwarto niya.
"Sino 'yan?" tanong niya sa malakas na boses.
"Ako po si Lucille, Ma'am," sagot ng tao sa labas. "Ibinilin po ni Sir Chad na dalhin ang mga pangangailangan ninyo rito sa kuwarto. Dala ko po ngayon ang pananghalian ninyo."
Muling itinago ni Tasia ang sulat ng kakambal sa loob ng kanyang bag at pagkatapos ay lumapit siya sa pinto para pagbuksan ang nasa labas. "H˗Hi," bati niya sa babae. Sa palagay niya ay kaisng edad niya lang ito. "Ibinilin din ni Chad ang pagkain ko?"
"Opo, Ma'am. Ito po ang pananghalian ninyo," sabi ng babae at ipinakita sa kanya ang food cart. Inialis nito ang malaking stainless na takip niyon.
Namangha pa si Tasia nang makitang beef steak iyon at may mga prutas. May baso rin na ang laman ay juice at basong ang laman ay tubig. May nakita rin siyang kanin pero kaunti lang.
"Wow! Parang nasa restaurant naman ako," aniyang nahihiya.
"Naku, ganyan po talaga rito," nakangiting sabi naman ni Lucille. "Ipasok ko na po sa loob?"
"Hindi na. Ako na lang. Tatawagin na lang kita kapag may kailangan pa ako. Salamat, Lucille."
"Welcome po, Ma'am."
"Tasia. Iyon ang pangalan ko," sabi niya. "Tasia na lang ang itawag mo sa akin."
"Naku, nakakahiya po! baka mapagalitan ako."
Natawa si Tasia nang biglang yumuko ang babae at bahagyang namula ang mga pisngi.
"Ang cute mo namang mag˗blush," nakangiting sbai niya. Tumingala naman sa kanya si Lucille at kiming ngumiti. "Ganito na lang, 'pag tayong dalawa lang tawagin mo ako sa pangalan ko."
"Okay po, Ma'am," sagot ni Lucille.
Bahagya niya itong pinandilatan para malaman nito na may mali itong sinabi. Nakuha naman kaagad iyon ng babae kaya itinama ang sarili.
"Okay, Tasia."
" 'Yan, mas maganda sa pandinig," masayang sabi niya. Kapagkuwan ay kinuha niya ang food cart at siya na ang nagtulak niyon papasok sa kuwarto niya. "Ay, oo nga pala, Lucille."
"Po?"
"Paano pala kita tatawagin kapag may kailangan ako?" naalala niyang itanong.
Ngumiti naman sa kanya si Lucille. "May intercom po sa tabi ng kama mo Tasia. Puwede ninyo po akong tawagin sa pamamagitan niyon. Konektado po iyon sa intercom sa kuwarto ng mga katulong dito sa bahay at sa kusina."
"Ah, okay. Salamat uli. Kumain na rin kayo ng mga kasama ninyo," aniya.
"Salamat po," sabi ni Lucille.
Isinara na ni Tasia ang pinto ng kuwarto niya at itinulak na palapit sa couch ang food cart kung saan nakalagay ang mga pagkaing inihanda ng mga katulong para sa kanya.
Abala na si Tasia sa paglilipat ng mga pagkain sa round table na katabi ng couch at sarado na rin ang pinto ng kuwartong ginagamit niya kaya hindi niya na narinig ang masayang pagbati ni Lucille sa bagong dating.
. . . B L U E F O R T E S . . .
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
RomansaTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...