KATAHIMIKAN ang sumalubong kay Tasia nang makababa siya sa ground floor ng bahay ni Jude.
Masyadong tahimik. Bakit parang walang tao?
Nang magising siya at pumunta sa kuwartong inookupa ng kakambal ay hindi niya nakita roon si Jamie kaya naman nagmamadali siyang bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay. Naglakad˗lakad pa si Tasia sa kusina, pati na rin sa labas ng bahay sa may hardin, ngunit wala siyang nakitang kahit na sino. Hindi niya rin alam kung nakauwi na ba si Jude o kung kasama ba nitong bumalik si Chad pagkatapos ng mga itong iwan sila sa bahay na iyonng dating nobyo.
Pero, mayamaya lang ay natigilan si Tasia nang makita niya ang dalawang kotse sa garahe. Ang kotse ni Jude, at ang kotse ni Chad. Nasa bahay na ang dalawa.
Pero nasaan sila?
Kaagad na bumalik sa loob ng bahay si Tasia. Plano na niyang isa˗isahin ang mga kuwarto nang maalala niya na may study room ang bahay na iyon. Doon siya nagpunta, at hindi nga siya nagkamali dahil mula sa labas ng pintuan─ sa bahagyang nakaawang na pinto ay naririnig niya ang pag˗uusap ng mga nasa loob.
Bahagya niyang itinulak ang pinto at nanatiling nakatayo lang doon sapagkat ayaw niyang maabala ang mga ito sa pag˗uusap. Pinili na lang niyang tahimik na nakikinig sa mga ito, lalo't wala namang nakapansin sa pagdating niya.
Pagbinuksan kasi ang pinto ng kuwartong iyon, ang unang bubungad ay ang study table ni Jude at mga computers kasama na ang mga bookshelves sa likod niyon. Sa kanang bahagi ng silid ay mayroong visiting area o resting area kung saan may sofa at center table. Naroon sina Chad, Jude at ang kakambal niya kaya hindi na kataka˗takang hindi namalayan ng mga ito ang pagdating niya o maski ang pagpasok niya sapagkat walang isa man sa mga ito ang nakaupo paharap sa pinto. Bukod pa sa napakaseryoso ng pinag˗uusapan ng mga ito.
"I'm sorry─"
"No need," narinig ni Tasia na putol ni Jamie sa mga sasabihin pa ni Chad. "We can't be saved by that word Mr. Sanchez. Instead, we have to work together."
"What do you mean by we, working together?" tanong ni Chad at sandaling napalingon sa may pintuan kung saan siya naroon.
Nakaramdam nang pag˗aalangan si Tasia nang magsalubong ang mga mata nila ng lalaki. Napansin pala siya ni Chad, pero sandali lang siya nitong tiningnan. Bigla, nakaramdam siya nang pinong kirot sa kanyang dibdib dahil doon, pero hindi siya nagpahalata. Tahimik lang siyang nakatayo roon at hinihintay rin ang mga sasabihin pa ng kakambal niya.
"I'll give you names," Jamie said.
Nanlaki ang mga mata ni Tasia. So,she knew them all along.
"And?" Chad asked her again while waiting for Jamie's next words.
"Protect Anastasia and my child in the process."
Malakas na napasinghap si Tasia sa narinig na sinabi ng kakambal dahilan para mapalingon sa kanya ang mga taong walang kamalay˗malay na nasa loob siya ng silid na iyon.
"Anastasia..." nagulat na tawag sa kanya ni Jamie. Napatayo pa ito.
"Child? Wait, Jamie," sabi niya. Nilapitan niya ang kakambal na hindi na nagawang umalis pa sa pagkakatayo sa harap nina Chad at Jude. "M˗May anak ka?"
Hindi ito sumagot. Nakatingin lang sa kanya ang mga mata nitong may bakas ng pag˗aalala. Sabay pa silang napalingon nang kakambal nang makarinig nang malakas na pagbagsak ng pinto. Wala na si Jude sa silid at ito ang lumabas mula sa silid na iyon.
"Please, excuse us," sabi naman ni Chad na sinulyapan uli siya bago naglakad papunta sa pinto para lumabas.
Nang makaalis na si Chad ay muling binalingan ni Tasia ang kakambal. "Jamie?"
"Yes. I have a child now, Anastasia. You have a nephew now."
"So, he's a boy," aniyang tumulo ang mga luha. Natatakot siyang magtanong sa kakambal niya. Paano kung ang batang iyon, ang anak nitong iyon ay bunga nang pangmomolestiya rito? Ano'ng gagawin niya? Hindi niya kayang isipin ang bagay na iyon. Ni hindi niya magawang ibuka ang bibig para magtanong.
"I am okay, Anastasia. Iyan bang mga luhang iyan ay dahil masaya ka na may pamangkin ka na?" nakangiting tanong nito.
Itinikom ni Tasia ang bibig. Sa halip na sumagot ay niyakap niya ang kakambal nang ubod nang higpit. Gumanti rin ito ng yakap sa kanya. Pero, hindi napigilan ni Tasia ang sarili nang mayakap ang kakambal. Patuloy na umagos ang mga luha sa kanyang mga mata kasabay nang paglikha ng napakasakit na tunog ng pag˗iyak sa kanyang lalamunan.
Hinaplos˗haplos naman ni Jamie ang likuran niya sa paraang marahan at tila sinasabi sa kanya na: Okay lang. Na wala siyang dapat na ikabahala.
"Tama na, Anastasia. I don't like it when you are crying," Jamie whispered.
But, Tasia didn't stop from crying. Sinisisi niya ang sarili. "I'm sorry, Jamie. I'm so sorry."
"No. Wala kang dapat ikahingi ng sorry," anito at humiwalay sa kanya. Inakay siya ni Jamie para maupo sila sa sofa. "Wala kang kasalanan."
"Pero, Jamie, may anak ka. You were a victim of that crime and you were─"
"Hindi bunga nang nangyari sa akin sa kamay ng mga masasamang taong 'yon si Jairus," putol ni Jamie sa mga sinasabi niya.
Natigilan si Tasia. "What are you saying?"
"Jairus was made because of my own decision. Siguro nga hindi sinasadya pero hindi siya bunga ng karahasan. And I really love my boy, Anastasia."
Looking at her twin sister, Tasia can see how happy she was just by talking about her child. Jamie's eyes were sparkling mentioning Jairus' name. Her lips were smiling ear to ear as if she was remembering something both funny and wonderful about the kid. With that, Tasia's heart felt warmth for the boy for her to wished she could see him.
"Where is my nephew?" she asked.
"In a safe place?"
"Where?"
"In a shelter."
Napasinghap na naman si Tasia. Ang kaninang init na naramdaman niya sa puso niya ay biglang napalitan ng lungkot. "B˗Bakit sa shelter? For how long─ wait, he's still a baby right?"
"He is, of course. Iniwan ko siya bago tayo nagkita sa mansion─"
"Bring him here. I want to meet your child, Jamie. Ako na lang ang mag˗aalaga. Tayo. Sabi mo, we're safe here in Jude's house, right?"
Nang sabihin niya iyon, si Jamie naman ang biglang yumakap sa kanya nang mahigpit kasabay nang malakas nitong pag˗iyak. At nang sandaling iyon, pakiramdam ni Tasia ay nadurog ang puso niya para sa kakambal.
Jamie's sacrificing a lot for her safety. While she was there all along, pointing her finger to her twin and taking all the pain inside her asking for justice for their parents and questioning Jamie's reasons. She's just crying for almost a year and grieving her heart for her family's death not knowing that Jamie's fighting and protecting their lives.
Umiyak siyang kasabay ng kakambal. Masama akong kapatid at makasarili ako...
. . . B L U E F O R T E S . . .
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
RomanceTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...
