CHAPTER 25

24 3 1
                                    

DAHAN˗DAHANG iminulat ni Tasia ang mga mata. Mayamaya pa ay napakunot ang noo niya nang may maramdamang nakahawak sa kamay niya. Iginalaw ng dalaga ang ulo para tingnan ang kanyang kamay.

Nakahiga siya sa kanyang kama sa kuwarto niya sa bahay ng dati niyang nobyo na si Jude, iyon ang sigurado niya. Nang tingnan niya ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng kanyang sikmura ay nakita niya ang isang lalaking nakayukyok sa gilid ng kama niya habang hawak ang kamay niya.

At kilalang˗kilala niya kung sino iyon. Si Jude.

Nanghihina pa ang katawan at namamanhid ang mga kamay na iginalaw niya iyon para gisingin ang binata. Kaagad naman nagising si Jude sa naging pagkilos niya.

"Anastasia, are you awake?" Kaagad na tiningnan ni Jude ang mukha niya at pinisil ang kamay niyang hawak nito.

"Ano'ng nangyari?" sa halip ay tanong niya.

"Ikaw, ano'ng nangyari sa'yo?" magkahalong galit at pag˗aalalang tanong ng binata sa kanya. "We heard you screaming from here and you didn't bother to answer my calls and you didn't even open the door that I have to barge in here. Tell me, what's wrong?"

Iniiwas ni Tasia ang tingin niya sa binata. Hindi rin naman nito maiintindihan ang nararamdaman niya.

"Bakit pa nga ba ako magtatanong sa'yo, samantalang wala ka naman talagang planong sabihin ang dahilan. Kahit noong tayo pa, hindi ka naman talaga nagsasalita. Mas lalo na ngayong mag˗ex na lang tayo. Am I right?" sarkastikong sabi ni Jude na binitiwan ang kamay niya.

"Buti alam mo," sabi lang niya na hindi pa rin tumitingin dito.

"Well, the doctor said─"

"Doctor?" gulat na tanong niya. Pinukol niya nang masamang tingin ang binata. "You've called a doctor?"

"Yeah," seryosong sagot ni Jude. "Hindi ko naman na siguro kailangan pang ipagpaalam sa'yo iyon, Anastasia."

"Kailangan─"

"No!" putol nito sa sinasabi niya. "You just collapsed in front my eyes, woman! And you scared me, don't you know that? Tinakot mo ako habang hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para sa'yo. Kapag tungkol sa'yo, kailangan ko palaging mag˗adjust. Parehong˗pareho kayo ng kakambal mo na pinahihirapan ako sa pag˗aalaga sa inyo."

Napasinghap si Tasia sa sinabi ng binata. Noong nasa isang relasyon pa lang sila ni Jude, ni minsan hindi nito binanggit ang kakambal niya. Kahit noong nililigawan pa lang siya nito ay hindi nito isinumbat sa kanya ang hirap na pinagdaanan nito para lang mapagsalita siya at maibigay sa kanya ang lahat ng kailangan niya.

Napapalatak ang dalaga. "So, nagrereklamo ka na ngayon kasi hindi na tayo? Gano'n?"

"Sabi ng doktor, dahil sa stress ang nangyari sa'yo. It's better for you to rest and don't think anything about what happened," pag˗iiba ng binata sa pinag˗uusapan niya.

"Alam mo bang buhay siya?" biglang tanong niya.

"Ha?"

"Alam mo ba?" ulit niya.

Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Kasunod ay tumayo na ang binata mula sa pagkakaupo sa isang tool na gumawa ng distansya s pagitan nila.

Inilabas ng binata ang cellphone nito na tila may idina˗dial. "Kailangan nang bumalik ni Chad dito para alagaan ka. I am sure that you don't like me to do it for you and Chad won't like the idea, either."

"Dito niya ako pinapupunta. And the next thing I knew, dito rin ako dinala ni Chad bago umalis. Alam mo ba kung bakit?" tanong niya pa rin sa binata. Pilit niyang binabalewala ang ginagawa nitong pag˗iwas sa mga tanong niya tungkol sa kakambal niya.

COLD STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon