A/N: Nakarating na tayo sa Chapter 15 ng kuwentong ito nina Tasia. Sigurado ako na iyong iba sa mga nagbabasa nito, naagtataka o kaya naguguluhan kung saan papunta ang kuwento. Kalma lang po, kahit ako hindi ko rin alam kung saan taayo papunta. Hahaha joke lang po!
But one thing is for sure, marami pa tayong aabangan. Marami pa tayong matutuklasan. and I won't end this story soon. unti-unti pa lang na na-dedevelop ang characters ko. At marami pa akong plano sa kanilang dalawa. May mga revelations pa na hindi ko pa alam kung kailan ko ibibigay sa inyo. May mga emotions pa na hindi ko maibuhos.
And I also want to take this privilege to say 'THANK YOU' sa inyo kasi from MSR, sinasamahan ninyo pa rin po ako dito sa Wattpad at pati sa Booklat.
Updates will be seen on my facebook page: Blue Fortes or you may visit me on my facebook account: Celes Alejandro.
Maraming salamat po! Enjoy reading! :)
CHAPTER 15
"OUCH!" mahinang daing ni Tasia. Nasagi kasi ng mga kamay niyang mahilig humawak sa mukha niya ang salaming suot-suot.
Sandaling iniikot ni Tasia ang mga mata sa paligid para tingnan kung nasaan siya dahil parang sandaling nagkaroon ng ulap ang kanyang mga isip sanhi nang pagtulog. Puting kisame at halos walang lamang gamit ang silid na kinaroroonan niya,
Apartment. Nang ma-realized ng dalaga kung nasaan niya ay napalikwas siya ng upo sa ibabaw ng kamang gamit at kaagad na hinanap ng mga mata niya ang kasama.
"Chad?" tawag niya sa binata ngunit hindi niya ito makita. Tumayo si Tasia mula sa kama at nagtungo sa malapit lang namang banyo. Itinula niya ang pinto niyon ngunit nakabukas iyon at walang tao sa loob. Sumilip si Tasia sa labas ng bintana, wala rin doon si Chad. "Nasaan kaya iyon?"
Lumapit si Tasia sa bag niya at napansing wala na roon ang papel na pinaglistahan niya ng mga bibilhin para sa apartment. Kaagad na naalala ni Tasia na mamimili ang binata kung kaya maaari itong magtagal sa labas. Napaisip pa siya kung ilang oras na itong wala sa apartment. Kaagad niyang kinuha ang cellphone para doon tingnan ang oras, isang oras rin pala siyang nakatulog, sa madaling salita maaaring may isang oras na rin nang umalis ang binata.
Kaagad na kumuha ng damit na pamalit si Tasia sa dalang traveling bag at nagpalit ng suot. Blue long-sleeves blouse ang isinuot niya at tinernuhan nya ng mahabang black square pants at rubber shoes nakulay itim rin. Suot pa rin niya ang salamin sa mga mata para manatili ang pagdi-disguise niya. Sukbit sa balikat ang sling bag kung saan naroon ang cellphone at wallet niya ay lumabas siya ng apartment. Babalik siya sa mansyon ng kanyang pamilya.
Nag-aalala si Tasia na baka naroon ang mga lalaking nagbabantay sa labas ng mansyon ngunit humahawak pa rin siya sa pag-asang baka sakali naman ay makalusot siya.
Kaagad na nagbyahe si Tasia papunta sa village kung saan naroon ang mansyon at pagkatapos ay tiningnan niya ang cellphone at pasimpleng naglakad at sumabay sa mga taong naglalakad lang rin papasok sa loob ng village para hindi mapansin ng mga guwardiyang nagbabantay sa gate.
Alas tres y medya nan g hapon. Bahagyang mataas pa rin ang araw ngunit hindi na masyadong nakapapaso sa balat. Oras nang pagpapahinga at pagmemeryenda ng mga trabahador.
Ilang malalaki ngunit mababagal na paghakbang ang ginawa ni Tasia hanggang sa makarating sa pinagkublihan niya nang nagdaang gabi. Walang tao sa labas ng mansyon ngunit kailangan pa rin niyang mag-ingat dahil baka naglalakad-lakad lang ang mga lalaking ginawa na yatang tambayan ang labas ng mansyon nila.
Nag-isip si Tasia kung paano siya makakapasok sa loob ng mansyon nila nang mahagip ng mga mata niya ang maliit na gate na pantao sa kabilang gilid ng pader kung saan sila noon lumalabas ng mga katulong at ng kakambal kapag naglalakad-lakad sa palibot sa village.
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
RomanceTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...