CHAPTER 30

58 4 0
                                        

HINDI alam ni Chad kung ano ang isasagot sa tanong na iyon ng kaibigan, kaya tumayo na lang siya mula sa pagkakasalampak sa semento at kinuha ang susi ng kotse niya na nahulog niya nang suntukin siya ni Jude.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Jude sa kanya.

"Syota na ba kita ngayon para alamin mo lahat ng gagawin ko, Jude?" may himig pang˗aalaskang tanong niya.

"Crazy big man," sarkastiko namang sabi ni Jude sa kanya. Tumayo na rin ito at ipinagpag ang puwitan ng suot nitong pantalon. "Puntahan mo muna si Anastasia bago ka umalis. Nandoon siya bahay, sa kuwarto na ginamit ninyong dalawa."

Hindi kumibo si Chad, sa halip ay binuksan niya ang pinto ng kotse. Pero bago pa siya makapasok sa loob ng sasakyan ay nagsalita uli si Jude.

"Puntahan mo muna si Anastasia, Chad. Nag˗aalala ako sa kanya dahil ito na ang pangalawang beses na nawalan siya ng malay ngayong araw─"

"What are you saying?" he asked. His brows narrowed for what he heard. "Ano'ng pangalawang beses na nawalan ng malay?"

"Kanina noong tinawagan kita para bumalik na rito sa La Paraiso, nag˗collapsed siya sa kaiiyak. Kanina pagkatapos nilang mag˗usap ni Jamie, nawalan uli siya ng malay."

"What? Tumawag ka na ban g doktor?" nag˗aalalang tanong niya.

"Noong unang beses siyang nag˗collapsed. Ngayon, hindi na."

Dahil sa labis na pag˗alala para sa nobya, kinuwelyuhan ni Chad si Jude. "Bakit hindi ka tumawag ng doktor? Tumawag ka nan g doktor ngayon para mapatingnan siya."

"Bitiwan mo nga ako," sabi ni Jude at pilit na kumawala sa kanya pero tinatagan ni Chad ang mga braso. "No need to call o doctor, Chad. Just go to her and see her. Ikaw lang ang kailangan ni Anastasia."

Walang sabi˗sabing binitiwan ni Chad ang damit ng kaibigan at sumakay sa kotse. Kaagad niyang pinaandar ng makina niyon at pinaharurot paalis sa parking lot ng bar na iyon.

Hindi na muna niya iisipin ang relasyon ng nobya sa tumakas na testigo sa pagkamatay ng asawa niya. Ang importante ay maging maayos ang kalagayan ng dalaga. At para makatiyak siya na maayos ang lagay nito ay nagmaneho siya pabalik sa bahay ni Jude.

Nang maiparada na niya ang sasakyan sa garahe, mabilis siya lumabas at malalaki ang mga hakbang na umakyat sa ikalawang palapag. Malapit na siya sa kuwartong inuokupa nila ng nobya nang makita niyang lumabas mula doon si Jamie. Pareho silang natigilan.

Walang ekspresyon ang mukhang nilampasan niya ito nang lumapit ito sa kanya, pero huminto rin siya sa pagpasok sa kuwarto nang magsalita ito.

"Okay na si Anastasia. Gising na rin siya," sabi ng babae.

Hindi nagsalita si Chad para sagutin ang babae. Walang kibong pumasok siya sa loob ng kuwarto at nakita niya ang nobyang nakaupo at nakatitig lang sa kawalan.

"Manang," tawag niya. Ah, he missed to call her that endearment.

Narinig naman siya nito at bumaling ang atensyon sa kanya. "Mr. Cold Steel."

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya sa dalaga. Naglakad siya palapit dito at pagkatapos ay naupo rin sa kama sa tabi nito.

"Okay na. Stress lang din siguro. Iyon kasi ang sabi ng doktor kaninang umaga," sagot ng dalaga. Hindi ito ngumingiti habang nagsasalita. Umiiwas din itong salubungin ang mga mata niya.

"Kumusta ka habang wala ako? Nagalit ka ba na iniwan kita rito sa bahay ng ex mo?" tanong niya.

Bigla namang tumingin ng masama sa kanya ang nobya. "Nakakainis ka," anito na hinampas siya, "bakit kasi hindi mo sinabi kung nasaan tayo at kung kaninong bahay 'to. Eh di sana, nakapaghanda ako."

COLD STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon