A/N: Sa lahat ng nagbabasa ng aking akda mula sa MSR page hanggang sa Booklat at Wattpad. Maraming salamat po sa inyong patuloy at matiyagang paghihintay ng updates kahit hindi consistent at hindi everyday update.
Ang chapter na ito ay idine-dedicate ko po sa mga nagbabasa ng kuwentong ito dito sa wattpad kabilang na sina: @kentdrewack, @izzybaes, @GeraldineGalgo8, @pinedaenajh,@beeljoy at @Mkatesmile. Maraming-maraming salamat po sa inyo!
"HELLO?" sagot ni Tasia sa kanyang cellphone matapos tanggapin ang incoming call galing kay Chad.
Alam na ng dalaga kung bakit ito tumawag sa kanya. Nilapitan kasi siya ni Atty. Imperial para sabihing tumawag dito ang binata at inaalam kung bakit sa halip na si Jude ay ito ang kasama niya.
"Bakit mo pinabalik si Jude sa La Paraiso?" tanong ni Chad sa kabilang linya.
Nakaupo si Tasia sa lounge chair habang nakatapis ang pang˗ibabang bahagi ng katawan niya ng manipis na tela. Bahagyang natuyo na rin siya at ang kanyang suot na two piece nang umahon siya sa swimming pool. "Hindi mo ba tinanong si Jude? Saka tinawagan mo na rin si Atty. Imperial, hindi ba?"
"Atty. Imperial? Good. Just call him like that and don't be informal," biglang sabi ng binata na nariringgan niya ng pagkatuwa sa tinig.
"Are yous jealous, Chad?" tanong niya.
"Yeah! Luke is a good˗looking guy, Tasia. And you're not the manang before─"
"You're more handsome than him so I don't bother myself to look at him," putol niya sa sinasabi nito. "Saka bakit ang possessive mo masyado? Di 'ba cool off tayo?"
"Tasia─"
"Joke lang!" sabi niyang tumawa. Narinig niya kasi ang marahas na paghinga ng binata. "I know, Chad. Huwag kang mag˗alala, okay? Just trust my heart. Let's finish this as soon as we can so we can back to each other."
"I'm sorry, Tasia," Chad's voice became sadder. "Sorry for making you wait for me to give you all myself."
"Nakuha na kita, Chad. At naiintindihan kong kailangan munang may magsarang libro bago tayo magbukas nang panibago para wala tayong pagsisihan. Are you back on your precint station now?" may pang˗unawang sabi niya sa lalaki.
"Yeah. I am back. But I missed you so much, Manang," malungkot na sabi ng binata. "Should I visit you on the mansion?"
Natawa na naman si Tasia kasabay nang pag˗iling niya. "No need, Mr. Cold Steel. Mabuti na iyong ma-missed mo ako ng sobra. Ang landi mo, ah!" Humagikhik pa ang dalaga. "Ba˗bye na!"
Hindi na niya hinintay pang makasagot ang binata at kaagad na niyang pinutol ang tawag. Tumayo na rin siya sa kinauupuan at pumasok sa loob ng mansion. Nakasalubong niya pa ang nakakunot ang noong si Luke.
"Miss Soriano don't make Chad jealous of me, okay?" Atty. Imperial told her.
Naningkit ang mga mata ni Tasia. "I don't. By chance, are you afraid of him?"
"Just don't. I love my life," and as the handsome lawyer answered her question, he left her without any goodbyes.
"Palagay ko, masamang magalit si Chad. Well, I like that," pabulong na sabi niya at umakyat na sa ikalawang palapag ng bahay para pumasok sa silid niya.
Pagdating sa kanyang kuwarto ay kaagad na nagbanlaw ang dalaga at nagbihis. Suot niya ang isang kulay pulang dress na hapit sa kanyang katawan na hanggang tuhod ang haba. Tinernuhan niya iyon ng itim na close shoes at may tatlong pulagadang takong.
Naglagay lang ang dalaga ng light make up sa kanyang magandang mukha at pinatuyo ang kanyang basang buhok at hinayaan na lang iyong nakalugay matapos suklayin. Lalabas siya ng mansyon. Gusto niyang malaman kung ano ang balak gawin o kung ano ang laman ng isip ng mga nagbabantay sa labas ng mansyon nila.
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
RomanceTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...
