"SHE is amazingly strong for a woman, don't you think?"
Nagulat pa si Tasia nang marinig niya ang boses na iyon ni Chad pagkalabas na pagkalabas pa lang niya ng study room. Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng boses ng lalaki ay nakita niya itong nakatayo sa kaliwang gilid ng pinto, nakasandal sa puting pader at nakahalukipkip. Hindi ito nakatingin sa kanya bagkus ay sa naka˗tiles na sahig.
Nakikita ko siya, pero namimiss ko pa rin siya, malungkot na sabi niya sa isip. Kapagkuwan ay tumikhim siya para pawiin, hindi lamang ang laman ng kanyang isip kundi maging ang nararamdaman niyang kalungkutan sa kanyang dibdib.
"I didn't mean to disturb your conversation," she apologized.
"I know. Hindi rin namin inaasahan ang sinabi ng kakambal mo, lalo na si Jude," sabi nito.
"Nasaan siya?" may pag˗aalala sa tinig na tanong niya.
Napansin naman niya sandaling nagsalubong ang mga kilay ni Chad saka siya nito tiningnan. Kamuntik pang mapanganga si Tasia nang magsalubong ang mga mata nila, mabuti na lang at napigilan pa niya ang sarili. She really misses him so much, unexpectedly.
"Nasa kuwarto niya, nagmumukmok. And I want to inform you that Jude loves your twin sister, if you doesn't know," he answered, emphasizing his last words.
Kumunot ang noo ni Tasia. Bumuka ang bibig niya para magsalita subalit itinikom din niya kapagkuwan dahil napagtanto niyang madalang na lang silang magkausap ng lalaki para awayin niya pa ito.
Tumango na lang siya at naglakad paalis. Babalik na lang siya sa kuwarto niya habang hinihintay si Jamie. Pagkatapos ng mga itong mag˗usap, saka na lang siya kakain. Hindi na rin kasi siya komportableng magpagala˗gala sa bahay ni Jude lalo na at ganoon ang sitwasyon. Nagkakagulatan sila at alam ni Tasia na hindi man nagsasalita ang lahat ay nagkakasakitan sila nang hindi sinasadya.
Sa gilid ng mga mata ni Tasia, nang makalampas siya sa harap ni Chad ay nakita niya itong tumayo nang tuwid at humawak sa seradura ng pinto ng study room. Lihim siyang napabuntong˗hininga. Alam niyang maraming dapat pag˗usapan ang lalaki at ang kakambal niya at hindi niya gustong makaabala na naman sa mga ito. Sa kapatid na lang siya makikibalita, oras na matapos na ang dalawa sa pag˗uusap.
Ngunit nagulat siya nang maramdaman ang paghawak ng binata sa braso niya dahilan para mapapihit siya paharap kay Chad.
"C˗Chad?" Nagtatakang tiningnan niya ang mga mata ng lalaki. Seryoso ang mukha nito, salubong ang mga kilay at ang mga mata ay hindi niya masabi kung ano ang gustong ipahiwatig sa kanya.
"Saan ka pupunta?" malamig ang boses na sabi ng binata. Wala iyong kaemo˗emosyon, malayo sa nakikita niyang reaksyon ng mukha nito.
"Sa taas," sagot niya.
"Pupuntahan mo si Jude?" tanong uli nito. Bigla, nagkaroon ng tunog pagkainis ang boses ng lalaki.
"Ha?" nabiglang tanong din niya. "Baka silipin ko siya roon sa kuwarto niya," mayamaya ay naisagot niya.
Dahil nakatingin siya sa mukha ni Chad, kitang˗kita ni Tasia ang biglang paniningkit ng mga mata ng binata. Halos magdugtong na rin ang magkabilang dulo ng mga kilay nito at kitang˗kita rin niya ang paggalaw ng panga ng lalaki.
"B˗Bakit parang nagagalit ka?" lakas˗loob na tanong niya.
"You're not going anywhere, Tasia. Understand?" pagalit na sabi nito.
"Why? Aakyat lang naman sa second floor, ah?" nagtatakang tanong niya.
Pero sa halip na sagutin ang tanong niya hinila siya ni Chad papunta sa hagdan. Ang kamay nitong nakahawak sa braso niya ay nakahawak na sa kamay niya. Magkahugpong ang mga iyon at doon na lang natuon ang pansin niya. Nakalimutan na niyang naglalakad sila sa hagdan at kahit nang makarating sila sa kuwarto niya ay nakatingin lang siya sa mga kamay nila.
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
RomanceTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...
