CHAPTER 11

58 4 2
                                        

HINDI makatulog si Tasia dahil nakabukas ang ilaw sa apartment na kinuha niya para maging tirahan sa loob ng kung ilang araw siyang mamamalagi sa Cavite─ siguro hanggang sa mapatunayan niyang buhay nga ang kakambal o baka hanggang sa malaman niya kung ano ba talaga ang nangyari nang gabing maaksidente ang pamilya niya.

Hindi siya sigurado.

Nakatitig sa kulay light green na kisame ang nakasalamin sa matang si Tasia. Hindi siya kumportableng nakabukas ang ilaw kapag natutulog. At mas lalong hindi siya sanay na nakasuot ng salamin sa mata, pero hindi niya puwedeng hubarin iyon.

"What's the matter, Manang? Nammahay ka ba?"

Nakatagilid ng pagkakahiga si Tasia pero tumihaya siya nang marinig niya ang boses ni Chad. Nakahiga ang lalaki sa sahig. At karton lang ang sapin.

"Hindi ako, namamahay. Ikaw, baka namamahay," masungit niyang sagot.

"Hindi naman. Nagugulat lang ako sa kagagalaw mo," sabi ni Chad.

Naiikot ni Tasia ang mga mata ng wala sa oras. "Bakit parang kasalanan ko pa? Ikaw ang nakikitulog, kaya ikaw ang mag-adjust."

"Hindi naman ako nagrereklamo, ah?" Umupo si Chad at sinilip siya.

Kinuha naman ni Tasia ang katabi niyang brochure na iniabot sa kanya nang mapadaan siya sa mall at inihampas iyon sa lalaki.

"Bakit tumatayo ka?" malakas niyang sabi sa binata. "Saka, hindi k aba nagrereklamo sa lagay na 'yan? Kasasabi mo pa nga lang na magalaw ako."

"What the? Bakit mo ako hinampas?"

"Kasi tumayo ka sa pagkakahiga. Di'ba sabi ko, 'wag kang gagalaw?" Pinanlakihan pa niya ito ng mga mata.

Nang ihatid siya ni Chad sa apartment niya mula nang magkita sila sa tapat ng mansyon ng mga Soriano ay hindi na siya nito iniwan. Inaamin naman ng dalaga na naantig ang puso niya nang sabihin ng binata na nag-alala ito sa kanya kaya gusto siyang samahan, pero kahit ano'ng isip ng dalaga ay hindi naman niya makita ang koneksyon niyon kung bakit kailangang sa apartment niya ito matulog at ipagsiksikan ang sarili sa kanya.

Idagdag pa na nahihiya siya dahil wala naman siyang maialok na kahit na ano sa binata kahit kape dahil kalilipat lang niya at hindi naman niya inasahang magkakaroon ng buwisita. Kung alam lang niya kahit karton, itatago niya para hindi na nito naipilit ang pananatiling kasama siya.

"Baka naman ma-stroke ako kapag hindi ako gagalaw. Saka isa pa, Tasia, hindi ako robot. Ipapaalala ko lang sa'yo na tao ako," sagot uli ni Chad sa kanya. "Kung safety mo ang inaalala mo, don't worry I am completely a gentleman."

"Gentleman na malandi," bubulong-bulong na sabi niya.

"Are you saying something?" Chad asked her.

"Wala, nagpapatay lang ako ng lamok," aniya at nahiga na uli. Itinaas niya pa ang kumot niya hanggang leeg para walang makitang kahit na kaunting balat sa kanya ang binata.

"Tasia," tawag sa kanya ni Chad. Nakaupo pa rin ito at nakatingin sa kanya.

"Ano na naman?" asik niya sa binata.

"Kapag natutulog k aba, talagang nakabukas ang ilaw?"

Nag-isip si Tasia bago sumagot. Di kaya siya makatulog dahil sa ilaw? "Bakit?"

"Natatakot ka sa'kin?"

"Hindi ako natatakot sa'yo."

"Bakit sa apartment mo sa Maynila, hindi naman nakabukas ang ilaw?"

Napakunot ang noo ng dalaga. Inalala kung kailan kaya nalaman ng binata ang bagay na iyon hanggang sa bumalik sa isip niya ang isang eksenang inihatid rin siya nito sa apartment niya. Ang gabing bumilis ang tibok ng puso niya pagkatapos niyang masaktan kay Jude.

COLD STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon