CHAD walked away from Tasia. And he really didn't want to do it, yet he has to. He was torn between understand her ways and admire her bravery, and by being angry for that as well.
Nang makilala niya si Tasia noon bilang isang manang na galit na galit sa kanya dahil tinawag niya itong scammer, hindi niya kahit kailan naisip na isa pala itong napakatapang na babae na may sariling mga diskarte kung tutuusin. Akala niya ay isa lang itong masungit na probinsyana na hindi pa nagkakanobyo kahit kailan kaya galit sa kanya.
Kaya ang malamang ex˗girlfriend ito ng kaibigan niyang si Jude ay talagang nagulat siya. Kung tutuusin ay masasabi niyang napakaliit ng mundo nila. Malay ba niyang ito ang pinahahanap sa kanya ng kaibigan, at kapatid pa ito ng babaeng inakala niyang inabandona ang hustisya para sa namayapa na niyang asawa. Hindi niya iyon naisip. At ngayon lang niya iyong napagtuunan ng pansin.
Malalaki ang mga hakbang ng binata nang lumabas siya ng study room sa mansion ng mga Soriano. Naglalakad na siya palabas nang marinig niya ang boses ni Luke. Ah, tama. Kailangan din niyang humingi ng tawad sa kaibigan dahil sa ginawa niyang pagsuntok dito.
"Sanchez," tawag sa kanya ng abogadong kaibigan.
"Luke," tawag niya rin sa pangalan nito nang lingunin niya.
"Walking away from Miss Soriano?" he asked.
"I need to breathe," he replied. "About earlier, I'm sorry─"
Luke punched him in his face. The force was enoughed to moved him from where he was standing. He glared at him after a minute.
"Now, we're even. Apology accepted," Luke shrugged his shoulder. "Lalabas ka para huminga? Bakit nasasakal ka na ba?"
"It's not what I meant─"
"Then, stay," Luke cut his words. "Hindi kasi kita masasamahan kung lalabas ka. May mini bar sa bahay na ito. At palagay ko ay puwede na tayo ro'n. She won't notice that you're still here. Atleast, dito may kaibigan kang makakasama. Sa labas hindi kita masasamahan since sinabihan ninyo ako ni Jude na magbantay nang mabuti rito. Hindi ko alam na nagbago na talaga ang taste mo sa babae, dude."
"Ang dami mo pang sinasabi," aniyang nagkibit˗balikat lang.
"Lead the way to the mini bar."
"Hindi pa. Ngayon pa lang ako nakapasok dito ng broad daylight," aniya.
"Wow! First time kong makarinig na hindi alam ng lalaki ang pasikot˗sikot sa bahay ng girlfriend niya."
"We're cool off," he said and followed Luke as he started to walk.
"Really? Since when? Kanina lang?" tanong ng lalaki pero halatang hindi naman talaga interesado.
Pagkaraan ng ilang saglit ay nasa mini bar na sila. Nasa kabilang bahagi iyon ng dining room ng bahay. May kaliitan ang espasyo niyon pero malinis at presentable. Elegante rin ang interior design. May maliit iyong bar counter kung nasaan nakahilera ang mga shot glass na iba't iba ang mga laki at sukat, at mga goblet. May matataas na stool para upuan at may dalawang malalaking cabinet sa likot ng counter kung saan naroon ang mga nakahilerang iba't ibang klase ng alak.
Sa tapat ng counter ay mayroon billiard's table at sa isang bahagi ng maliit na silid na iyon ay may mahabang couch na may salaming mesa kung saan may nakikita siyang ash trays na malilinis at walang laman. May hinuha na siya na ang silid na iyon sa mansyon ang tambayan ng padre de pamilya ng ma Soriano noong nabubuhay pa ito. Iniisip niya kung doon din ba madalas pumunta si Tasia o kung marunong man lang ba itong uminom ng alak at kung marunong din ba itong maglaro ng billiards.
Napabuntong˗hininga si Chad at kapagkuwan ay naupo sa stool at saka hinagod nang paulit˗ulit ang kanyang maiksing buhok. Si Luke naman ay kaagad na umikot sa counter para kumuha ng isang bote ng red wine na hindi na niya tiningnan pa kung ano ang pangalan.
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
RomanceTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...
