CHAPTER 18

33 2 0
                                    

GISING pa si Tasia nang ligpitin ni Chad ang pinagkainan nilang dalawa ng dalaga. Tahimik lang itong nakaupo sa ibabaw ng kama at naglalaro ng games sa cellphone nito base na rin sa naririnig niyang tunog niyon.

Nang matapos siya sa ginagawa ay nakita niyang nakahiga na si Tasia sa ibabaw ng kama at wala sa ayos ang pagkakahiga nito, walang malay at nakabukas pa rin ang cellphone.

Nakakaramdam ng guilt na nilapitan niya ang dalaga at inayos ang pagkakahiga ng dalaga kapagkuwan ay hinagkan niya ang noo nito, kasunod ang kanyang pagbuntong-hininga.

Naalala niya nang kausapin niya ang kaibigang si Jude nang umaga lang din na iyon...

"I have a favor to ask from you," aniya sa kausap sa kabilang linya.

"Well, that's strange, but what is it?" sagot ni Jude sa kanya.

"Where are you now?" he asked.

"Manila, why?"

"Kailan ka babalik sa bahay mo sa La Paraiso?"

Sandaling hindi nagsalita ang kaibigan at pagkaraan ng wala pang dalawang minutong pag-iisip ay saka ito sumagot. "One week, I guess. Ano'ng kinalaman nito sa pabor na hihingin mo sa'kin, bro?" Bakasa sa boses ng kaibigan ang pagtataka.

"I want to use your house and I want you to take good care someone for me, while I'm in this mission you asked me to do," he replied.

"Oh, I see. Kailan mo ba siya dadalhin sa bahay ko?"

"Tonight."

"Okay, nandoon ang mga pinagkakatiwalaan kong tao sa malaking bahay," sabi ni Jude. "Mukhang makikilala ko na ang special someone mo once na makauwi na ako."

"Reminder, Jude, don't you dare touch her or I , myself will kill you," he threatened his friend.

Tumawa naman ang nasa kabilang linya na parang aliw na aliw sa kanya. "Don't worry, Chad. Hindi ako tumatalo ng kaibigan. Isa pa, if that's woman of yours is really loves you, she will never ever find me attractive."

Hindi na niya pinatulan pa ang mga sinabi ng kaibigan. The least he can think of now is to make Tasia's safe while looking for his assignment: The girl on Jude's past.

Napabuntong-hininga si Chad. Ayaw sana niyang iwan si Tasia sa lugar na wala itong kakilala at mas lalong wala siyang balak na ipaalaga ito kay Jude, pero dahil wala siyang puwedeng pag-iwanan sa dalaga ay wala siyang choice. Kailangan niyang bilisan ang paghahanap sa nawawalang ex-girlfriend ng kaibigan na nasa panganib, bago pa makabalik sa bahay nito sa La Paraiso ang lalaki.

Mahirap na, masyado pa naman iyong matinik sa mga babae. At hindi niya gustong isaalang-alang ang damdamin ni Tasia sa kanya. Ni hindi pa nga ito nagsasabi ng I love you sa kanya.

She's his. At hindi siya papayag na may kumuha rito mula sa kanya.

Mabilis na inayos ni Chad ang mga gamit ng dalaga pati ang cellphone at bag nito at dinala sa loob ng kotse niyang nakaparada lang sa labas ng apartment. Nang makabalik sa loob ng tinutuluyan ay binuhat niya si Tasia at dinala sa passenger's seat ng kotse. Sinuotan rin muna niya ito ng seatbelt at inayos ang pagkakahiga nito sa upuan para hindi lumaylay ang ulo. Hindi niya gustong sumakit ang batok ng dalaga dahil sa ginawa niya. Sa kalagayn kasi nilang iyon, daig niya pa ang kidnapper, at napapangiwi siya sa tuwing naiisip niya iyon.

Nang maisaayos na niya ang dalaga ay lumipat na siya sa driver's seat. Paalis na sila nang mapansin niyang mahuhulog na ang salamin sa mata ni Tasia kaya naman kinuha niya iyon at isinabit sa suot nitong sando, sa gitnang dibdib nito. At habang ginagawa niya iyon ay hindi niya mapigilan ang sariling mapatingin sa bahagyang nakaawang na mga labi ni Tasia.

COLD STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon