"INI-SCAM NINYO BA 'KO?"
Napanganga si Tasia sa sinabing iyon ni Mr. Cold Steel. Pakiramdam niya ay pinagbibintangan siya ng lalaki at sinisisi sa isang bagay na hindi naman niya ginawa o ginagawa.
"Pakialam ko sa mga pinagsasabi!" biglang singhal ni Louie at akmang susuntukin nito si Mr. Cold Steel pero mabilis rin ang reflexes ng huli kaya agad nitong naiwasan 'yon. "Gago ka! Bakit ka umiwas? Hinahamon mo ba 'ko?"
"I'm doing nothing, moron," malamig na sabi ni Mr. Cold Steel. Nakatitig lang sa kaharap na hindi na makatayo nang maayos.
Hindi alam ni Tasia kung matatawa siya sa mga walang kuwentang hirit ni Louie. Duda rin siya kung malinaw ba nitong nakikita ang hinahamon.
"Mas mabuti kung umalis na lang kayo. Palagay ko, balak ninyo lang talagang gumawa ng eksena dito sa restaurant. Madilim na ang mukha ni Mr. Cold Steel. May palagay pa si Tasia na pati sa kanya ay nagagalit ito. "Both of you, leave. Now."
Naikuyom na lang ni Tasia ang mga kamay sa sobrang gigil. Iyon ang unang pagkakataon na may nagsalita sa kanya ng ganoon na para siyang isang basura na kailangan nang itapon.
Pero isa lang ang alam ni Tasia, hindi siya papayag na basta na lang siyang aalis doon nang hindi nalilinis ang pangalan niya sa lalaki. Kung bakit kailangan niya pa iyong gawin, hindi niya alam. Feeling lang niya ay kailangan niyang gawin iyon.
"Hindi kita ini-scam," aniya, sa katamtaman pero may diing boses.
"Really?" nang-uuyam na saad ni Mr. Cold Steel. "Parang hindi na ako naniniwala."
"Wala kaming pakialam kahit 'di ka maniwala," banat na naman ni Louie. Taas-noo pa. Bigla rin itong umakbay sa kanya na ikinagulat talaga ni Tasia. Agad naman niyang tinabig ang kamay ng lalaki at bahagyang lumayo dito.
"So sweet," puna ng malamig na lalaki.
Hindi napigilan ni Tasia ang sariling mapaingos sa inaasal ng huli. Handa na sana siyang makipagsagutan pa dito at ipaglaban ang sarili niya, nang mula sa likuran nito, sa entrada ng restaurant kung saan sila nanggaling ay matanaw niya ang pamilyar na mukha ng isang taong matagal na niyang iniiwasan.
Ano'ng ginagawa ng kulugong 'yon dito? Pagtatanong niya sa sarili. Naramdaman ni Tasia ang mabilis na pagdaan ng kaba sa puso niya lalo sa isiping baka makita siya nito, kaya naman itinikom na lang niya ang bibig.
Aalis na lang sana siya nang maalala niya ang masamang balak sa kanya ni Louie sa bar na pinagdalhan sa kanya nito. Hinarap niya ang lalaki at ihahampas sana dito ang malaking supot ng mga pagkain.
Wait, sayang 'to baka matapon, aniya sa sarili. Tinitigan niya ang supot at ang hawak na bag. Nilingon niya din si Mr. Cold Steel bago ito iningusan. "Salamat dito sa pagkain."
Nang muli niyang balingan si Louie ay ngiting-ngiti sa kanya. Ang kapal ng mukha nitong ngumisi sa kanya. "Buwisit ka! Huwag ka nang magpapakita sa'kin. Idedemanda kitang adik ka!"
At hinampas ni Tasia ng bag niya ang mukha ng lalaki kaya bumagsak si Louie sa semento na sinamantala niya para makatakbo palayo sa lugar.
Sana lang talaga, hindi na magkrus ang mga landas natin. Nakakainis ang araw na 'to, hindi na ako makikipag-blind date kahit kailan, aniya sa isip. Nang sa palagay ni Tasia ay wala namang sumusunod sa kanya at nakalayo na siya ay huminto na siya para pumara ng taxi na nagdaraan.
Nang makasakay ay pagod na isinandal ni Tasia ang sarili sa upuan sa backseat. Napabuntong-hininga pa siya nang maalala ang mukha ng lalaking hindi niya inaasahang makikita niya ng gabing iyon.
"Pero sa lahat nang nakakainis at bangungot, iyon ay ang pagmumukha mo, Jude Moreno," mahinang bulalas niya.
"Miss?" Ang driver ng taxi na tinignan siya mula sa rearview mirror.
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
Roman d'amourTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...