"HOW are you feeling?"
Nilingon ni Tasia si Jude na palakad˗lakad sa isang tabi, ilang metro ang layo sa kanya. Sa tuwing nililingon niya ito ay iniiwas nito ang tingin na para bang natatakot ang binatang mahuli niya ito.
Bumuntong˗hininga ang dalaga pero hindi siya sumagot. Naroon sila sa maliit na kubo sa kaliwang gilid ng malaking bahay ng binata. Nakaupo si Tasia sa kawayang upuan na bahagi ng kubo. Nakapaikot iyon sa loob ng bukas na bukas na kubo na iyon kung tutuusin ay isang open cottage. Sariwa ang hanging nalalanghap niya sa gitna ng gabi.
Lumabas siya ng bahay at nagpunta roon pagkatapos nilang maghapunan. Magkasabay silang kumain ni Jude pero hindi niya ito kinibo kahit kaunti na para lang itong hangin sa harap niya.
Hindi dahil galit siya sa binata kundi dahil nahihiya siyang nakita na naman nito ang kahinaan niya nang araw na iyon.
Mula sa labas ng kubo ay pumasok ang binata sa loob at naupo sa tapat niya. Bakas sa mukha ni Jude ang pag˗aalala at hindi rin iyon naitago ng boses nito nang muling magsalita.
"Come on, Tasia. Please, talk to me," Jude said as if he is surrendering his life to her.
"Bakit mo ba ako ginugulo? I am resting, Jude," sagot niya.
Ang binata naman ang napabuntong˗hininga at dinig na dinig iyon ni Tasia na para bang sadyang ipinaririnig sa kanya.
"Look, hindi kita ginugulo, okay? Nag˗aalala ako sa'yo."
"I am fine."
"Anastasia─"
"I have a question," putol niya sa sinasabi nito. "Bakit mo ako pinahahanap?"
"Dahil nag˗aalala ako sa'yo," sagot ng binata.
Sinalubong ni Tasia ang mga mata ni Jude pero nag˗iwas ito ng tingin sa kanya. "May iba pang dahilan kaya mo ako ipinahanap di'ba?"
Hindi kumibo ang lalaki at sa halip ay tumayo ito para iwan siya sa kubo.
"Stop avoiding my questions, Jude," mahina pero galit niyang sabi. "Sabihin mo na lang sa akin ang dahilan at sagutin mo ang mga tanong ko dahil sa ayaw at sa gusto mo malalaman ko rin naman iyon."
Parang napipilitan naman siyang nilingon ng binata. "I told you rest and stop thinking. Mas mabuti kung susundin mo ako." Pagkasabi niyon ay naglakad na ang binata pabalik sa bahay.
Pero matigas ang ulo ni Tasia. Marami siyang tanong sa isip niya na kung hindi pa masasagot ay hindi rin siya makakapagpahinga.
She wants answers. At sa oras na iyon ay si Jude lang ang makasasagot sa kanya dahil tiyak siyang wala namang masasabi sa kanya ang abogado nila at kahit ang dati nilang mayordoma. Isa pa, ibinilin sa kanya ni Jamie na huwag nang kokontakin ang mga iyon para sa sarili nilang mga kaligtasan.
Lumabas din sa kubo si Tasia at hinabol si Jude sa harap ng bahay na akmang papasok na sa loob.
"Bakit akala mob a ayaw kong magpahinga?" malakas niyang tanong. Hindi na naitago pa ni Tasia ang sama ng loob na ayaw na sana niyang malaman pa ng lalaki. "Akala mo ba gusto kong isipin ang lahat ng ito at hayaan ang sarili kong magkasakit?"
Nilingon siya ni Jude. "Anastasia─"
"I also want to get rest and have a peace of mind, Jude. Ayokong matakot at gusto kong bumalik ang buhay ko sa dati na kasama ang mga magulang at ang kakambal ko. I want to live ih our mansion again and forget everything that happens, but can I really do that?" Bukod kay Jamie, si Jude lang ang hinayaan niyang makarinig ng mga sintimyento at galit niya sa buhay. "I lost my parents. Jamie is alive but I can't be with her. I am alone, you see. You broke my heart and I already forgive you on that, but letting me blind on my own situation," tumingala ang dalaga ang pinagmasdan ang madilim na langit, "I can't forgive you. Sino ka para itago sa akin ang nangyayari? Bakit ayaw mong sabihin sa akin ang bagay na dapat alam ko? Jude, you're not even a family!
"This is my family, this is about me and my safety and I have rights of it! And you moron has nothing to do with me─"
Jude walked towards her and hugged her so tightly that Tasia felt so weak and let her tears rolled down to her cheeks. She cry silently and when Jude tapped her back as if he was saying that everything is going to be okay and he understand her situation, her cry started to have a sound.
Second per second and minute per minute, her cries became so loud that it filled the so quiet garden at Jude's home.
Sa ibang pagkakataon ay mas ikasisiya ni Tasia ang mapanood ang magandang tanawin sa malamig na gabing iyon. ang damhin ang maginhawang dulot ng simoy na hangin at pagmasdan ang maaliwalas na langit at amuyin ang mabangong amoy ng mga bulaklak sa hardin.
Pero hindi niya iyon maramdaman ng mga oras na iyon. Ang pakiramdam ng dalaga ay wala siyang laman at walang sigla ang kanyang buhay sa mga nakalipas na buwan. Na para bang wala nang halaga ang buhay niya at gusto na lang niyang mawala dahil hindi na niya kinakaya pa ang magkahalong tensyon at sakit na nasa dibdib niya.
Patuloy na umiiyak siya sa dibdib ni Jude habang ang binata ay nakayakap pa rin sa kanya nang bigla na lang may kung sino'ng humila sa binata palayo sa kanya at pagkatapos ay nakita na lang niyang nakabulagtas ang dating nobyo sa pathway, may dugo sa gilid ng mga labi.
"How dare you to touch my girlfriend?!"
Huminto ang pagtulo ng mga luha ni Tasia bagaman hindi niya napigilan ang pagsinghot niya sanhi ng pag˗iyak. Mula sa nakahigang si Jude ay tumuon ang mga mata ni Tasia sa sumuntok sa binata at nagulat pa siyang makitang na naroon si Chad habang masama ang tinging ibinibigay sa kaibigan.
"C˗Chad," mahina ang boses na tawag niya sa binata.
Mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha ng nobyo. Mula sa galit na galit na hitsura nito ay bigla iyong naging maamo nang tumuon sa kanya ang mga binata ng binata.
"Tasia," tawag sa kanya ng binata at inisang hakbang lang ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Mahigpit siya nitong niyakap ngunit saglit lang iyon dahil humiwalay rin ito kaagad sa kanya para i˗check siya. Pinunasan din ng binata ang basang˗basang mga pisngi niya dahil sa pag˗iyak. "Why are you crying sweetheart? What happened? Tell me."
Sa bawat tanong ni Chad ay hindi alam ni Tasia kung paano sasagutin ang binata, hindi dahil sa may itinatago siya kundi dahil hindi rin naman niya alam kung ano ang dapat sabihin at kung kaya na ba niyang magkuwento.
"Sweetheart, it's okay. You can tell me anything," Chad said in a soft voice that soothed her heart and made her at peace. "This asshole told me that you collapsed. Are you okay now?"
Pinagmasdan ni Tasia ang mukha ni Chad. Sa isip niya ay hindi niya maiwasan ang matawa dahil hindi niya kayang ipaliwanag kung paanong ang lalaking nasa harap niya ay nagagawang pagaanin ang pakiramdam niya sa pamamagitan lang ng pagkikita nilang dalawa, tulad ng mga sandaling iyon.
As her to answer his question, she smiled at him and about to open her mouth to speak when from her peripheral vision, Tasia saw a familiar body built of a woman looking at them.
And even before she turned her face to the woman's direction, Tasia heard Jude's voice calling for her twin. She looked at Jude's face questioning him, but he didn't glanced at her instead he was looking straight to their side.
"J˗Jamie..." And then, he stand up and ran so fast to reach the woman, and to Tasia's surprised while her eyes following the man's action, Jude embraced the woman and cried.
And at that moment, one of her blind folds opened in front of her. Jude loves her twin sister, Jamie.
. . . B L U E F O R T E S . . .

BINABASA MO ANG
COLD STEEL
Storie d'amoreTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...