CHAPTER 42

45 3 0
                                        

Author's Note: As I promised, chapters update today. Thank you for comments and stars. Happy reading to you guys!

MALAYO pa ang sasakyan ni Tasia sa mansyon ay kitang˗kita na niya ang kulay itim na van na nakaparada hindi kalayuan sa bahay nila.

Dalawang beses na nagpunta noon doon si Tasia nang malamang niya sa dating mayordoma ang nalaman nito tungkol sa kanilang abogado, kaya naman sigurado siyang ang sasakyang din iyon ang nakita niya noon. Kasama na ang dalawang lalaking naroon na parehong nakasuot ng sunglasses.

Well, for sure they will have a celebration now that they would see me, komento niya sa isip. Lumingon siya sa kotseng nakasunod sa sinasakyan niya. Napangiti siya.

Mayamaya pa ay pumarada na sa harap ng mansyon ang kotse niya na ang driver ay si Jude.

"Are you really sure about this Anastasia?" he asked again for a couple of times now since they rode that car from La Paraiso.

"Yes," she nodded in a firm voice.

Isa sa mga nakasakay sa kotseng nakasunod sa kanila ang bumaba para buksan ang gate ng bahay. Hindi na ito bumalik pa uli sa loob ng sasakyan at sa halip ay nagsimula na sa assignment nito. Ang maging guwardiya sa gate ng mansyon ng mga Soriano. Muling umandar ang makina ng kotse niya pumasok sa loob ng bakuran ng lupain ng mga Soriano. Ipinarada ni Jude ang kotse sa harap ng bahay at sabay silang bumaba roon.

Habang naglalakad papasok sa loob ng bahay ay muling nagsalita si Jude. "You can change your mind, you know?"

"I won't," she answered.

"Whatever. No matter what we're on you're back."

"No, Jude. I have my bodygurads. You? You should go back to Jamie."

"What?" Jude stopped on walking for her to stop as well. "Hindi ito ang napagkasunduan natin nina Chad─"

"Alam kong hindi siya papayag kaya hindi ko sinabi," paliwanag niya.

"This is insane. Do you know that, right?" Jude said with unbelief written on his face.

"Not really," pagkikibit˗balikat lang ni Tasia.

"Pareho kayo ng kakambal mo. Matigas ang ulo," salubong ang mga kilay at kunot na kunot ang noo ni Jude na namaywang pa.

Tasia smiled at him. "We're Sorianos, that's why."

Nagsimula na siyang muling maglakad. Pagkapasok sa mansyon ay kaagad siyang umakyat sa ikalawang palapag. Sa library ang direksyon na pakay nila ni Jude. Naroon na sina Attorney Gonzales, ang family lawyer nila at si Manang Rosario na ini˗hire niya uli para mag˗asikaso sa mga pangangailangan ng mansyon ngayong babalik na siya roon.

Kasunod naman niyang umakyat sa ikalawang palapag si Jude. Sigurado siyang sasabihin nito kay Chad ang plano niya, subalit hindi iyon ang inaalala niya sa mga oras na iyon. Inaalala niya ang kakambal na naiwan sa La Paraiso at ang anak nitong hindi pa nila nakakasama.

Anastasia came back with a plan. Pabubuksan niya ang kaso ng mga magulang at alam niyang ganoon din ang gagawin ni Chad sa kaso ng namayapa nitong asawa. Dahil doon, pareho silang magiging abala. Siguro nga ay hindi papayag ang binata sa gagawin niyang pagpapabalik kay Jude sa La Paraiso, pero naniniwala pa rin siyang matalino ito para hindi maintindihan ang gusto niyang mangyari.

Kailangang may magprotekta sa kakambal niya, ibig sabihin ay kailangan nilang ilayo sa mata ng mga taong naghahanap sa kanila ni Jamie ang kaibigang si Jude upang malaya itong makagalaw nang walang makakapansin. At sa oras na kailanganin na nila ang witness na sigurado si Tasia na hindi imposibleng mangyari ay ilalabas nila si Jamie para tumestigo at magsampa ng sarili nitong kaso laban sa mga salarin.

COLD STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon