CHAPTER 10

41 4 4
                                    

NAKARARAMDAM man ng pagod si Tasia ay buong tiyaga pa rin siyang nagmamasid sa paligid nang mansyon na pag-aari ng kanyang pamilya.

Ilang metro ang layo ni Tasia sa mansyon ngunit sapat na para sa kanya ang distansyang pagitan niyon upang makita niya ang tinutukoy ni Manang Rosario na sasakyang nakaparada sa harap ng mansyon ng mga Soriano.

Nasa Cavite na si Tasia. At pumunta sa pakay niyang lugar ay naghanap muna siya ng malayong apartment at binayaran iyon gamit ang perang ipinahiram sa kanya ng dating mayordoma ng kanilang pamilya. Kumain na rin siya, naligo at nagbihis.

Tulad nang nauna na niyang plano, nagbalat-kayo siya para hindi siya makilala ng mga nakatira sa subdibisyon at upang ilayo ang sarili sa kapahamakan kung totoo nga ang sinabi ni Manang Rosario sa kanya na may kinalaman sa kakambal niyang si Jamie ang lahat nang nangyari sa pamilya nila.

Nakasuot si Jamie ng long emerald long sleeves blouse na may design na raffles sa laylayan ng manggas at sa kabitan ng butones at itinuck-in niya iyon sa kulay itim na square pants na tinernuhan pa niya ng puting rubber shoes. Suot din niya ang malaking salamin sa mata na walang grado at ni walang kahit na kaunting make-up sa mukha.

"Sino kaya sila?" mahinang tanong niya sa sarili. Nakatanaw siya sa itim na kotseng nakaparada sa harap ng mansyon at nakita niyang may lumabas doon na dalawang lalaking nakaitim at nakasuot ng sunglasses. "Mga naka-disguise, ha?"

Napansin din ni Tasia na bawat isang lalaki ay may dalang baril na nakasukbit sa baywang ng mga ito at hindi lang iyon kaagad mapapansin dahil sa suot ng mga jackets. Pero mula sa kinaroroonan niya ay malinaw niyang nakikita ang mga galaw ng mga ito maski ang malimit na paggalaw sa mga suot na mga jacket sa tuwing may kukunin ang mga ito sa bulsa niyon.

"Tama si Manang Rosario, delikado ang mga taong ito. At kung totoong buhay si Jamie, delikado rin ang buhay ko," sabi pa niya sa sarili.

Tumingin si Tasia sa suot niyang relong pambisig. Ala una na nang madaling araw, at nakararamdam na siya nang antok. Gusto n asana niyang magpahinga ngunit may kung ano sa kalooban niya ang pumipigil sa kanyang umalis na lang. Pinagmasdan ni Tasia ang mansyong naging tahanan niya mula sa kanyang pagkabata hanggang sa kanyang pagdadalaga.

Awtomatikong bumalik sa alaala niya ang naging buhay niya kasama ang pamilya. Samu't saring emosyon ang pumuno sa dibdib ng dalaga na hindi niya napigilan ang sariling tahimik na umiyak. Mabuti na lamang at madilim sa lugar na pinagkukublihan niya ng mga oras na iyon dahil sa palagay niya ay sira ang lamp post na naroon─ wala sa sariling naupo doon ang dalaga.

Mula nang mamatay ang mga magulang at kapatid ay noon na lamang muling umiyak si Tasia para sa pamilya. Sinikap niyang maging malakas dahil ayaw niyang maging mahina. Dahil sa pagiging mahina niya sinasamantala iyon ng ibang tao para paniwalain siya at pagkatapos ay iwan tulad ng dati niyang nobyo na nilayasan niya sa La Paraiso.

Sunod-sunod na dumaloy sa alaala ni Tasia ang lahat nang nangyari sa kanya, kasabay niyon ay ang wala ring patid na pagdaloy ng kanyang mga luha. Nahimasmasan lang siya sa pag-iyak nang marinig niya ang tunog nang umalis na sasakyan.

Mula sa likod ng posteng pinagkukublihan ay sinilip ni Tasia ang mansyon

At nakita niyang umalis na ang itim na kotse at wala isa mang lalaking sakay niyon ang naiwan doon.

Sinamantala ni Tasia ang pagkakataon. Maingat siyang lumapit sa mansyon at lumapit sa gate niyon at tangka sanang papasok ngunit may nakita siyang isang lalaking nakaitim na umiikot sa mansyon at malapit na ito sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Tasia. Pakiwari niya ay nagpawis hindi lang mga kamay niya kundi pati mga paa niya at mga singit niya sa nerbiyos. Ni hindi niya magawang kumilos at tumakbo palayo sa harap ng mansyon. Parang nakapagkit na ang mga paa niya sa sementadong kalsada na nanatili lang siyang nakatayo doon at hindi alam kung ano ang gagawin.

COLD STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon