"NAKAKAINIS!" bulalas ni Tasia.
Kararating lang niya sa apartment niya at hindi pa rin siya makapaniwalang nakipag-blind date sa isang lalaking adik na at manyak pa.
Aba! Malay ba niyang ganoon sa personal si Louie.
Si Louie na ang guwapo sa profile picture at mukhang mabango. Si Louie na ang bait-bait kausap sa chat at sa tawag. Si Louie na parang gentleman. Pero napeke siya ng lalaki. Patpating may hitsura, humpak ang magkabilang pisngi, mapula ang mga mata na di niya alm kung dahil kulang sa tulog o dahil lulong sa bisyo. Hindi rin ito mabango dahil amoy alak at sigarilyo ang lalaki.
Nakakainis talaga ang sinapit niya sa kauna-unahang blind date niya.
Mabuti na lang dahil nakikisimpatya sa kanya ang pagkakataon, nakatakbo siya at nakapagtago sa kalapit na restaurant mula sa bar na pinagdalhan sa kanya ni Louie.
Iyon nga lang parang badtrip sa kanya iyomh lalaking kasing lamig ng yelo kung tumingin. At madamot din kung ngumiti. Gayon man, nagpapasalamat pa rin siya sa binata dahil ipinagtanggol siya nito mula kay Louie na hindi talaga siya tinigilang hanapin hanggang sa makita siya. Kahit pa nga pinagbintangan siya ni Mr. Cold Steel na isa siyang scammer.
Napatingin si Tasia sa hawak niyang supot na naglalaman ng mga pagkaing in-order niya sa restaurant. Ilang saglit lang matapos titigan iyon ay nakaramdam siya ng gutom. Tinignan niya ang oras mula sa suot niyang wristwatch. Alas nueve na ng gabi, nalipasan na pala siya ng hapunan.
Napailing na lang ang dalaga.
"Hindi na talaga ako makikipag-blind date kahit na kailan," aniya sa sarili.
Nagtungo si Tasia sa kusina kung saan naroon na rin ang dining table kung saan siya kumakain. Isa-isa niyang inilabas ang laman ng dalawang supot na dala niya. At nang buksan niya mga lagayan na lahat ay nakalagay sa transparent na Tupperware ay nakaramdam kaagad siya nang pagkalam ng sikmura.
Ngunit napakunot ang noo niya nang makita ang pahabaang kahon na kaisng laki ng lagayan ng cake box. Hindi iyon transparent.
"Parang wala naman akong naalalang may iba pa akong in-order," aniya habang sinisipat ang laman ng mga tupperware. Naroon ang adobong manok special, ang beef broccoli at ang chicken pasta ng in-order niya kahit ang lemon juice at dalawang serving ng rice na nakabalot din at nakahiwalay sa mga ulam. Napakunot ang noo ng dalaga. At saka nagkibit-balikat na binuksan ang cake box.
Napanganga pa siya at natakam nang makitang cake roll ang naroon at chocolate ang flavor. Handan a sana siyang kudlitan ang chocolate ganache niyon nang may marealized bigla.
"Kasama kaya 'to sa binayaran niya? Libre kaya 'to o gusto niyang bayaran ko siya bukas? Baka gusto niya akongi-test kung scammer ba akong talaga?" Maraming tanong ang gumugulo sa isip ni Tasia. "Puwede ring nagkamali lang iyong crew sa restaurant, kawawa naman baka ginigisa na siya ngayon ng boss niya at baka ikaltas pa sa sahod niya ang cake na 'to. Ah, 'di bale, bukas na bukas pupunta ako sa restaurant na iyon para bayaran 'tong cake na 'to."
Kumuha na si Tasia ng pinggan at mga kubyertos saka umupo sa dining table at nagsimula nang kumain. Habang kumakain ay hindi mawala sa isip niya ang pinagdaanan ng gabing iyon. Kota na siya sa takbuhan pa lang, nadumihan na rin ng bahagya ang inosente pa niyang mga mata dahil sa eksenang nadatnan niya sa restroom ng restaurant, napagbintangan na din siyang scammer sa gabing iyon, pero ang higit na nakagulantang sa kanya ay ang makita si Jude Moreno.
Napaingos si Tasia. "Baka namalikmata lang ako," pagkausap niya sa sarili. "Pero kasi kaboses din niya. Pero, baka nagkamali lang ako ng dinig." Napabintong-hininga ang dalaga. Itinuloy niya ang pagkain at nang maubos niya ang chicken pasta ay saka niya sinimulang kainin ang chicken adobo at ang isang serving ng kanin. "Hay, ewan. Basta sana hindi ko na siya makita."
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
RomanceTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...