PAGOD ang katawan na binuhat ni Chad ang nakatulog nang si Tasia at dinala sa ibabaw ng malaki at malambot na kama sa loob ng isa sa mga silid sa bahay ni Jude.
Gusto pa sanang magtagal ni Chad sa tabi ng dalaga ngunit kailangan niyang tapusin na ang trabahong ibinigay ng kaibigan sa kanya para naman mas matagal niyang makasama ang dalaga.
Napabuntong˗hininga ang binata.
Nang mailapat na niya ang hubad na katawan ni Tasia sa ibabaw ng kama ay agad niya itong kinumutan at itinaas iyon hanggang sa leeg nito. Umupo sa siya gilid ng ulunan nito at hinagkan ang noo ng dalaga.
"I don't like to leave you on other's man house, but this is the safe place where I can bring you while doing my friend's favor," he said while looking on Tasia's face in a gentle manner. "Bibilisan ko ang paghahanap sa kanya para makabalik kaagad ako."
Pagkaraan ng ilang beses pang pakikipagtalo sa sarili kung iiwan nga ba ni Chad ang nobya sa bahay ng kaibigan ay napagdesisyunan na rin niyang tumayo at magsuot ng damit. Babalik siya sa apartment nila ng dalaga at mag˗isang titira doon pansamantala hanggang wala pa siyang lead sa hinahanap niya. Babalik din siya sa mansyon ng mga Soriano.
Dahil sigurado siyang pumupunta roon ang anak ng mga ito. Hindi nga lang niya sigurado kung sino. Nang nagdaang araw, bago siya umuwi sa apartment nila ni Tasia ay dumaan muna siya sa mansyon ng mga Soriano at noon niya nakita ang isang maliit na gate sa kabilang bahagi ng bakod. Hindi iyon kapansin˗pansin dahil natatakpan iyon ng katawan ng isang malaki at matandang puno. Doon siya pumasok at dumeretso sa front door ng bahay.
Pagkapasok niya sa bahay ay kaagad na nakaamoy siya ng pabango ng isang babae kung kaya naman natiyak ni Chad na may pumupunta pa roon kahit na matagal nang walang nakatira. Sigurado siyang may pumupuslit sa bahay at malakas ang kutob niyang ang anak iyon ng mga Soriano.
Ang babaeng nagngangalang Anastasia Soriano.
Nilibot niya ang buong kabahayan ngunit wala siyang nakitang kahit isang larawan ng mga ito maliban sa wedding portrait ng mag˗asawang Soriano. Kaya naman wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa apartment nila ni Tasia nang walang nakalap na kahit na ano'ng impormasyon.
Nang maiayos na ni Chad ang sarili ay kumuha siya ng papel at ballpen sa gamit ni Tasia at nagsulat doon. Kailangan niyang iwanan ng sulat ang dalaga para naman hindi ito mag˗alala o magalit sa kanya sa oras na magising ito na wala siya. Hindi na niya puwedeng hintayin pa na magising ito dahil gusto na niyang tapusin ang misyon at nag˗aalala rin siya para sa babaeng iyon lalo't sigurado siyang nasa panganib ang babae.
Buo ang loob, hindi na lumingon pang lumabas si Chad sa kuwarto kung nasaan si Tasia. Kailangan na niyang bumalik sa Quezon para makabalik din siya kaagad sa piling ng nobya. Inalis na muna niya sa isip ang pag˗aalalang baka magkita ito at ang kaibigan niya.
Knowing his friend, Jude, girls are his expertise even he is doing nothing.
At maganda ang nobya niya kahit pa nga kakaiba ang taste nito sa pananamit. Mahirap nang magkagusto sa dalaga ang kaibigan. Hindi niya papayagan kaya gagawin niya ang lahat para makabalik at matapos ang trabaho niya bago pa man makabalik si Jude sa bahay nito.
"I'll be back soon, Tasia. Don't you dare look on Jude's face. Mas guwapo pa rin ako sa kanya," aniya sa sarili. Kapagkuwan ay napailing siya at kasunod niyon ay deretso na siyang lumabas ng bahay na iyon at sumakay sa nakaparada niyang sasakyan sa labas ng bahay.
TINATAPIK˗TAPIK ni Jude ang ilalim ng kanyang baba habang nakatingin sa kisame sa loob ng kanyang opisina. Naroon siya sa Maynila dahil mayroon siyang mga taong kailangang makausap ng personal tungkol sa mga negosyo niya.
Ngunit nang mga sandaling iyon ay nagpapahinga siya matapos tumawag sa bahay niya sa La Paraiso para kumpirmahin sa mga kasambahay niya na dumating na roon ang kaibigan niyang si Chad at ang kasama nitong babae na sigurado siyang nobya nito.
Hindi nagkukuwento ang kaibigan sa kanya nitong mga nagdaang mga linggo kaya hinuhulaan na lang niya ang nangyayari at kung may pagkakataon ay pasimple niya itong hinuhuli. Hinihintay na madulas ang bibig nito at sabihin sa kanya ang tungkol sa buhay pag˗ibig.
Pero hindi iyon nangyari. Maliban na lang nang humingi ito ng pabor sa kanya.
"I am really wondering kung saan niya nakilala ang girlfriend niya ngayon at kung alam ba niyon ang nakaraan niya?" sabi ni Jude sa sarili habang nakatingin pa rin sa kisame. "Hope that this time, Chad will be happy. Naaawal na rin ako sa miserableng buhay niya."
Nagkibit˗balikat siya at napabuntong˗hininga. Mayamaya pa ay napagdesiyunan niyang lumabas muna para magpahangin. Masyado na kasi siyang abala sa trabaho at nag˗aalala sa dati niyang nobya.
Natigilan si Jude nang mahulog sa sahig ang isang brown envelop pagtayo niya sa swivel chair.
"Ano ba 'to?" mahinang tanong niya sa sarili. Yumuko ang binata at pinulot ang envelop na nakita. Binuksan niya iyon kapagkuwan at parang sasabog ang ulo niya nnag makitang larawan iyon ng isang babae. Iyon ang larawan ng dati niyang nobya. Kaagad na hinanap ni Jude ang iniingatang larawan ng kakambal nito na lihim niyang minamahal sa mga drawer sa mesa niya, pero hindi niya makita. "Nasaan na iyon?"
And then after a few minutes of searching on his table, he cursed.
Minsan talaga nagiging tanga siya. Hinagilap niya sa bulsa ng suot na suit ang cellphone at nag˗dial ng numero ni Chad. Kailangan niyang sabihin sa kaibigan na mali siya ng larawang ibinigay rito.
Nasa kanya ang larawan ni Anastasia kasama ang mga information tungkol sa kakamabal nitong si Jamie. Sa madaling salita, naipagpalit ang mga larawan dahil sa kapabayaan niya.
Hindi niya ma˗contact ang kaibigan kaya naman sa bahay niya siya tumawag. Ngunit wala ring sumasagot. Naihilamos na lang niya ang mga kamay sa mukha at pagkatapos ay kaagad na kinuha ang attaché case niya at lumabas ng opisina.
"Sir, saan po kayo pupunta?" tanong ng sekretarya niya.
"Pupunta muna ako sa La Paraiso. Re˗schedule all of my meetings today on the day after tomorrow, okay?" sabi niyang nagmamadali.
"Copy, Sir Jude. Ingat po kayo."
"Thanks, umuwi ka na rin pagkatapos." Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang elevator. Pagkapasok niya sa elevator ay kaagad niyang tinawagan uli si Chad pero hindi pa rin niya ito makontak. Mahihirapan ang kaibigang hanapin ang isang taong walang balak magpakita.
Nakakaasar, galit na sabi niya sa sarili. Bakit ba kasi hindi ako nag˗check ng infos na ibinigay ko sa kanya? Tuloy pa rin ang pagtawag niya kay Chad pero hindi pa rin niya ito makontak hanggang sa malakabas na siya ng building na pag˗aari niya at makasakay sa sasakyan niya.
"Sorry, Chad. Alam kong hindi mo gustong magkita kami ng itinatago mong girlfriend pero, dahil mukhang pinatay mo ang cellphone mo wala akong ibang choice kundi ang umuwi sa bahay ko." Sa naisip ay napailing na lang si Jude. "Sino bang mag˗aakalang puwedeng mangyari na ang may˗ari ng bahay ay hindi puwedeng pumunta sa bahay niya dahil nandoon ang girlfriend ng kaibigan niya? Hindi talaga ako makapaniwala, tapos sa'kin pa nangyari. Amazing!"
At nagmaneho siya pabalik sa bahay niya sa La Paraiso. Mayamaya ay napangiti siya.
Siguro, iniaadya ng pagkakataon na makilala ko ang girlfriend ng kaibigan ko, aniya sa sarili at ngumiti.
. . . B L U E F O R T E S . . .
![](https://img.wattpad.com/cover/246402487-288-k202456.jpg)
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
Любовные романыTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...