NANG maiwang mag-isa si Tasia sa ladies rest room ay lumapit siya sa sink para maghugas ng kamay. Matapos maghugas ng mga kamay ay hindi niya naiwasang mapatingin sa malaking salamin na nasa kanyang harap at pagmasdan ang sariling repleksyon doon.
Bahagyang magulo ang kanyang buhok at pawisan rin ang kanyang mukha dahil sa ginawang pagtakbo at pagtakas mula s aka-date niyang si Louie. Ramdam na ramdam din niya ang panlalagkit ng katawan sanhi ng kanyang pawis lalo't nakasuot siya ng maxi dress.
Napabuntong-hininga na lang si Tasia.
"Kaya pala ganoon na lang ang tingin sa'yo no'ng lalaking may malamig na tingin," pagkausap niya sa sarili. "At talagang hindi maniniwala iyong babaeng daig pa ang ahas, na asawa ka ni Kuyang pogi."
Binuksan ni Tasia ang dalang shoulder bag at kinuha roon ang kanyang panyo. Inilabas rin niya ang kanyang dalang pulbo pati suklay at sinimulang ayusan ang sarili. Nang matapos ay muling pinagmasdan niya ang sarili sa salamin at muling napabuntong-hininga.
Mukha talaga akong manang, aniya sa sarili. "Wala eh, ginusto ko 'to kaya panindigan ko. Fighting Tasia!"
Nakailang buntong-hininga pa ang dalaga habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin bago niya napagdesisyunang lumabas na sa restroom. Nang makalabas doon ay agad na nakalanghap ang dalaga ng masarap na amoy ng pagkain kung kaya naman agad na kumalam ang sikmura niya.
Napahawak pa ang dalaga sa tiyan niyang alam niyang gutom na dahil hindi naman siya pinakain ng hinayupak niyang ka-date. Mula sa kinatatayuan ay nagpalinga-linga si Tasia at naghanap ng bakanteng mesa.
"Are you looking for someone, Ma'am?" tanong ng isang waitress na lumapit sa kanya.
Nahihiyang ngumiti si Tasia sa waitress. "I am looking for a table for myself. Do you have an available table?"
"We have an available table for two, Ma'am. Are you going to take it?"
"Saan po?" tanong niya.
"This way, Ma'am." At nauna na ang waitress sa direksyon kung nasaan ang mesang sinasabi nito habang nasa likuran siya nito at sumusunod.
Habang naglalakad ay ramdam na ramdam ni Tasia ang tingin ng mga taong naroon kung kaya yumuko na lamang siya.
Ignore them, sabi niya sa sarili. Mayamaya pa ay huminto na ang waitress na sinusundan niya.
"This is the table, Ma'am," sabi ng waitress.
Nag-angat ng tingin si Tasia at napangiti nang makitang komportable ang mesang pinagdalhan sa kanya ng babae. Nasa gilid iyon ng at bahagyang tago sa mata ng karamihan. Marahil ay napansin ng waitress na nahihiya siya o iyon talaga ang spot ng mga tulad niyang nag-iisa kahit pa nga 'table for two' ang mesang iyon.
"Thank you," sabi niya sa waitress at ngumiti.
"Please call us if you need anything."
"Thank you."
Umalis ang waitress sa harap niya. Naupo naman si Tasia sa kabilang bahagi ng mesa na nakatalikod sa salaming pader ng restaurant. Ayaw niyang may makakilala sa kanya lalo na dahil baka hinahanap pa rin siya ni Louie, na sana ay hindi na. Nang makaupo ay muling inilibot ni Tasia ang tingin sa kabuuan ng restaurant na kinaroroonan.
The place got the feels of home yet elegant. She wonders if the menu is also homey or not friendly for her pocket when her tummy made that small sound again.
Itinaas ni Tasia ang kamay para kunin ang atensyon ng isang waiter na magdaraan malapit sa kanya. Agad naman itong lumapit.
"I am going to take your orders, Ma'am," anito.
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
Любовные романыTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...