CHAPTER 24

29 3 1
                                    

MABIBILIS ang naging mga paghakbang ni Tasia papunta sa silid na inuokupa niya sa ikalawang palapag ng bahay. At nang makarating siya sa silid ay kaagad siyang pumasok at isinara ang pinto pagkatapos.

Nang maisara niya ang pinto ay nanatili siya sa tapat niyon at saka sumandal. Itinaas ni Tasia ang isang kamay sa tapat ng kanyang kaliwang dibdib upang pakiramdaman ang sarili niya.

Inhale. Exhale. Paulit˗lit niya iyong ginawa sa hindi niya mabilang kung ilang segundo o kung naging minuto.

"Ano ba'ng nararamdaman ko?" tanong niya sa sarili kapagkuwan. Ang kamay niyang nakalagay sa tapat ng kanyang puso ay mas pinag˗igi niya ang pagkakalapat sa kanyang dibdib. "Mabilis ang tibok ng puso ko, pero hindi ako na˗excite nang makita siya. Actually, bukod sa pagkagulat at pagkainis wala na akong nararamdaman," sabi niya pa, "ibig sabihin ba ay naka˗move on na ako sa kanya?"

Humugot si Tasia nang malalim na buntong˗hininga. Ibinaba na niya ang kamay at hinayaang iyong mahulog sa magkabilang gilid niya.

"Bakit ba kasi niya ako ipinahanap? May utang˗na˗loob pa yata ako sa kanya dahil nagkaroon ako ng mas matinong boyfriend─" Natigilan si Tasia sa sinasabi kasabay nang pag˗iisip. "Parang may mali sa iniisip ko." Napapalatak pa siya at saka naglakad papunta sa couch. Isinandal niya ang ulo sa headrest ng sofa at tumitig sa kisame. "Wala akong utang˗na˗loob kay Jude. First of all, malaki ang paniniwala kong nagkakilala na kami ni Chad bago pa siya umeksena. Pangalawa, wala siyang kinalaman sa relasyon at pagkikita naming dahil nagkamali siya nang binigay na picture sa boyfriend ko. At pangatlo, sadyang malandi lang si Chad at nagpalandi naman ako dahil marupok ako kaya naging kami," aniyang napapailing. "Isa pa, pinatutunayan pa ni Chad ang sarili niya sa akin hanggang ngayon. At nanliligaw pa siya para magustuhan ko siya."

Ngunit nagsalubong ang mga kilay ni Tasia kapagkuwan. Bumalik sa isip niya ang araw na nagtapat sa kanya ang binata at ang oras din na isinuko niya ang sarili niya rito.

"Nakakainis!" sigaw niya sa loob ng kuwartong iyon. "Bakit ba kasi ang rupok ko? Tapos, ang guwapo pa ng Chad na iyon? Unfair!"

Mayamaya pa ay nanahimik na si Tasia. Hindi niya gustong guluhin ang isip niya nang pagkikita nilang dalawa ni Jude sa sarili nitong bahay nang wala siyang kamalay˗malay.

Napabuntong˗hininga siya at saka inalala ang sinabi ng dating nobyo na ipinahahanap siya nito. At nagkamali ang binata ng larawang inilagay sa envelop na sinasabi nitong ibinigay sa nobyo niya.

"Kung picture ni Jamie iyong nasa envelop, ibig sabihin ay si Jamie ang hinahanap ni Chad?" mahinang tanong niya sa sarili. Napapitik pa siya sa hangin nang mapagtanto niyang iyon nga malamang ang nangyayari. Kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa couch at saka mabilis na nilapitan ang sling bag niya. Pero bago niya iyon buksan ay minsan pa niyang idinayal ang numero ni Chad. Ni hindi man lang iyon nag˗ring. "Bakit kasi kailangang naka˗off ang phone niya?"

Ipinatong ni Tasia ang cellphone sa ibabaw ng drawer at saka pinagtuunan ng pansin ang sling bag niya. Hinanap niya ang sulat na iniwan sa kanya ni Jamie. Nang makita niya iyon ay naupo siya sa ibabaw ng malambot na kama na lumundo pa nang ganap na niyang maipasa roon ang bigat niya.

Binuksan ni Tasia ang nakatiklop na papel at saka iyon binasa...

Dear Anastasia,

Sis, I am sorry.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagsulat sa'yo, pero naisip ko na dapat muna akong mag˗sorry sa'yo. Sorry dahil mag˗isa ka lang ngayon. Mag˗isa ka at hindi man lang kita madamayan sa pagkawala ng mga magulang natin.

COLD STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon