CHAD can feel his own anger inside his chest. His chest didn't stop pounding, his hard breathing the moment he saw the names in the list that Jamie handed him.
Sa sobrang galit na nararamdaman niya ay iniwan niya ang babae sa study room nang hindi ito nililingon. Hindi niya akalain na hindi lang basta isang pasabog ang ilalantad nito kundi marami pa.
Kaagad siyang umalis ng bahay ng kaibigan, sumakay ng kotse at nagbyahe papunta sa bar kahit na maaga pa. Wala siyang pakialam kung bukas na ba 'yon o hindi pa, ang importante ay may mapuntahan siya. Hindi niya kayang maging kalmado matapos makita ang dalawampu't limang pangalan ng mga lalaki na sangkot sa nangyari sa asawa niya. Mga pangalan ng mga maimpluwensyang tao na nanakit at gumawa nang hindi makataong bagay hindi lang kay Clouie kundi pati kay Jamie.
Hindi niya kayang maging kalmado. Hindi niya kayang tumayo lang o maupo sa isang tabi matapos malaman ang posibilidad na ginahasa ng dalawampu't limang kalalakihan ang mga babaeng walang kalaban˗laban sa kanila. Pero isa lang ang sigurado si Chad: hindi siya papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang mga dapat mabigyan ng hustisya. Mananagot sa batas ang dapat managot kesehodang makapangyarihan pa ang taong iyon kaysa sa batas.
"Mr. Sanchez, sarado po ang bar─"
"Get out," malamig ang boses na sabi niya. Hindi niya tinitingnan ang guwardiyang nagbabantay sa bar sa katirikan ng araw. Masakit na rin ang mga mata niya sa pagpipigil sa sariling maluha.
"Pero, Sir, hindi po puwede," nakikiusap naman na sabi ng guwardiya.
Naiintindihan ni Chad ang sinasabi ng guwardiya, nagtatrabaho lang ito kahit pa nga sabihing kilala siya sa lugar na iyon dahil kaibigan niya ang may˗ari ng bar.
Hindi nagsalita si Chad, sa halip ay kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng suot na pantalon at idinial ang numero ng may˗ari ng bar kung nasaan siya.
"Ipe, nasaan ka?" agad niyang tanong nang sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag niya.
"Stop calling me that Mr. Police," malat ang boses na sabi ng kausap. Halatang bagong gising. "Nasa bar ako, bakit?"
"Sabihin mo sa guwardiya na papasukin ako ngayon na. Kailangan kong uminom," sabi niya at pinatay ang tawag.
Mayamaya pa ay kaagad niyang nakita si Felipe Cañaveral o 'Ipe' mula sa likod ng bar. Naglalakad ito papunta sa front door ng pag˗aaring gusali, hawak sa isang kamay ang cellphone nito habang nakasuot ng pajama set na panlalaki at magulo ang buhok. Bagong gising ang lalaki at walang dudang sa bar ito natulog.
Sa ibang pagkakataon ay babatiin at bibiruin niya ang kaibigan pero hindi sa oras na iyon na kailangan niyang mapag˗isa sa ilalim ng maliwanag na sikat ng araw.
"Ang aga mo namang iinom─"
Naglakad si Chad pasalubong kay Felipe at nilampasan niya ito. Doon siya dadaan sa likod ng bar kung saan dumaan ang binata.
"Hey, Chad!"
Hindi niya ito nilingon, sa halip ay dere˗deretso siyang nagpunta sa elevator sa parking lot sa likod ng bar at pumasok sa loob niyon. Humabol naman ang kaibigan na nagising ang diwa dahil sa ginawang pagsunod sa kanya. Nang magsara ang pinto ng elevator ay inilagay ni Chad ang mga kamay sa loob ng bulsa ng suot niyang jacket. Ang mga mata naman niya ay nakatingin lang sa mga numerong nakikita niya sa itaas ng elevator. Sa floor kung saan sila dadalhin niyon.
When they reached the third floor, the elevator had stop on moving and the door opened. With his natural way of walking, he stepped outside the elevator followed by his friend who was now holding his phone while looking at his back. And Chad who was aware of that, didn't give a damn.
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
Roman d'amourTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...
