NAG˗AALALA si Tasia dahil ilang araw na ang nakalipas ay hindi pa rin nagpaparamdam sa kanya si Chad kahit sa pamamagitan man lang ng pagte˗text sa kanya.
Ilang araw na rin siyang nasa loob lang ng kuwarto kung saan siya iniwan ni Chad at dinadalhan ng pagkain ng katulong na nagsisilbi sa kanya. At inaamin na ng dalaga na naiinip na talaga siya sa kalagayan niyang iyon. Kaya naman, naisipan na niyang lumabas na lang.
Lumapit si Tasia sa closet kung saan niya inilipat ang kanyang mga damit mula sa dalang travelling bag. Kinuha niya ang isang knee length peach summer dress niya at pumasok sa sariling banyo ng silid at naligo.
Alas otso pa lang ng umaga at gustong˗gusto na niyang maarawan. Nasasabik na siyang matamaan ng liwanag at sikat ng haring araw. Pakiramdam pa nga niya ay naninilaw na siya dahil sa kakulangan sa bitamina na ang sikat lang ng araw ang makapagbibigay sa kanya.
Matapos maligo ay dumeretso na siya sa labas ng silid niya. Hindi naman niya kailangang magpaganda pa dahil nagustuhan naman siya ni Chad sa pagiging mukhang probinsyana. Ngayon, habang wala pa ang binata ay gusto naman niyang maramdaman ang dating siya.
Ang pagiging anak ng isang mayamang pamilya. Ang maging si Anastasia.
Dala ang kanyang cellphone ay lumabas sa hardin ang dalaga at tumanaw sa napakaganda at punong˗punong bulaklak na hardin ng bahay na tinutuluyan niya.
Mula sa labas ay pinagmasdan din niya ang kabuuan ng bahay kung saan siya ilang araw nang nananatili.
Napakunot ang noo niya nang ma˗realized niyang parang nakita na niya iyon, pero hindi na rin naman kataka˗taka pa iyon dahil nanatili rin naman siya nang matagal sa La Paraiso, sa poder ni Mannag Rosario.
Humampas ang malakas na hangin sa mukha ni Tasia at mariin siyang napapikit. Napangiti pa siya nang maamoy niya ang mabangong samyo ng sariling buhok. Maoy na amoy niya ang ginamit na shampoo.
"Ang bango," sabi niya.
Ninanamnam ng dalaga ang masarap at sariwang hanging dumadampi sa kanyang balat, kaya naman hindi na niya namalayan pa ang paglapit ng kung sino sa likuran niya maliban na lang nang magsalita ito.
"Good morning. You want a coffee?" tanong ng boses ng isang lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Tasia. Pakiramdam niya ay natulos siya sa kinatatayuan dahil siguardo siyang pamilyar na pamilyar sa kanya ang boses na iyon ng nagsasalita.
"Miss?" tawag sa kanya ng lalaki.
Dahan˗dahang nilingon ni Tasia ang nagsasalita at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya kung sino ang nagmamay˗ari ng boses ng pamilyar na boses.
"Anastasia? Is that you?"
"J˗Jude..." Hindi nagawang igalaw pa ni Tasia ang mga paa at nanatili na lang sa kinatatayuan. Nagulat pa siya nang basta nilang bitawan ni Jude ang dalawang tasa ng kape na hawak sa magkabilang kamay at malaglag iyon sa pathway kung saan ito nakatayo.
At mas ikinagulat pa ng dalaga ang ginawang pagyakap sa kanya ng binata.
"Oh God, Anastasia!" buong˗buo ang boses ni Jude habanag sinasabi iyon at para itong nakahinga nang maluwag. "Good to see you safe and sound. Pinag˗alala mo ako."
Pagkaraan ng ilang sandali ay natauhan si Tasia at itinulak niya palayo sa kanya ang lalaki. "Huwag mo nga akong yakapin! Ang kapal naman ng mukha mo para yakapin akong lalaki ka!" pasigaw na sabi niya.
"Hey, Anastasia!" malakas din ang boses na sabi ng binata.
Tumaas ang kilay niya. This is really the Jude, I know. Hindi patatalo sa lakas ng boses ko...
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
RomanceTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...