CHAPTER 32

58 5 1
                                        

WALANG PATID ang pagpatak ng mga luha ni Tasia habang nakatayo sa harap ng pintuan ng silid ng kakambal niya sa bahay ni Jude.

Ilang minuto pa lang ang nakalilipas nang iwan siya ng binata roon dahil pinilit niya itong puntahan si Chad.

Oo, nasa ganoon silang kalagayan: cool off sila na break na yata ng binata at ang kakambal niya ay nagsabi na nang totoong pinagdaanan nito, pero hayun siya at inaalala ang binata habang inaalala rin si Jamie.

Hindi gusto ni Tasia na pumili sa pagitan ng dalawa, lalo't alam niyang puwede naman na hindi.

Iniangat ni Tasia ang mga isang kamay para kumatok sa pinto subalit bago pa man lumapat doon ang nakakuyom niyang palad ay bumukas na iyon at nasalubong ng mga mata niya ang blangkong mga tingin ng kakambal.

"J˗Jamie..."

"Papunta na sana talaga ako sa'yo," sabi nito at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto, "pero dahil nandito ka na rin lang, okay lang ba na rito na tayo sa kuwarto ko mag˗usap?"

Tumango si Tasia bilang sagot at humakbang papasok sa kuwarto ng kakambal. Nang makapasok na siya sa silid ay isinara na ni Jamie ang pinto at pagkatapos ay itinuro sa kanya ang couch sa kabilang bahagi ng silid kung saan siya maaaring umupo. Sinunod naman niya ito at naupo sa couch na binalutan ng kulay pulang seat cover. Naupo naman ang kakambal sa swivel chair na hinila nito mula sa isang study table. May kulang dalawang metro ang pagitan nilang dalawa.

Masyadong malaki ang puwang, parang ang nararamdaman nilang dalawa ng mga sandaling iyon─may hindi nakikitang harang.

Pinahid muna ni Tasia ang mga luha sa kanyang pisngi gamit ang kanyang kamay. "I˗I'm sorry."

"Para saan?" tanong ng kakambal.

Nahigit ni Tasia ang hininga sa tanong na iyon ni Jamie. Bigla, gusto niya uling umiyak. "I'm sorry─"

"Stop being sorry, Anastasia. It's not your fault."

"Hindi nga ba?" Pumatak na naman ang mga luha niya. "I am blaming you all along when I learned that our parents' death has something to do with you but..." another tear fell from her eyes and this time, it didn't stop, "Tapos kanina, iyong mga narinig ko... I'm sorry Jamie. It's my fault."

Narinig ni Tasia ang malakas na pagbuntong˗hininga ni Jamie. Nakita rin niya ang sandali nitong pagpikit ng mga mata na parang may pinipigilan itong makita niya mula roon.

"Tulad ng sinabi ko kanina, it's not your fault. And I'm sorry too, Anastasia for pointing it at you earlier," Jamie said calmly and with a shrugged. "Honestly, nakaramdam ako nang pagkainis sa 'yo noon, pero na˗realized ko rin naman na hindi mo kasalanan iyon. Ako ang nagtago ng totoo kina Mommy at Daddy tungkol sa totoo kong kurso─"

"But you hid it to the because they want you to run our business─"

"And that's why it's my fault from the beginning. Kasi kung sa simula pa lang sinunod ko na ang gusto nila hindi mo kailangang itago ang sekreto ko ng ilang taon. Hindi ka madudulas sa pagsasabi ng totoo dahil masaya ka," sabi ni Jamie. Kinagat nito ang pang˗ibabang labi pagkatapos ay muling nagsalita. "Honestly, having you as my twin was and is the best thing that I have in my life Anastasia. Kaya hindi kita sinisisi. Hindi kahit kailan."

"But I did. Kung hindi ko sinabi sa kanila, hindi ka aalis. Hindi ka sana mapapahamak─"

"Hindi sana namatay ang mga magulang natin, Anastasia. Kung hindi ako umalis at sa halip ay nakipag˗usap na lang sa kanila hindi tayo mawawalan ng mga magulang. Hindi mo kailangang kalimutan ang buhay na kinasanayan mo─"

"Jamie─"

"It's me who needs to say sorry, Anastasia. I'm sorry."

Sa pagkakataong iyon mariing naipikit ni Tasia ang mga mata. Nagagalit siya kasi nagi˗guilty siya sa nangyari sa kakambal niya, pero ito pa rin ang himihingi ng tawad sa kanya.

"Jamie, please forgive me," she said in both irritation and guilt.

"I did already. Stop being mad, hindi bagay sa'yo." And her twin smiled when she opened her eyes and met hers.

"Bakit ganyan ka?" may hinanakit na sabi niya.

"Ikaw, bakit ganyan ka rin?" balik˗tanong sa kanya ni Jamie.

"Jamie─"

"Stop this nonsense, Anastasia. Or you want me to call you Tasia as Chad calls you?"

Sandaling natigilan si Tasia nang marinig ang pangalan ng binata. "Call me whatever name you want to call me."

"Chad loves you, you know that?" sa halip ay tanong ng kapatid.

Nag˗iwas siya ng tingin. "Yes."

"Eh, bakit pumayag ka na iwan ka?"

Nagulat si Tasia sa narinig kaya agad na bumaling sa kakambal ang tingin niya. "How did you know?"

"Eavesdropping," mabilis na sagot ni Jamie. Nanlaki naman ang mga mata niya dahilan para matawa ang kakambal. "Don't worry, noong pakiramdam ko ay may gagawin na kayong kababalaghan sa kuwarto mo, umalis na ako."

Pinamulahan ng mukha si Tasia sa sobrang pagkapahiya. "Jamie!" Nag˗iwas uli siya ng tingin sa kapatid.

"Akala ko si Jude ang mahal mo?"

"Noon iyon. Noong hindi pa niya dinurog ang puso ko. Masyado kang maraming alam ha?"

"Well, I have a contact with him. He's my bestfriend anyway."

"And he loves you, Jamie."

"That's why I hate him a little. He broke your heart because of he loves me─"

"Karapatan niya iyon─"

"Pero lumayo ka at nawala sa pangangalaga niya nang dahil doon."

"It's my choice," aniya. "Do you love him?"

"As a friend, yes."

"Alam niya ba?"

"Palagay mo ba mamahalin pa rin niya ako pagkatapos ng mga narinig niya kanina?" Walang anumang bakas ng emosyon sa boses ni Jamie, pero para kay Tasia siya ang may kasalanan niyon.

"H˗He's a good man, Jamie," sabi niya.

"Oo, pero wala akong balak na abusuhin iyon. At kaibigan ko siya, ayokong pahirapan siya nang nakaraan ko."

"Hindi mo naman ginusto ang nangyari sa'yo─"

"At hindi ko rin gustong masaktan pa si Jude nang dahil sa nangyaring iyon, Tasia," putol nito sa sinasabi niya.

Tumahimik na si Tasia. Alam niyang desidido na ang kakambal sa desisyon nito. At alam din niya na kung may pagtingin ito kay Jude kagaya ng binata kay Jamie, makikita at makikita niya iyon.

Pero hindi niya iyon makita. At nag˗aalala siya at nag˗iisip kung may pagkakataon pa bang magmahal ang kapatid niya.

"Nasaan pala si Chad?" tanong nito sa kanya kapagkuwan.

"H˗Hindi ko alam," sagot niya. "Bakit?"

"Kailangan ko siyang kausapin bukas," sabi ni Jamie. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair at tumayo sa harap ng napakalaking bintana na nakabukas pa rin pala.

"Bakit mo siya kakausapin?" nagtatakang tanong niya.

"About sa kaso ng namatay niyang asawa. He needs it."

Nag˗aalala para sa kakambal, tumayo si Tasia at tumabi kay Jamie. Hinawakan niya ang braso nito at nilingon siya nito. "Kaya mo na ba? Baka masaktan ka lang kapag pinabuksa ninyo ang kasong iyon─"

"Okay lang, sis," sabi ni Jamie. "We all need it."

"Pero─"

"Hindi ko naprotektahan sina Mommy at Daddy noon. And you're the only one that left to me, Anastasia. And I'm going to protect you," Jamie smiled to her. "And I'm going to do it first by protecting your heart. At mangyayari lang iyon kung magkakaroon ng closure sa kaso ni Clouie Sanchez."

. . . B L U E F O R T E S . . .

COLD STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon