"YOU may now kissed the bride." Anunsyo ng Pastor na nagkasal sa kanila ni Chad.
Malakas na hiyawan at mga pagsipol ang maririnig sa kabuuan ng malaking bakuran ng mga Soriano kung saan pinili nilang maging wedding and reception venue.
Napapalamutian ang paligid ng mga bulaklak na rosas. Sa gitna ng malaking bakuran ay naroon sila kung saan gumawa sila ng maliit na entablado na siyang nagsilbi nilang altar. Ang dalawang mahahabang mesa naman na nasa magkabilang gilid ang siyang nagsilbing pagitan para magkaroon ng aisle na nilagyan ng kulay pulang carpet na nilakaran niya nang magsimula ang seremonya.
Mabilis na naihanda ang lahat ng kailangan sa araw ng kasal nila. Tatlong buwan lamang at hayun na nga at inanunsyo na ng Pastor na mag-asawa na sila ni Chief Officer Richard Sanchez.
Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang nakatingin sa kanyang asawa na ngayong si Chad. Titig na titig din ito sa kanya na tila walang pakialam sa ingay ng paligid.
"Ano'ng iniisip mo?" tanong ni Chad.
"Wala naman. Naisip ko lang okay lang ba talaga na ikinasal tayo ngayon?" sagot niyang nagtatanong din.
Nagsalubong naman ang kilay ni Chad. "Tasia! Kasasabi mo lang ng 'I do' pagkatapos nag-aalinlangan ka pa rin?No. Hindi puwede iyan. Inanunsyo na kasal na tayo. Puwede na kitang halikan bilang asawa ko, wala nang bawian." Nagmamadaling sabi ni Chad at bigla na lang siyang hinila at saka siniil ng halik sa mga labi.
"Grabe!"
"Excited si Officer!"
"Hindi na makapaghintay ng gabi!"
"Naka-leave ka pre, hinay-hinay!"
Naririnig ni Tasia ang malakas na boses ng mga kaibigan ni Chad na inaasar ang binata. Kasabay nang mas malalakas na pagsibol at sigaw ng pagbati ng mga ito sa kanila.
"Congratulations Mr. and Mrs. Sanchez!" sigaw pa nila.
"Mabuhay ang bagong kasal!"
Makalipas pa ang ilang sandali ay pinakawalan na na Chad ang mga labi niya.
"Chad! Ano ka ba?" Humahagikhik na saway niya sa lalaki. Hindi naman ako nagdadalawang-isip, eh"
"Eh, bakit ganyan ka magtanong sa akin?" tanong muli nito.
"Kiss pa uli!" sigaw uli ng mga bisita nila.
"Kiss pa raw uli," nakangiting sabi ni Chad sa kanya. Tumaas-taas pa ng ilang ulit ang isang kilay nito na dahilan para matawa siya.
Hindi na rin naman hinintay pa ng lalaki ang sagot niya sapagkay muling siniil ng lalaki ang kanyang mga labi ng mas madamdaming halik. Nararamdaman niya ang mainit nitong hininga at mabangong amoy niyon na parang mint.
Habol ng dalang ang kanyang hininga nang pakawalan ng asawa ang mga labi niya. Ngumiti siya sa binata at buong puso niya itong niyakap, saksi ang lahat ng kanilang mga kaibigan at mga mahal sa buhay. Naroon din si Atty. Gonzales na kinuha nilang ninong sa kasal.
Nagpalakpakan ang lahat at minsan pa silang binati.
Ilang saglit pa ay nag-picture taking na sila kasama ang kanilang mga kaibigan, mga ninong at ninang. Silang bagong kasal at silang magkapatid kasama ang kanyang pamangking lalaki.
Nag-uumapawa sa kasiyahan ang puso ni Tasia ng mga oras na iyon. Wala siyang masabi kundi pasasalamat dahil pagkatapos nang lahat nang nangyari sa kanilang magkapatid ay magkasama na silang muli. Nabigyan ng hustisya ang nangyari sa namayapang dating asawa ni Chad, sa kanyang kakambal na si Jamie at maging sa kanilang mga magulang.
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
Roman d'amourTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...
