CHAPTER 16

32 3 0
                                    

"YOU are really alive, huh?" Puno ng pait ang boses ni Tasia. Kahit siya ay naririnig ang sakit na kalakip ng boses niya: ang magkahalong lungkot at galit na hindi maitatago kahit sa kanyang mukha.

Umiiling si Tasia habang hilam ng luha ang kanyang mga mata na nakatingin sa babaeng ngayon ay naglalakad na palapit sa kanya. Humakbang din siya pasalubong sa babae. Pinagmasdan niya ang mukha nito.

Ang manipis at may korteng kilay, ang matangos na ilong, ang bilog nitong mga mata na matalim kung tumingin ay mapanglaw at tikom ang mga labi nito ng mga sandaling iyon. Walang masyadong nagbago sa mukha nito. Hindi sila magkamukha kaya hindi rin aakalain ng sinuman na magkakambal sila. Mas mataas din si Jamie sa kanya ng limang pulgada at kapansin-pansin ang pagkakulot ng ngayon ay kulay pula na dati'y itim at tuwid nitong mahabang buhok.

Jamie is wearing a black leather jacket and in the inside she's wearing a black sando. Her twin also wearinf a black and shiny skinny pants and a black boots.

"You look different," aniya. Parang hindi na niya ito kilala, gayunman ay may bahagi ng puso ni Tasia na masayang makita ang kakambal sa kabila ng lahat.

"You, too. You look very differen, Anastasia," Jamie replied.

"K-Kumusta?" tanong niya.

Lumapit sa kanya si Jamie, hinawaka ang mukha niya at pinagmasdan siya sa kabila ng dilim. Nasasanay na ang mga mata ni Tasia sa dilim kaya malinaw na rin niyang nakikita ang malungkot na mukha ng kakambal. Ang pagkibot ng mga labi nito at namamasa nitong mga mata.

Hindi na naghintay pa si Tasia, siya na mismo ang kusang yumakap sa kakambal. Isang yakap na mahigpit. Yakap ng pangungulila.

"B-Bakit ngayon ka lang, Jamie?" tanong niya habang umiiyak.

"I-I'm sorry," sabi nito. Naririnig ni Tasia ang mararahas nitong paghinga at kahit ang pagpiyok nito ay hindi nakaligtas sa kanya. "Kasalanan ko."

Mariing ipinikit ni Tasia ang mata. Kahit na naghihinala na siya ay hindi niya pa rin inasahan na hihingi ng tawad ang kapatid. Ang ibig sabihin lang ng paghingi nito ng tawad sa kanya ay ang katotohanang mayroon itong nagawang ikinasakit niya. At dalawa lang ang nasa isip ni Tasia na dahilan. Una, ang pagkawala nito at iniwan siyang mag-isang nagluluksa para sa nawala nilang mga magulang at pangalawa, may kinalaman ito sa nangyaring kamatayn ng mga magulang nila.

"Why you are sorry?" she asked. Humiwalay na rin siya sa kapatid at hinawakan ang mga kamay nito. Malalamig ang mga kamay ni Jamie, malayo sa naaalala niyang mainit nitong mga kamay sa tuwing hahawakan niya. "Jamie."

"Kasalanan ko, Anastasia. Kasalanan ko," mahinang umiyak ang kakambal. Yumuko pa ito at mahigpit na gumanti ng hawak sa mga kamay niya.

Nanikip ang dibdib ni Tasia sa mga bagay na pumapasok sa isip niya pero hindi niya puwedeng pangunahan ang pangyayari. Kailangan niyang marinig ang katotohanan sa bibig ng kakambal.

"T-Tell me." Pilit na pinatatag ni Tasia ang boses. "Anong kasalanan ang sinasabi mo?"

Dahan-dahang ibinaling ng kapatid ang mukha sa kanya. Pakiramdam ni Tasia ang nanghina siya nang makita ang luhang mukha ni Jamie. Ang pagsisisi at ang takot. Nakikita rin niya ang galit sa mga mata nito pero nangingibabaw ang sakit na pinagdaraanan.

"A-Ako... ako dapat ang namatay noong araw na iyon, Anastasia. Hindi sila Mommy at Daddy. A-ako, ako dapat iyon," sabi nito habang umiiyak.

Napanganga si Tasia. Nanghina at nanginig ang mga tuhod at mga kalamnan niya at kasunod niyon ay ang pagbagsak niya sa sahig dahil sa tensyon. Ang isang kamay niya ay nananatiling hawak ng kakambal pero ang isa niyang kamay ay nakatakip sa bibig niya.

COLD STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon