MARIING ipinikit ni Chad ang mga mata habang pinakikinggan ang lahat ng sinasabi ni Tasia sa kaibigan niya. Nasa labas lang siya ng kuwarto nito, nasa isang gilid ng pader at nakasandal habang nakapamulsa ang mga kamay.
"...Minsan ang pagmamahal, itinatali tayo sa nakaraan, sa sakit o kaya pinipigilan tayo sa mga kaya pa nating gawin. At nandoon kami sa huli, Atty. Luke. We have to work and move without hesitations to claim the justice we wanted from the very beginning." Iyon ang mga huling salitang narinig niya sa dalaga bago nito isinara ang pinto ng kuwarto nito. Ni hindi nga nito namalayan na naroon lang siya at nakikinig sa usapan nilang dalawa ni Luke.
Nang magsara ang pintuan ay balewalang tiningnan siya ni Luke at pagkatapos ay naglakad ito papunta sa hagdan. Wala naman siyang kibong sumunod lang dito pababa sa ground floor ng bahay.
"I am somehow like her idea, Chad," Luke broke the silence as their feet stepped the floor.
"The idea of letting go of someone you love because you have something to prioritize?" he asked.
"Yeah. She got a point," his friend replied. Tumango˗tango pa ang lalaki. "Kung palagi nga naman ninyong uunahin ang pag˗aalala sa isa't isa, wala kayong mapagtatagumpayang magkasama. She's wise."
Napailing siya sa kaibigan. "Hindi ko alam kung kakampi ba kita o hindi, Luke."
"I'm on your side, Chad. Kaya nga kita tinawagan nang may mangyari sa kanya kanina, di 'ba? At kaya ko nga rin siya kinausap para sa 'yo. For you to hear her explanations. The question is, do you understand her point?"
"I did," he answered. "Pero hindi mo rin ako maiintindihan sa pag˗aalalang nararamdaman ko kung hindi ka lalagay sa sitwasyon ko. I guess you have to find a woman for yourself. Let's see what would you do─"
"Hey!" Luke cut his words. "What's wrong with you two, huh? Bakit ba ako na lang palagi ang pinag˗iinitan ninyo? Pare, tinulungan kita para marinig ang laman ng isip niya kaya 'wag mo nang isumpa pa ang lovelife ko, okay? Isa pa, don't mind mine. Mind yours. Sakit lang sa ulo ang mga babae."
"Well, para sa kanila tayo ang sakit sa ulo."
"As if," Luke chuckled before he turned to be serious. "So, what's the plan?"
"Like what I've said, stay here. Protect Tasia while I'm out."
"At ikaw?"
"Bubuksan ko ang kaso ni Clouie. I will give the names to my superior."
"As this early?"
"Dapat no'ng bumalik ako ginawa ko na."
"Pero, Chad, baka mapahamak si Miss Soriano─"
"This is what Tasia want Luke. Gusto niyang gawin namin ang lahat para maparusahan ang dapat maparusahan. At umaasa akong mangyayari iyon. So, you have to stay here and watch her," determination can be heard from him. "I'll go now."
Nang tumalikod si Chad sa kaibigang abogado ay kaagad siyang lumabas ng bahay. Nasaktan siya sa ginawang desisyon ni Tasia pero pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi nitokay Luke ay naintindihan niya ang dalaga.
She's wise. And she has the dignity for a woman. Tasia knows her priority and she admires her more for that. Kaya naman kahit nasaktan ang ego niya at ang puso niya sa biglang pagdedesisyon nito ay gagawin niya ang gusto nitong mangyari.
Kikilos siya para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mag˗ina niya at hahayaan niyang kumilos din si Tasia para makapangalap ng mga ebidensyang kakailanganin para mabulok na sa bilangguan ang mga may˗ari ng mga pangalan sa listahang hawak˗hawak niya.
"Cordero, Velasco, Alimagno, Santos and twenty˗on more, I'll make sure that you'll have a good time inside of prison. Just wait and see..."
"WHAT and who are the names in this list, Sanchez?" tanong kay Chad ng kanyang hepe. Ibinigay niya rito ang kopya ng pangalan ng mga taong may kinalaman sa kaso ng asawa niya.
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
Storie d'amoreTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...
