CHAPTER 1

174 3 1
                                    

AUTHOR'S NOTE: This story is dedicated to one of my friend here in Wattpad and in facebook, a very good writer also and a nice person, @anastasiasorianoooo.

And for you who is reading this now, thank you so much. I hope to know you. :)


CHAPTER 1

"HEY BRO!"

Sandali lamang ang ginawang pag-aangat ng tingin ni Chad para tapunan nang mabilis na tingin ang kanyang bisitang si Jude ngunit hindi siya nagsalita maski anuman, kahit pa nga dere-deretso nang naupo ang taong iyon sa visitor's chair sa harap ng office table niya.

"Kung iba'ng tao ako, matatakot ako sa'yo, Bro," sabi pa ni Jude sa kanya. "Hindi na kataka-taka na wala kang chicks. You're so cold. Balak mo ba talagang maging tigang habambuhay?"

Ngunit, sa halip na sagutin ang kaibigan ay muli na lamang niyang itinuon ang pansin sa mga papeles na kailangan niyang pirmahan na lahat ay may kinalaman sa negosyo niya.

Ang buong pangalan niya ay Richard Sanchez at isa siyang pulis. Subalit dahil sa personal dahilan ay nagpaalam muna siya sa kanyang tungkulin at ibinuhos ang atensyon sa kanyang negosyo. At masasabi niyang hindi na masama ang maging isang restaurateur lalo na kung gusto naman talaga niya ang magnegosyo at mahilig siya sa pag-e-eksperimento pagdating sa pagkain, na sa huli ay napakinabangan din naman niya.

Marahil, dahil sa pananahimik ni Chad at hindi pagkibo sa mga pasaring ng kaibigan ay hindi na rin ito nagsalita na ipinagtaka niya. Ilang sandali pa ay muling nag-angat si Chad nang tingin.

Chad raised hid brows when he noticed Jude's serious face as if his playful friend is in a really deep thought.

"Sinapian ka ba ng demonyo at namomroblema ka ngayon kung paano mo guguluhin ang buhay ng mga taong nakapaligid sa'yo?" Matagal ng kaibigan ni Chad si Jude at kilalang-kilala na niya ito.

Jude Moreno is really a good catch from hot looks and naughty appearance that most of women were after him─ unto his overwhelming wealth that he is very sure that the lucky girl of the week or maybe the choice girl for the day of his playful friend will be living like a princess for a limited time. If Jude wanted it to happen.

Pagak na tawa naman ang isinagot sa kanya ni Jude. "Masyado kang masama sa'kin, Bro," sabi nito sa kanya nang nakangiti. "Mukha na ba talaga akong demonyo? Hindi ba puwedeng training pa lang?"

"Just tell me why you're here?" he asked, seriously. "You're not the type of person who will just sit there with a straight face without any reason. Spill it out and don't waste my time. I'm busy, you know that."

Muli lamang tumawa si Jude habang umiiling-iling pa na nakatingin sa kanya.

"Okay fine. I am here just to confirm things about you," Jude said, still smiling.

"And what is it?" he answered in a low voice.

Tumikhim muna ang kaharap bago muling nagsalita. Nag-resign ka na bas a pagiging pulis? O nag-force leave ka? Or maybe, you're in a middle of assignment?"

"And why you are asking?"

"I just want to know, Bro." Jude became serious all of a sudden.

Sumandal si Chad sa swivel chair na inuupuan at inobserbahan ang kaibigan niyang naghihintay pa rin ng sagot sa tanong nito sa kanya. At dahil isa siyang pulis, alam niya na hindi lang basta naglalaro o nakikitsisimis sa kanya si Jude. May hihingiin itong pabor sa kanya.

COLD STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon