CHAPTER 29

43 2 1
                                        

UMIIKOT ang paningin ni Chad nang makarating sa pinangyarihan ng krimen at makita ang halos hubad, puno ng pasang katawan at duguang katawan ng asawa.

"Sir Chad," tawag sa kanya ng kasamang kapwa pulis na si Officer Tadeo.

Hindi sumagot si Chad sa pagtawag na iyon ng kasama niya, sa halip ay hinawi niya ang mga taong nakikiusyoso at pumasok sa restricted area kung saan, nakahandusay ang kaawa˗awa niyang asawa.

Nanghihina ang mga tuhod na napaluhod si Chad sa tabi ni Clouie, wala sa sariling inabot niya ang pulsuhan nito, nagbabakasakaling may maramdaman pa siyang pulso. Ngunit bigo si Chad. Wala siyang maramdaman kahit kaunting pulso sa asawa.

Nanlalaki ang mga mata, awang ang mga labi na pinagmasdan ni Chad si Clouie sa harapan niya. Ang maganda niyang asawa... "Imposibleng mangyari 'to. Nagkakamali lang ako ng tingin, kamukha niya lang ang babaeng ito," aniya sa isip.

Sa nanginginig na mga kamay, kinuha ni Chad ang cellphone niya at kaagad na idinial ang cellphone ng asawa ngunit hindi na iyon makontak. Ilang ulit niyang tinawagan ang numero ng asawa ngunit hindi niya na iyon matawagan pa.

Ilang sandali pa ay may lumapit na kasamahan niya sa trabaho at tinakpan ng putting kumot ang hubad na katawan ng babae.

"Officer Richard Sanchez," tawag sa kanya ng isang lalaki. Kilala niya kung sino iyon. Si Martin Roblez, isa ring pulis at kasama niya sa iisang presinto. May inabot ito sa kanyang pulang wallet. "Wala ng lamang pera ang wallet na ito, maliban sa mga I.D ng biktima."

Nanginnginig ang mga kamay na inabot niya iyon. Hindi magawang magsalita ni Chad ngunit pipi siyang nananalangin na mali siya ng hinala. Ngunit tila pinagkakaisahan si Chad ng pagkakataon, dahil ang wallet na hawak niya ay katulad na katulad ng iniregalo niya sa asawa bago sila ikinasal.

Malakas ang tibok ng kanyang puso, binuksan niya ang wallet at tumambad sa paningin niya ang walang sampung pirasing I.D na nasa loob. Hinugot niya ang isa at binasa.

Pinaglalaruan lang ako ng paningin ko, sabi niya sa isip nang makita niya ang pangalan ng asawa sa I.D. Hindi pa nakuntentong hinugot niya ang dalawa pang I.D ngunit pareho lang ang nakasulat.

"Sir Sanchez," tawag sa kanya ni Officer Tadeo na sumunod pala sa kanya, "it's confirm. This is the body of Mrs. Clouie Ramirez˗Sanchez."

Nabitiwan ni Chad ang hawak na mga I.D at pakiramdam niya ay nawalan ng lakas ang kanyang mga binti at tuhod na bumagsak siya sa madamong lugar na iyon.

Naroon sila sa madilim na bahagi ng parke, ilang kilometro ang layo sa supermarket. Mahapdi na ang mga matang hindi na napigilan pa ni Chad ang tumulo ang luha. Walang buhay, may takot at kahalong galit ang nararamdaman ni Chad nang bumaling ang paningin niya sa nakatakip na ng kumot na katawan ni Clouie.

"A˗Ano'ng nangyari?" mahina ang boses na tanong niya. Walang lakas na gumapang siya palapit sa katawan ng asawa. "A˗Ano'ng nangyari? Bakit nangyari 'to?"

"Sir─"

"Ano'ng nangyari sa asawa ko? Bakit? Sino'ng may gawa nito kay Clouie?!" magkahalong galit at paghihinagpis na sigaw niya. Hindi na naitago pa ni Chad ang emosyon niya at niyakap ang katawan ng asawa kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha─ dahilan para lumilis ang nakatakip ditong kumot.

Nang matanggal ang kumot na nakatakip sa mukha ng asawa ay halos mabaliw si Chad sag alit. May sugat ang ulo ni Clouie na maaaring dahilan ng naging pagkamatay nito. May sugat din ang magkabilang gilid ng mga labi nito at may bakas ng kagat sa leeg na parang pinanggigilan ng kung sino'ng walang kaluluwang gumawa nito sa asawa niya.

COLD STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon