CHAPTER 47

21 2 0
                                    

"LET'S BREAK UP." Nakita ni Tasia ang paulit˗ulit na pagkurap ng mga mata ni Chad habang nakatingin sa direksyon niya.

Kapagkuwan ay ipinilig nito ang ulo at tinalikuran siya habang ang kasama nitong kaibigang abogado ay nakatingin pa rin sa kanya habang salubong ang mga kilay.

"I think I already drink a lot," Chad said as he drink the last drop of liquor in his glass. "I imagining things right now."

Ipinilig din ni Luke Imperial ang ulo at katulad nang ginawa ni Chad ay tumalikod din ito sa direksyon niya. Parehong nakatingin na sa harap ng bar counter ang dalawang lalaki. Tumigil na sa pag˗inom si Chad, pero umiinom pa rin si Luke sa hawak nitong kopita.

"Hindi pa naman ako nahihilo," sabi ng abogado. "Ano ba'ng nai˗imagined mo, pare?" tanong pa nito sa kaibigan.

Nakita ni Tasia ang pag˗iling ni Chad at pagkatapos ay yumukyok ito sa ibabaw ng counter. "Narinig ko ang boses ni Tasia, Luke. Sabi niya mag˗break na raw kami."

Biglang lumingon sa direksyon niya si Luke pagkarinig sa sinabi ni Chad. Kumunot ang noo nito at muling nagsalubong ang mga kilay. "Pare, tagalog ba ang pagkakasabi sa 'yo ni Tasia na mag˗break na kayo?"

"Hindi. She said it in an elegant way in English," sagot ng binatang nakayuko pa rin. "Natatakot akong mawala si Tasia. Ngayon pa lang nanghihina na ako."

May kung ano'ng kumurot sa puso ni Tasia nang marinig ang sinabing iyon ni Chad. Punung˗puno ang boses ng binata nang magkahalong lungkot, takot at pag˗aalala. Pero, buo na rin ang desisyon niya. Kailangan nilang maghiwalay ni Chad para magawa nila ang mga dapat nilang gawin para sa mga taong iniingatan at pinahahalagahan nila.

"Did she said to drink everything you want here in her mini bar?" tanong uli ni Atty. Imperial sa kaibigan.

Nag˗angat naman ng ulo si Chad at nilingon ang kaibigan. "Paano mo nalaman?"

Pumalatak ang batang abogado at humarap kay Chad. Bakas sa mukha ang simpatya para sa kaibigan. "I'm afraid I witnessed something about you being dumped by Miss Soriano, just now."

"Ano'ng sinasabi mo?"

"I heard her say those things as well. You're not imagining things Sanchez. She's really asking you for a break up." Pagkasabi ni Atty. Imperial ng mga salitang iyon ay muli nitong ibinalik ang tingin sa kanya dahilan para muling tumingin sa direksyon niya si Chad.

Kunot na kunot ang noo ng binata. Puno nang pagtataka ang mukha at may bahid ng pagkainis ang nalalarawan sa mga mata nito. At nang makita siya ni Chad ay halos manlambot ang mga tuhod ni Tasia. Nakita niya ang gulat na reaksyon sa mga mata nito nang makita siyang nakatayo roon. Hindi ito kaagad nakapagsalita ngunit alam niyang pinoproseso ng lalaki sa isip nito ang mga sinabi ng kaibigan.

Hindi siya nagsalita at sa halip ay sinalubong niya ang mga tingin ni Chad hanggang sa naging malamlam ang mga mata nito at sumilay ang mga ngiti sa mga labi.

"Tasia, kanina ka pa ba d'yan?" tanong nito sa pinasayang boses. Kapagkuwan ay tumayo sa stool na kinauupuan at naglakad palapit sa kanya. Hinawakan nito ang magkabila niyang siko. "Tungkol kanina, I'm sorry I walked out on you. Masyado lang akong nag˗alala sa nangyari sa 'yo. You know, I can't lose you."

"I know and I understand," she said in a low voice. Pasimple rin siyang humugot ng malalim na hininga bago humakbang paatras at palayo sa binata.

"Tasia?" Kitang˗kita ni Tasia ang pagtataka sa mukha ng binata dahil sa ginawa niya.

"You're not imagining things, Chad. Like what Atty. Imperial had said, I am asking for a break up."

Ilang minutong natigilan si Chad habang nakatingin lang sa kanya. Humakbang ito palapit sa kanya ngunit humakbang din siya palayo rito. Mayamaya ay napapalatak ang binata. Inihilamos pa nito sa mukha ang dalawang kamay.

COLD STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon