CHAPTER 40

53 3 2
                                        

IDINANTAY ni Chad ang kanyang kanang braso sa kaliwang bahagi ng kama kung saan natutulog si Tasia. Ngunit hindi niya ito mahawakan. Iginalaw˗galaw niya ang braso at kinapa sa bahaging iyon ng kama si Tasia ngunit hindi talaga niya ito mahawakan.

Kaagad na iminulat ni Chad ang mga mata para tingnan ang kama ngunit bakante iyon, kaagad siyang nagbangon at iniikot ang paningin sa loob ng silid ngunit hindi niya makita ang babae.

Bigla ay naalala niya ang sinabi nito sa kanya nang nagdaang gabi, "Let's capture them by hook or by crook."

Hindi niya sinagot ang dalaga sapagkat naisip niyang emosyonal lamang ito, sa halip ay magaang yakap ang ibinigay niya hanggang sa iginupo na siya ng antok dala na rin ng kanyang kalasingan.

"Tsk. I'm afraid that she's really serious about that," he whispered with an early voice.

Kaagad siyang tumayo at umalis sa ibabaw ng kama, hinablot ang t˗shirt na kulay asul na hinubad niya nang nagdaang gabi at mabilis ang mga hakbang na lumabas ng silid. Kaagad siyang bumaba sa ground floor at hinanap si Tasia. Hindi niya ito nakita sa sala kaya dumeretso siya sa kusina.

Sandali pa siyang natigilan nang makitang naroon sina Jude at Jamie, kapwa tahimik na nakaupo sa dining area at umiinom ng kape. Sa tabi ni Jamie ay isang babaeng may maiksing buhok, pero hindi niya makita ang mukha nito dahil natatakpan ng buhok nito sa bahaging kinaroroonan niya.

Ipinilig niya ang ulo at pumasok sa kusina. "Nakita ninyo ba si Tasia?" tanong ni Chad.

"You two sleep together?" tanong ni Jamie na tiningnan siya.

"We just sleep together last night," he replied easily. "Nakita ninyo ba siya? Hindi ko siya makita, eh."

Nagkatinginan naman sina Jamie at Jude at pagkatapos ay sa babaeng katabi ni Jamie. Lumapit naman si Chad sa mga ito at tumayo sa likod ng kaibigan, paharap sa mga babae. Tumingin naman sa kanya ang tatlo at tiningnan niya rin ang mga ito ngunit tumuon ang mga mata niya sa babaeng katabi ni Jamie.

Maiksi ang buhok nito, balingkinitan ang katawan, maputi ang balat, hugis puso ang mukha at may mga matang nangungusap. Palagay rin niya ay nasa limang talampakan ang taas nito. May bahid ng kaunting kolorete ang mukha nito at kulay pula ang lipstick na gamit. Nakasuot din ang babae ng navy blue turtle neck dress na hindi niya alam kung gaano kahaba dahil nakaupo ito.

Sigurado si Chad na iyon ang unang beses niyang nakita ang babaeng iyon, lalo sa bahay ni Jude, pero may pakiramdam siya na nakita na niya ito sa kung saan. Hindi siya sigurado kung bakit parang pamilyar na pamilyar sa kanya ang hitsura nito. At pagkatapos ay ngumiti ito sa kanya.

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Chad. Nag˗iisip siyang mabuti. Kahit ang mga ngiti ng babae ay pamilyar na pamilyar sa kanya.

Parang si Tasia ko lang, aniya sa isip.

"By the way," Jamie interrupted his thoughts, "let me introduce you the woman beside me, Anastasia Soriano. My twin sister and you know her very well as Tasia."

Nagpalit˗palit ang tingin ni Chad sa mukha ni Jamie at ng ipinakilala nito. Pagkaraan ng isang sandali ay itinuon niyang mabuti ang mga mata sa mukha ng huli.

"Tasia?" patanong na tawag niya sa babae. Sa kauna˗unahang pagkakataon ay sigurado siyang kitang˗kita sa reaksyon niya ang pagdududa, pagtataka at pagkagulat. Kunot na kunot ang noo niya at bahagyang nakaawang pa ang mga labi habang titig na titig sa kaharap.

"Yup. It's me, Chad," she said with a sweet smile.

Even her voice seems the same, yet she looks so different. Am I dreaming? tanong niya sa sarili.

COLD STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon