CHAPTER 38

46 4 0
                                        

"SIRAULO."

Ngumisi si Chad nang marinig ang sinabing iyon ni Jude na ngayon ay nakasalampak na sa sahig ng VIP room at may maliit na sugat sa gilid ng labi. Sila na lang dalawa ang naiwan sa VIP room dahil iniwan na sila ng mga kaibigan pagkatapos silang pagtulungang suntukin. Bawat isa sa mga iyon ay sinuntok sila, pero ang pinakamalakas na suntok na natanggap niya ay galing kay Hugo.

Hindi niya makakalimutan ang mga sinabi nito bago ito lumabas ng silid na iyon:

Malakas na suntok ang pinakawalan ni Hugo na tumama sa sikmura ni Chad dahilan para mapadaing siya. Ni hindi niya nagawang lumaban sa kaibigan dahil hindi niya inaasahang gagawin nito iyon. Pagkatapos siyang bigyan ng malakas na suntok ay kasunod nitong nilapitan si Jude na binigyan din nito ng isang malakas na sapak sa mukha dahilan para mahulog ito sa kinauupuang stool sa harap ng counter.

Ikinagulat nilang lahat iyon, ngunit ang mas nakagugulat ay ang mga sumunod na sinabi pa nito.

"Kayong pito, ano pang ginagawa ninyo d'yan?" ani Hugo. "Bigyan ninyo ng tig˗iisang atake ang mga 'to, baka sakaling matauhan. Bilisan ninyo, ayokong pinaghihintay ako."

"Wait, what the hell are you trying to do?" tanong ni Jude na may galit sa boses. Tumayo ito at akmang gaganti ng suntok pero sinalubong na ito ng suntok galing kay Felipe na tumama sa sikmura nito.

At sunod˗sunod pang mga suntok sa bawat kaibigan nilang dumating. Hindi rin siya nakaligtas kahit na sumasangga siya sa bawat suntok ng mga ito sapagkat marami na siyang nainom na alak at bahagyang nahihilo na.

Sa ikalawang pagkakataon sa araw na iyon ay nagpasalamat si Chad na hindi kumpleto ang mga kaibigang dumating. Sa siyam na kaibigan ay walo ang sumusuntok sa kanila, mabuti na lang at may apat pa na wala sa bansa.

Pagkaraan pa ng ilang sandali ay kapwa dumadaing sina Jude at Chad na nakasalampak sa sahig at hindi makabangon. Sa isang iglap ay parang gusto niyang isa˗isahin ang bahay ng mga kaibigan kapag nahimasmasan na siya at bigyan ang mga ito ng dobleng suntok, makabawi man lang sa ginawa ng mga ito.

Pero naisip niyang walang patutunguhan iyon at hindi sapat iyon lalo't walong suntok ang natanggap nila ni Jude.

Mayamaya pa ay masamang tingin ang ipinukol niya sa lider ng grupo, kay Hugo Allegre.

"Sa kauna˗unahang pagkakataon, gusto kitang murahin, Mr. Allegre," aniyang sinikap iangat ang sarili at lumipat sa sofa para makaupo ng maayos."

Ngumisi lang naman ang lalaki, habang walang imik ang iba pa nilang kasama. "Really? Mumurahin mo lang ako?" tanong ni Hugo kapagkuwan. "For sure, hindi lang 'yan ang gusto mong gawin sakin ngayon. Baka nga gusto mo kaming ilibing ng buhay."

Umiiling na umungol siya bilang sagot.

"Bakit mo ba kami pinabugbog?" galit pa rin na tanong ni Jude. "Ano'ng problema mo? O siguro, mas magandang itanong kung ano'ng klaseng kaibigan ka?"

"Concern friend at righteous man, buddy," mabilis na sagot ni Hugo at naglakad na papunta sa pinto ng silid. Pero bago ito lumabas ay nilingon na naman sila. Salitan ang naging tingin ni Hugo sa kanilang dalawa ni Jude. "Pag˗isipan ninyong mabuti ang mga gagawin ninyo. Puwede namin kayong tulungang kunin ang hustisya, Chad, pero hindi namin kayo hahayaang maging kriminal. May tamang proseso ang mga bagay˗bagay."

Nagmura si Jude. "Sa mga gaya nating may mga impluwensya, alam nating walang batas para sa mga naaapi, Hugo," mariing sabi ng kaibigan. "At kung meron man, hindi magiging sapat 'yon."

"Mukhang wala ka pang natutunan sa mga naging pagsuntok namin sa'yo, Jude. Want more punches?" tanong uli ni Hugo.

At nagmura na naman si Jude, samantalang nanahimik naman si Chad habang pinagmamasdan isa˗isa ang mga kaibigan na lumalabas ng silid na iyon kasunod ni Hugo...

Kapagkuwan ay bumalik sa kasalukuyan ang isip niya nang marinig ang malakas na daing ni Jude.

"You want them dead?" tanong niya nang lingunin niya ito.

"Badly."

"Kaya tayo pinasuntok ni Hugo, eh, Siraulo ka kasi," aniya.

"At siya pa talaga ang kinampihan mo, ah," pinukol siya nito ng masamang tingin. "Tingnan mo nga 'tong ginawa niya sa mukha ko. Wala siyang konsiderasyon man lang."

"Akala ko ba loyal ka kay Jamie, bakit iniisip mo pa 'yang mukha mo?" tanong niya na naiiling.

"Dahil ayokong makita niya akong panget na, pare. Gusto ko guwapo ako sa harap niya palagi, baka sakaling magkagusto na siya sa 'kin ngayon," anitong tumayo na sa sahig at lumipat na sa katapat niyang sofa para doon maupo.

"Siraulo ka," aniya.

"Ikaw ba, hindi mo sila gustong mamatay na lang?" seryosong tanong nito. Walang dudang iniinda ng kaibigan ang mga suntok na natanggap mula sa mga kaibigan nila.

"I want them to pay. Pero, ayokong maging kriminal. Hindi gugustuhin ni Clouie 'yon, alam ko," sagot niyang ipinikit niya ang mga mata. Yeah, I know.

"Paano kung hindi natin makuha ang hustisya sa nangyari sa kanila? Habambuhay na magtatago si Anastasia. At habambuhay na magpapanggap na patay na si Jamie. I can't watch them like that, Chad."

Marahas na buntong˗hininga ang pinakawalan ni Chad saka muling nagdilat ng mga mata. Tiningnan niya ang kaibigan na nakatingin din pala sa kanya. Hinihintay ang magiging sagot niya.

"Kung makapangyarihan ang mga taong involved sa krimen, kailangan natin ng tulong ng grupo mo, Jude," aniyang ang tinutukoy ay ang mga kaibigang kaaalis lang. "Tama si Hugo. Concerned friend lang siya at righteous man. May koneksyon at may impluwensya rin ang bawat isa sa atin kaya may laban tayo. Hindi natin hahayaang makawala ang mga halang na bitukang mga 'yon." Sa bawat pagbigkas ni Chad ng mga salitang 'yon ay lumilitaw ang galit na nasa loob niya.

"Paano kung makalampas pa rin sila?" tanong ni Jude. Alam niya kung bakit nagkakaganito ang lalaki. Nakita nito ang listahan at hindi lang isa ang may malaking impluwensya roon kundi halos lahat.

"Magtiwala tayo sa batas," sagot niya. Pulis siya kaya gusto niyang maniwalang may hustisya pa rin hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo. Gayunman, alam niyang maliit ang tsansa niyon. "At kung sakaling hindi na katiwa˗tiwala ang batas, there's someone up above whose never blind on justice. I believe that."

"I've never told that you have that faith, Chad. But yeah, we can believe that," Jude nodded.

Yes. I believe that...

. . . B L U E F O R T E S . . . 

COLD STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon