CHAPTER 44

45 2 0
                                        

SAKAY nang kotse ay na minamaneho ng kanyang driver na katabi ni Atty. Imperial ay nagpunta sila sa memorial kung saan naroon ang abo ng kanyang mga magulang at ng inakala niyang bangkay rin ng kakambal.

Habang nasa daan ay nakita ni Tasia ang isang motorsiklong nakasunod sa kotseng sinasakyan nila. Ayaw man ng dalaga ay naisip niyang isa iyon sa mga tauhan ng mga taong gustong magpalabas sa kapatid niya. Ngunit hindi siya nagsalita sa kahit na sino sa dalawang kasama sa sasakyan.

Mayamaya pa ay ipinarada na ng driver niya ang kotse sa parking lot at saka ito bumaba para pagbuksan siya ng pinto.

Si Luke naman ay lumingon sa kanya. "We're followed by single man. Be alert," he said.

"I know," she said. Kasunod ay ang pagbaba niya ng sasakyan at hinarap ang driver ng sasakyan niya. "Take a break. I'll call you when we're going to leave."

"Yes, Señorita Anastasia," maagap na sagot ng driver at iniwan sila.

Magkaagapay naman silang naglakad ni Luke papasok sa isang silid kung saan naroon ang abo ng kanyang pamilya. Habang nakatingin sa mga babasaging urn na naroon ay tahimik na nag˗iisip at nakikiramdam ang dalaga.

"You know that we are followed, right?" Luke asked her as he whispered.

"Yes," she replied.

"Why you didn't tell me that you know?"

"Because I don't want to."

Kinalabit siya ni Luke sa kanyang balikat gamit ang dulo ng hintuturo nito. Napalingon naman si Tasia. Nawiwirduhan siya sa lalaki. "What?"

Kumunot ang noo ng batang abogado. "Ano ba'ng plano mo? Sinasabi ko na sa 'yo Señorita Anastasia Soriano, ayaw ko pang mamatay. Ni hindi ko pa nga nakikita ang love of my life ko."

Sa pagkakataong iyon ay si Tasia naman ang napakunot ang noo habang pinagmamasdan ang mukha ng guwapong abogado. "Bakit mo ba palaging sinasabi na ayaw mo pang mamatay? Ganyan ka ba sa lahat ng kliyente mo?"

"No. Sa 'yo lang ako nagsabi ng ganito dahil girlfriend ka ni Chad."

"Cool˗off kami," mabilis niyang sabi.

"Kahit na. Chad owns you no matter what. Kaya utang˗na˗loob lang, kung inaagiw iyang maganda mong utak pakilinisan. Mag˗isip kang mabuti bago ka gumawa ng mga sarili mong hakbang." Naging matiim ang mga titig sa kanya ng binata na sinalubong niya rin ang mga tingin. Bumuntong˗hininga si Luke bago muling nagsalita. "Pag˗isipan mong mabuti ang mga gagawin mo, dahil sa oras na may mangyari din sa 'yo siguradong hindi lang ang mga kriminal na hinahabol natin ang mababaon sa hukay, pati ako. At si Chad? Baka maging katapusan na ng panunungkulan niya bilang pulis.

"Nagsasalita ako bilang isang indibiduwal na nagpapahalaga sa buhay ko at bilang isang kaibigan alang˗alang kay Chad. Matagal˗tagal din siyang nawala sa serbisyo. Ikaw ang dahilan nang panibagong kulay sa buhay ng taong iyon, huwag mo sanang hayaang ikaw rin ang maging dahilan para bumalik siya o mas maging masahol pa siya sa kung naging sino siya matapos nang nangyari kay Clouie," patuloy ni Luke sa mababa at mahinang boses. "At bilang abogado mo, ipinapayo kong ipaalam mo sa akin at kay Atty. Gonzales ang lahat ng pinaplano mo. Para malaman natin kung uubra ba iyan sa batas o baka iyan pa ang magdala sa 'yo sa kulungan o sa hukay."

"Are you trying to scare me, Atty. Imperial?" she asked him in a low voice after a couple of seconds and then, she turned her eyes to the urns in front of them. "Huwag kang mag˗alala, hindi naman ako mapupunta sa kulungan sa plano ko." Pero mas malaki ang tiyansang magpantay ang mga paa ko sa oras na mahuli tayo ng kahit isang segundo lang sa paghuli sa mga taong iyon.

"Gusto kong paniwalaan 'yang sinasabi mo, pero may pakiramdam ako na may mga plano kang hindi maganda," sabi ng lalaki.

"Trust me, Atty. Imperial. I love Chad that I won't do anything to harm him." But I will do everything in my power even it will make me dead at the end just to give justice to my loveones.

"I'll be around, always," sabi ng binata.

"Wala ka bang lovelife?" biglang tanong niya na humarap sa lalaki. Nais niya lang patagalin pa ang oras nila sa lugar na iyon.

"It's none of your business, Miss Soriano," pinaningkitan siya ng mga mata ni Luke.

Napangiti si Tasia. "So, it's okay kung gagawin kitang pananggalang sa mga bala?"

Ang naniningkit na mga mata ni Luke ay biglang nanlaki kasabay nang paglingon nito sa paligid na tila naghahanap ng mga baril na puwedeng pumutok sa direksyon nila anumang oras.

Tumawa si Tasia kapagkuwan ay umiimbay ang balakang na naglakad palabas ng lugar na iyon. "It's a joke. Masyado kang seryoso, Atty. Imperial."

"That was no joke, Miss Soriano! That was a threat!" he shouted at her.

Hindi niya pinansin ang galit na boses ng abogado at sa halip ay inilibot niya ang tingin sa paligid. "May ipapagawa ako sa 'yo. Bumalik ka sa loob at ipa˗check mo ang mga CCTV. Wala rin akong balak na mamatay kung sakaling may nilagay silang pampasabog sa loob ng kotse ng mga magulang ko. You know."

Natigilan naman si Luke. Pero bago ito umalis ay hinintay muna nitong makabalik ang driver niya para may kasama siyang maghintay.

"Aalis na po ba tayo, Ma'am?" tanong ng driver.

Sasagot pa lang sana si Tasia sa tanong ng driver nang makita nila ang biglang paglitaw sa harap nila ng isang lalaking nakasuot ng kulay itim na damit at natatakpan ang mukha ng suot nitong helmet.

"I knew it," she whispered. That was the guy who was riding on the motorcycles. She looked at the man but she immediately felt her heart at race and her eyes widen when she saw him lift his hand and pointed a gun on her direction. "Run!" sigaw niya sa driver niya na nagulat din.

Pinauna siya ng kanyang driver sa pagtakbo habang ito ang nakasunod sa kanya. Humabol din sa kanila ang lalaking may hawak ng baril. Nang lumingon si Tasia ay binalot ng desperasyon ang puso't isip niya nang makitang malapit na sa kanila ang lalaki. At halos maputol ang hininga niya sa pagtakbo nang sa sunod niyang paglingon ay nakita niyang kinalabit nito ang gatilyo ng baril.

Kasunod ang malakas na alingawngaw ng pagputok niyon na halos bumingi sa kanya. At pagkatapos ay ang pagbagsak niya sa sementadong kalsadang tinatakbuhan. Hindi pa siya puwedeng mamatay, hindi pa.

Chad...

...BLUE FORTES...

COLD STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon