MARAMING ginagawa si Chad sa restaurant niya na kailangan ng personal niyang pag-aasikaso kung kaya naman hindi maasikaso ng binata ang pakiusap sa kanya ng kaibigan niyang si Jude.
Nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Agad naman niya iyong sinagot nang hindi na tintingnan pa ang caller I.D ng tumatawag sa kanya.
"Hello?" sagot niya sa tawag.
"Bro, kumusta? Nasimulan mo na ba ang paghahanap sa ex ko?" Agad na tanong ng nasa kabilang linya.
Agad na nahinto si Chad sa ginagawang pagtipa sa harap ng laptop niya. Nasa loob kasi siya ng opisina niya sa loob mismo ng restaurant at gumagawa ng bagong layout para sa magiging theme ng negosyo niya dahil magpapasko. Kailangan pa rin naman niyang makisabay sa uso para mas kumita ang pag-aari niyang restaurant.
"Ikaw pala, Jude," aniya kapagkuwan. "Sorry but I didn't started anything yet."
"Why?" Kahit hindi nakikita ni Chad ang kaibigan ay hindi maikakaila sa boses nito ang pagkadismaya sa naging sagot niya. "Look, Chad, if you think I am not serious when I asked you to find my ex believe me, I am really serious about it."
"Sino ba'ng nagsabing hindi ako seryoso nang tanggapin ko ang pakiusap mo? I'll lost a hundred thousand from you if I let it go. Hindi libre ang serbisyo ko," seryosong sagot niya at sumandal pa sa swivel chair.
"Kung seryoso ka rin naman pala, bakit hindi mo pa nasisimulan ang paghahanap sa kanya?"
"I am busy here in the restaurant, you know. Hindi ko basta puwedeng ipagkatiwala kung kanino lang ang mga bagay na ako lang din naman ang nakakaintindi. So, if this woman is not that much really urgent, please atleast let me do my things first." Hindi gusto ni Chad na minamadali siya kahit pa nga mga kaibigan niya iyon.
If his friends are busy on their own businesses, so was he. Sobrang halaga sa kanya ng restaurant na iyon kaya hindi niya iyon pababayaan kahit na ano'ng mangyari.
"She's in danger, Chad." Seryosong sabi ni Jude.
"What do you mean, your ex-girlfriend is in danger?" Nagsalubong ang mga kilay ni Chad dahil sa labis na pag-aalala.
"Basta. Just find her and keep her safe hanggang sa magkita kaming dalawa at pagkatapos, ako na ang bahalang mag-alaga sa kanya." Sa halip ay sabi ng kaibigan.
Nagtataka si Chad sa kung ano'ng klaseng panganib ang tinutukoy ni Jude na nakaabang sa dati nitong nobya. Ngunit kung gayon nga ang kalagayan ng babaeng ipinahahanap nito ay kailangan na niyang simulant ang paghahanap dito. Muling binalingan ni Chad ang laptop niya at itinuloy ang ginagawang layout para sa theme ng restaurant niya.
Pagkatapos niyon ay may mga papeles pa siyang dapat asikasuhin at kailangan rin niyang ayusin ang payroll ng mga tauhan niya pati na rin ang mga bonus ng mga ito.
Napatingin si Chad sa orasan sa itaas ng pintuan sa loob ng opisina niya. Mag-a-ala una na ng madaling-araw at may ilang papeles pa siyang kailangang pirmahan.
Sanay sa puyatan si Chad dahil isa siyang pulis, iyon nga lang ay kinailangan niyang magbakasyon at mabuti na lang ay inaprubahan iyon ng chief officer niya at naiintindihan nito ang dahilan niya. Minasahe ni Chad ang kanyang nananakit ng batok dahil sa kababasa ng mga papeles. Isa iyon sa kung tutuusin ay pinakaayaw niyang trabaho. Ang tumitig sa monitor at magbabad sa radiation.
Kahit na siya ang may gustong magbakasyon muna mula sa trabaho ay hindi niya maiwasan ang kapanabikan pa rin ang aksyon ng pagiging pulis.
Mayamaya pa ay napabuntong-hininga na lang ang binata. Eksaktong huling papel na lang ang kailangan niyang pirmahan. Matapos basahin ang dokumento ay agad niya iyong pinirmahan, ang mga papeles na iyon ay wala nang kinalaman sa restaurant niya kundi tungkol sa mga negosyo niya sa probinsya.

BINABASA MO ANG
COLD STEEL
RomansaTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...