MABILIS na naligo si Tasia at kaagad rin niyang hinanap ang salamin sa mata para isuot iyon. Bagaman naisuko na niya ang sarili sa binata na parang natural na bagay ang ginawa niya para kay Chad ay nag-aalala pa rin siya at hinndi niya gustong pati ang lubos na pagtitiwala niya ay ibigay rinn sa lalaki.
Hindi pa siguro sa ngayon. Hindi pa hangga't hindi niya nalalaman kunng sino ba talaga ang kailangan niyang mahanap at kailangang iwasan para sa kaligtasan ng kanyang buhay at katarungan para sa mga namayapang magulang.
Nakabalik rin kaagad si Chad pagkagaling sa labas para bumili ng paggkain nila para sa pananghalian. Ipinagpasalamat na lang ni Tasia na hindi nito napansin ang salamin niya, o bkaa hindi lang ito nagsasalita.
O baka ako lang talag ang OA at naghiuhinala sa kanya? Sabi ngg isang bahagi ng isip niya.
Nag-iingat ka lang, walang masama doon, katwiran din niya sa sarili mayamaya.
"Pagkakain, alis tayo?" yaya ni Chad sa kanya.
"Ha? Saan tayo pupunta?" tanong niya. May balak kasi sana siyang magmanman uli sa mansyon ng pamilya niya pero mukhang mauudlot dahil sa hindi inaasahang pagkikita nila ng binata.
Kung sabagay, lahat naman nang nangyayari sa kanila ngayon ni Chad ay hindi talaga inaasahan na para bang gusto siyang sorpresahin ng panahon. O baka mas nasorpresa siya sa sarili niya.
"Mamamalengke tayo. Gusto mo bang mamasyal mamaya?" tanong nito.
Nag-isip si Tasia. "Ayoko sanang lumabas. M-Masakit ang katawan ko," sabi niyang bahagyang umiwas ng tingin sa binata.
Kaagad namang lumapit sa kanya si Chad at tinignan siya mula ulo hanggang paa kahit nasa kalagitnaan sila ng pagkain.
"Ano'ng masakit sa'yo? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?"
Umiling si Tasia sa binata. "Hindi naman na kailangang pumunta sa ospital. Masakit lang talaga ang katawan ko," aniya. "N-Napagod lang siguro kasi..."
"Kasi?" Nag-aaalala pa rin ang binata.
"Kasi, g-grabe ka," nahihiyang sabi niya.
Nakita niyang nanahimik ang binata na parang inisip kung ano ang sinasabi niya na grabe ito. Mayamaya ay napangiti ito nang tila mapagtanto kung ano ang tinutukoy niya.
"Kasalanan ko pala. Masakit pa ba ito?" tanong ng binata na ipinatong ang mga kamay sa pagitan ng mga hta niya na ikinalaki ng mga mata ni Tasia sa gulat.
Awtomatikong ipinatong rin niya ang kamay sa kamay ng binata nasa ibabaw ng kaselanan niya. Kahit na may suot siyang damit ay nararamdaman pa rin niya hanggang sa kanyang balat ang kamay ng binata at ang mainit nitong palad.
"Tumigil ka nga," saway niya kay Chad.
"Okay, fine. Hindi na lang ako masyadong magtatagal mamaya para makabalik ako kaagad. Patigin na lang nang listahan mo para iyon na lang rin ang bilhin ko," sabi ni Chad.
"S-Sige," sagot niya. "Idadagdag ko na lang rin iyong bibilhin para sa hapunan. Ano ba'ng gusto mong kainin mamaya?" Natigilan si Tasia nang mapansin niyang matamang nakatingin sa kanya si Chad at may kung ano sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Bakit? Ano'ng problema─"
Naputol ang sasabihin ni Tasia nang bigla na lang siyang yakapin ni Chad. Kakaiba ang yakap na iyon ng binata sa kanya. Nararamdaman aniya ang kalmado nitong paghinga sa batok niya, ang magaang pagkakapatong ng ulo nito sa balikat niya at ang katamtamang higpit at masuyong pagyakap nito sa kanya. At dahil doon, may tila mainit na kamay ang humaplos sa puso niya ng mga sandalinng iyon.
Hindi alam ni Tasia kung bakit komportable siyang nagkakadikit ang katawan nila ng binata. Hindi rin masamaang loob niyang ibinigay niya dito ang kanyang sarili. At totoo rin sa loo bang kagustuhang pagsilbihan ito sa kabila ng pag-aalalang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
RomanceTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...