"SOMEONE kidnapped her!"
Kaagad na natigil si Chad sa paglalakad papunta sa presinto nang marinig niya ang nag˗aalalang boses na iyon ng kaibigang si Luke sa kabilang linya. Wala pang alas diyes ng umaga kaya naman kararating lang niya at kabababa lang niya ng kotse niya.
"Ano'ng sinasabi mo─"
"Miss Soriano was kidnapped, Sanchez!" malakas at pasigaw na sabi ng kaibigan.
Pakiramdam ni Chad ay biglang nayanig ang mundo niya sa sinabing iyon ni Luke. Nakaramdam siya nang magkahalong panlalamig ng katawan mula sa kanyang likod papunta sa kanyang batok at nang sandaling pagkahilo sanhi nang pagkabigla.
"Ano bang ginagawa mo? Paano nangyaring na-kidnapped si Tasia?!" galit na tanong niya kapagkuwan. Napahawak pa siya sa kanyang ulo at ilang ulit na hinagod ang kanyang buhok. Natataranta siya. Natatakot. "Kailan nangyari, Imperial?"
"Ngayong umaga lang," mabilis na sagot ng kaibigan. "Around nine of the morning, here in the nearest mall. Tinakasan niya ako. Nandito ako ngayon sa cctv room. Black van na may sakay na ilang kalalakihan ang kumuha sa kanya sa exit ng mall."
Narinig ni Chad na may kausap si Luke sa kinaroroonan nito. Marahil ang head of security iyon ng mall. "Luke, can you hear me?" he asked.
"Yes."
"Mag˗report ka na kaagad. And looked for that cctv. Puwedeng may magpunta d'yan para ipabura ang footage. That was an evidence as well against those criminals. May isang pangalan na ang kumpirmado sa listahan," sabi niya sa kaibigan.
"I know. I'll call some back up," sabi ni Luke.
"Who?" he questioned him.
"The La Paraiso men, Sanchez. They promised to help you as well."
Iyon lang at nawala na sa kabilang linya ang lalaki. Mabilis namang hinanap ni Chad ang numero ni Jude sa contacts niya at pagkatapos ay tinawagan niya ito. Kaagad namang sumagot ang kaibigan at sinabi niya rito ang nangyari.
"I'll help─"
"No, Jude," sawata niya sa kaibigan. "Sinabi ko lang sa 'yo para alam mo ang nangyayari. Hindi ko alam kung paano mo gagawin pero kailangang sabihin mo 'to kay Jamie. Kailangang hindi siya mawala sa paningin mo. She still need to know yet you have to be aware of her actions. We need her to testify. Hindi puwedeng may mangyari sa kanya─"
"Sinong kausap mo?" Narinig ni Chad ang boses ni Jamie sa kabilang linya.
At nang marinig niya ang biglang pagkautal ni Jude ay kaagad niyang ibinaba ang gadget at pinatay ang tawag na iyon. May iba pa siyang dapat gawin. At isa na roon ang sabihin sa hepe niya na isama siya sa operation na iyon. Pero bago ang lahat, kailangan munang mag˗report ni Luke tungkol sa kidnapping na iyon sa mall.
"HMMM," ungol ang lumabas sa bibig ni Tasia. Nakaramdam siya nang pamimintig ng kanyang ulo at nang bahagyang kirot sa kanyang sikmura.
Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nagulat pa siya nang makitang wala siya sa kanyang kuwarto at sa halip ay nakahiga siya sa isang kawayang papag at nakatali ang mga kamay niya sa likuran.
"Nasaan ako?" kaagad na nanulas sa kanyang bibig habang inililibot ang tingin sa paligid.
Walang pintura ang pader. Hindi finished ang pagkakagawa niyon. Sementado rin ang sahig pero hindi pinakinis, marumi at halos walang gamit maliban sa ilang kahoy na upuan at mesa na may mga bote pa ng alak sa ibabaw. Ang pader ay may mga guhit ng iba't ibang kulay ng chalk na para bang na˗vandalized iyon ng kung sinong mga bata.
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
Roman d'amourTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...
