CHAPTER 33

61 6 1
                                        

"BAKIT kailangang kay Jamie pa mangyari 'yon?"

Hindi nagsalita si Chad para sagutin ang tanong na iyon ni Jude. Nang iwan pala niya ito sa bar kung saan siya nito sinundan ay sumunod uli ang kaibigan sa kanya pauwi sa bahay nito.

At nang mag˗usap sila ni Jamie ay narinig nito ang mga sinabi ng babae. Lahat ng sinabi ni Jamie, kaya naman nasa tabi niya ang kaibigan at nasa bar uli silang dalawa, sa pagkakataong iyon ay nasa VIP room na sila.

Hawak ang shot glass na iniinuman niya, nilingon ni Chad si Jude na nakayukyok sa mesa─ nakaupo sa sahig sa halip na sa malambot na couch─ yumuyugyog ang mga balikat na natitiyak niyang tanda ng pag˗iyak.

"I didn't know that you are capable of crying because of a woman, Jude," he said before drinking his liquor.

Jude lifted his head and faced him. Chad's brows almost meet when he saw how Jude's handsome face turned to a mess.

"You did the same and you became a monster once upon a time, Chad. And don't you dare deny it!" he almost shouted.

Hearing those words from Jude, Chad shut his mouth. His friend was right. He once cried and did horrible things to himself because of a woman. Because of her lovely, kind and innocent wife who was killed with their unborn child in her belly.

At sa mga oras na iyon, matapos niyang marinig ang nangyari sa namayapang asawa, ang sugat sa puso ni Chad sa nakaraan ay tila nalagyan ng asin─ sumasakit, kumikirot at nagdurugo at hindi niya alam kung paano niya patitigilin ang pagdurugo.

Ni hindi na nga niya magawang umiyak pa, bagkus ang nararamdaman niya ay pulos pagkamuhi sa mga halang ang kaluluwang nanakit sa asawa niya at sumira ng buhay ni Jamie.

And speaking of Jamie, he was sorry for her. He was guilty for accusing her of running away and for not giving the right justice for Clouie not knowing that the woman was dealing a lot more on her own plate.

And Chad also admires her for doing everything just to protect Tasia, Jamie's twin sister. Not all people can handle such situation. Continuous living after becoming a victim of an unhuman crime like what she experienced with men was a torture itself. He admires Jamie for being that strong person she is.

Naaalala pa ni Chad ang bawat salitang lumabas sa bibig ng babae na para bang nagkukuwento lang ito ng normal na pangyayari kahit pareho nilang alam na hindi normal iyon. Na para bang nag˗re˗report lang ito nang mga bagay na nakikita sa paligid kahit ito mismo ang nakaranas niyon. Ni wala siyang nakitang emosyon sa mukha at kahit sa mga mata nito.

In a moment, Chad saw himself in her. And he felt sorry that she was living her life for a year now as an empty person. Or she was hiding everything in the deepest part of her as a person just to accomplish everything.

Accomplish? Chad thought. His mind starting to turned every possibilities while his tongue was playing the sour taste of the liquor in his mouth, then he swallowed it afterwards and looked to his friend who was just sitting on the floor and looked like a crying baby. Bonjing.

"Jude," he called him.

"What? Aasarin mo na naman ako? Huwag ngayon, Chad! I am telling you we will go home with a crack bones if you won't stop─"

"Of course, I won't do that," he cut Jude's sentence. "May itatanong lang ako sa'yo. Wait, lasing ka na ba?"

Tumayo si Jude mula sa pagkakasalampak nito sa sahig at naupo sa couch. Saka siya nito hinarap, salubong ang mga kilay. "Hindi ako lasing. Ano'ng itatanong mo?"

"You really love that Jamie, huh?" he asked first.

"Malamang!" sagot ni Jude. "Palagay mo ba iiyak ako nang ganito para sa kanya kung hindi?" mahina at basag ang boses na sabi ng binata. Nag˗iwas din ito ng tingin kasabay nang pagdampot nito ng baso nitong may lamang alak. Noon niya lang napansin na halos hindi pala nito naiinom ang alak nito. "Sigurado ka bang 'yan talaga ang itatanong mo?"

"No," sagot niya. "Sabi mo ikaw ang bestfriend di 'ba maliban kay Tasia?"

"Yes, why?"

"Di 'ba naka˗graduate siya ng criminology nang hindi nalalaman ng mga magulang nila?" tanong uli niya.

"Yeah. You heard it as well, kanina. Bakit ba?"

"I'm going to ask you first, Jude. Huwag kang makulit," sabi niya at saka nagsalin ng alak sa baso niyang wala ng laman. Nilaro˗laro niya muna iyon habang nag˗iisip bago muling nagtanong sa kaibigan. "Nakapagtrabaho na kaya siya bilang pulis sa nakalipas na isang taon?"

Nakita niyang natigilan si Jude at parang ito mismo ay napaisip sa naging tanong niya. Sumandal ito sa couch at tila nag˗iisip. "Hindi ko alam. Wala akong maalalang nakapagtrabaho siya sa kahit na ano'ng ahensya." Tumingin ang kaibigan sa kanya. "Ano bang gusto mong malaman, Chad?"

"Palagay mo ba may ibang dahilan kung bakit siya nawala? At ang dahilan ng bigla niyang paglitaw ngayon?"

"Nagpapatawa ka ba, Chad?" seryosong sagot na patanong sa kanya ni Jude. "Nawala siya dahil natakot siya sa nangyari sa kanya. She was a raped victim who was meant to die that night but she lived her life as if she really died. Kinailangan niyang magpanggap na kasama siyang namatay ng mga magulang nila ni Anastasia para manatiling ligtas ang kakambal niya. Nawala siya para protektahan ang kapatid niya."

"At ang paglitaw niya?"

"Dahil may naghahanap sa kanya at hinahanap din si Anastasia."

"Hindi ba kung gusto mong magpanggap na patay ka, hindi ka magpaparamdam kahit na ano'ng mangyari? Yet, nakipagkita siya kay Tasia. Well, hinala ko lang 'yon dahil sa naging pagkikita nila sa bahay mo. Tasia was not surprised seeing her twin being alive."

"Ano'ng gusto mong sabihin, Chad?" Tutok na tutok na ang mga mata ni Jude sa kanya. Hinihintay ang mga sasabihin niya.

"I know something here is missing, Jude. Kasi ang pinakaunang tanong dito, bakit hindi nakapagsampa ng kaso ang pamilya Soriano kung talagang naging raped victim ang anak nila? And why Jamie hid it to Tasia or she really hid it from her family?"

"Sinasabi mo bang nagsisinungaling si Jamie?" may bahid na ng galit ang boses ni Jude. Ibinaba na rin nito ang hawak na baso na wala nang laman sa center table na nasa harap nila ng mga oras na iyon.

Sinalubong ni Chad ang mga galit na tingin ng kaibigan. Gusto niyang makita nito ang gusto niyang iparating, pero mukhang hindi nito iyon maiintindihan. He was talking about the love of his life, anyway. And he understands.

"No," he answered in an authoritative tone. "I am saying here is, she knew something big. Tulad ng sino ang mga taong nasa likod ng nangyari sa kanila ni Clouie. Hindi lang siya umalis dahil sa takot. You know that their family is rich and you are her bestfriend, Jude. You can help them to find justice unless there was someone in the higher rank involved in this case."

Natigilan si Jude sa mga sinasabi niya. "Paano natin matutulungan ang magkapatid?"

"At kung paano natin mabibigyan ng hustisya ang asawa ko," aniya. Nagsalin uli siya ng alak sa baso niya. "Kakausapin ko si Jamie bukas. Pagkatapos, babalik ako sa Maynila, mag˗re˗report ako sa presinto."

"Mag˗re˗report ka ng ano? Posible bang mabuksan ang kasong iyon pagkatapos ng isang taon?" naguguluhang tanong ni Jude.

"Ang sinasabi ko, babalik na ako sa serbisyo." Pagkasabi niya niyon, inisang lagok na lang niya ang lamang alak ng baso niya at hindi na inalintana ang pagsigid ng mainit na likido sa lalamunan niya, pati na rin ang gulat na reaksyon ng kaibigan niya.

. . . B L U E F O R T E S . . .

COLD STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon