LUMIPAS pa ang maghapon na nanatili sina Chad at Jude sa bar na pag˗aari ng kaibigang si Felipe. Nang mag˗a˗ala y sinco na ng hapon ay napagdesisyunan na nilang bumalik ng bahay ni Jude.
Hindi na nila kailangang mag˗usap pang dalawa. Nang tumayo si Chad ay tumayo na rin si Jude at sabay pa silang sumakay ng kani˗kanilang mga kotse. Ang mga banda naman na kumakanta sa bar na iyon ay napatingin sa kanila habang pumapasok ang mga ito sa establisyemento.
Nang makarating sa bahay ay nagkatinginan pa silang dalawa nang sabay silang bumaba sa mga kotse nila, pero wala ni isa man ang umimik. Magkasunod silang pumasok sa loob ng bahay at syempre, hinayaan na ni Chad na mauna nang pumasok sa bahay nito ang kaibigan.
Pagtuntong ng mga paa ni Chad sa sala ng bahay ay nakita niya si Jamie na nakaupo sa sofa, nakapatong ang mga kamay sa ibabaw ng hita. Napailing siya, para itong galing sa royal blood kung titingnan. Kasunod ay nakita niya si Tasia na naglalakad galing sa kusina. May hawak pa itong isang baso ng tubig. Natigilan pa ito sa paglalakad nang makita siya.
Malungkot ang mga matang tiningnan niya ang dalaga, pagkatapos ay naglakad siya palapit dito. Nang makalapit siya kay Tasia ay itinaas niya ang braso para akbayan ang dalaga. Ipinagpapasalamat niyang hindi nito iniwasan ang physical contact na ginawa niya.
Kasunod ay naglakad siya kasama ang dalaga paakyat sa hagdan. Gusto niyang magpahinga.
"Chad?" tawag ni Tasia sa kanya nang nasa loob na sila ng kuwartong gamit nila.
Nilingon niya ito. "Hmm?"
Ngumiti ang dalaga at inakay siya paupo sa kama. "May gusto ka bang gawin ko para sa 'yo?"
"Stay with me," he answered without any hesitations.
"I promised." And as she said that, Tasia sit beside him on the bed, turned to him and gave him the warmest embrace Chad could ever had.
MAHIGPIT ang pagkakayakap ni Tasia kay Chad nang mga sandaling iyon. Gusto niyang iparamdam sa binata na totoo siya sa ipinangako niya sa binata. Na mananatili siya sa tabi nito.
"I promised to stay with you, Chad," she whispered on his ears as she laid her head on the blade of his shoulder. Chad rested his chin on her shoulders as well while hugging her back. "Ang weird nga, eh," sabi pa niya at bahagyang tumawa.
"Bakit?" tanong ni Chad. Nanatili pa rin silang magkayakap.
"Ang weird lang kasi, hindi lang ang pananatili sa tabi mo ang kaya kong ipangako sa 'yo, Chad," sabi niya. "As this moment, I can promise you more than that."
"What is it?"
"That I'll be here for you no matter what."
Naramdaman niya ang bahagyang pagkiling ng ulo ng binata at pagyugyog ng mga balikat, kasunod ang mahinang tunog mula rito na tanda nang pagtawa.
"Hindi ba pareho lang 'yon?" tanong nito.
"Not really," she said. "I'll stay because I want to. And I'll be here for you no matter what because I love you, Mr. Cold Steel. Well, I think it's better to call you Mr. Cold Gazer, what do you think? Bakit nga ba Cold Steel?"
"You won't like to see that part of me, Tasia, I tell you," Chad just shrugged his shoulder. At pagkaraan pa ng ilang sandali ay humiwalay na ito sa kanya, ngunit para lang ikulong sa malalaki nitong mga palad ang mukha niya. "And I know that I love you, too," anitong nakatitig sa mga mata niya. "Please wait patiently for these things to be done."
"I will."
And Chad leaned down his face to hers, and then he captured her lips for a warmth kiss. Kissing each other made Tasia felt assurance that whatever happens with their current situation, they will be fine. Assurance that, she has Chad and Chad will always find his ways to be with her.
Kailangan lang nito ng closure. Kailangan lang nitong ibigay ang hustisyang para sa dati nitong asawa at sa anak ng mga ito. At sa prosesong iyon, handa si Tasia na maghintay. Handa siyang manatili sa tabi ni Chad at suportahan ito para sa pagtatapos ng lahat ng iyon, may makakasama ito.
Alam ni Tasia na nakapapagod ang emosyong pinagdaraanan ng binata. Syempre alam niya dahil pinagdaanan niya rin naman ang maghanap ng hustisya at patuloy pa rin niyang hinahanap iyon. Nagkataon lang siguro na nahanap na niya si Jamie ngayon nang dahil pa rin kay Chad, habang ito ay walang kahit na sino.
Mali, saway niya sa sarili. He has me now. I can share with his pains.
Kapwa habol nila ang kanilang mga hininga nang pakawalan nila ang labi ng isa't isa. Kapagkuwan ay iginiya na niya si Chad na mahiga sa kama. Siya na ang naghubad ng suot nitong sapatos at medyas. Nang maiayos na niya ang sapatos sa ibaba ng kama ay humiga rin siya sa tabi ng binata at nagsalo sila sa iisang kumot.
"Ano'ng iniisip mo?" tanong niya sa binata nang makitang nakatingin lang ito sa salamin.
"Wala."
"Let me share your pain. I am here for you," sabi niya. Tumagilid siya nang pagkakahiga at humarap sa binata. Gayon din ang ginawa ni Chad at humarap sa kanya. Inilagay pa nito ang braso sa ilalim ng ulo niya para doon siya mahiga. "Tell me, what is it?"
"Did you talk to your twin?" he asked her.
Nagsalubong ang mga kilay niya. "About what?"
"About what happened to her and to my late wife," he said in a low voice. Pain can be heard from him.
Napabuntong˗hininga si Tasia. "Hindi lahat sinasabi niya sa 'kin. Bakit?"
"She gave me a namelist."
"A list." Tumihaya siya nang pagkakahiga at tumitig sa puting kisame. "Is the list... how many? Who are they?"
"Twenty˗five."
Biglang napabaling ang mukha ni Tasia kay Chad nang marinig niya ang naging sagot nito. Mariing nakapikit ang mga mata ng lalaki, bahagyang nakakunot ang mga noo. Namumula ang mga tainga.
Namasa ang mga mata ni Tasia. "Twenty˗five men?"
"Yes," he replied.
Pumatak ang mga luha ni Tasia. Hindi niya mapapatawad ang sarili sa nangyari sa kakambal. Pero, mas hindi niya mapapatawad ang sarili niya ngayon kung wala siyang gagawin para protektahan naman si Jamie.
Umiiyak na siya nang muling magsalita. "Let's capture them by hook or by crook."
. . . B L U E F O R T E S . . .
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
RomanceTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...
